Ito na ang aking last post for this year. At gusto ko lang talaga sabihin na maraming maraming salamat sa lahat na naging parte ng buhay ko ngayong taong 2009! ^___^
Gusto ko palang i-share dito yung GM ko kaninang umaga. Wala lang. Natuwa lang ako rito. Haha.
"Before the year ends, let's...
Thank those who hated us - they made us humble persons.
Thank those who loved us - they made our hearts warm and content.
Thank those who envied us - they made our self-esteem go stronger.
Thank those who cared - they made us feel important.
Thank those who entered our lives - they made us who we are today.
Thank those who left - they showed us that nothing really lasts forever.
Thank those who stayed - they showed us the true meaning of friendship.
So thank you, my friend".
So ayun, haha. Nag-bake nga pala kami kanina. Heto... :p
So advanced HAPPY NEW YEAR guys! ^___^
Thursday, December 31, 2009
Year End Post
0 commentswritten by Patrick at 10:20 PM
Wednesday, December 30, 2009
Everything's Clear
2 commentsNatutuwa talaga ako at nagkausap na kami. At dahil sa paguusap na ito ay naging malinaw na ang lahat. Inexplain ko na yung side ko, at inexplain na rin niya yung side niya. So ok na talaga ang lahat sa pagitan namin ^___^ Wala na akong kailangang ikabahala. At gusto kong magpasalamat sa kanya dahil naintindihan niya ako ^___^
written by Patrick at 1:42 PM
Problems
0 commentsNalulungkot talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Matatapos na nga ang taon, tapos ngayon pa nagkaroon ng mga kaguluhan.
Isa na rito ay sa pamilya namin. Naiinis talaga ako sa ginawa niya. Hindi na yun appropriate e. Grabe lang! Ang lakas ng loob a. O tignan mo, nahuli ka tuloy. Kasi naman e, di na dapat ginagawa yung mga ganung bagay. Tsk tsk. Minsan tuloy ang awkward na ng dating. Haaay. Maayos pa kaya ito? :(
Tapos yung isa pang problema e yung sa mga kaibigan ko. Haaay. Ang laki ng kaguluhang nangyayari ngayon. At naiipit ako sa kanilang lahat. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung makikialam ba ako. Baka kasi mamaya sa akin pa sila magalit dahil nangingialam pa ako. Pero gusto ko talaga silang tulungan para maayos na ang kaguluhang ito. Isang lang naman kasi itong malaking misunderstadning. Kumabaga, parang nagkataon lang yung mga pangyayari. (Well, yun yung pagkakaintindi ko) At sana naman maintindihan nila yun. Kung maguusap-usap lang silang lahat, magiging malinaw rin ang lahat e. Haaay. Sana naman maayos na ito.
written by Patrick at 1:19 PM
Ice Skating
2 commentsLast Saturday, December 26, nag-ice skating ang CKT07 sa MOA! Haha! Ang original plan dapat e manunuod kami ng Avatar, kaso naalala naming MMFF pala yun. So may nagsuggest na mag-ice skating na lang. Kaya ayun, nag-ice skating na lang kami :p
Mga kasama pala ay ako, Alai, Jelo, Kat, Cielo, kuya Jade, Sahara, Gens, AJ, Rhoda, Stephen, Chet, Carlo, Lorr, Mark at Joe.
Ayun, nakakatuwa yung experience. Marami kasi sa amin ay first time mag-skate, kagaya ko. Kaya lahat kami naghahawakan. Haha! May mga nalaglag kagaya ko, meron ding mga taong nagaalalayan the whole time. Haha! Ayun, buong araw kami nag-skate.
Tapos nung mejo pagod na, umalis na kami dun at naglibot-libot muna sa mall. Tapos pumunta na kami sa may seaside para manuod ng fireworks. At pagkatapos ng fireworks e dumerecho na kami sa bahay nina Sahara para sa overnight! :D
Ayun, sobrang saya talaga nung experience na yun. At siyempre natutuwa din ako dahil nakapagbond kami ng bongga. Sana maulit ulit ito!
Ito pala yung links ng mga pictures namin:
PART 1
PART 2
PART 3
written by Patrick at 1:02 AM
Monday, December 21, 2009
Rants VI
0 commentsAyun, mejo naninibago ako sa kanya. Kasi nga ever since nung 1st sem e di na kami nagpapansinan. Tapos ngayong sem, para bang walang nangyari at balik na ulit sa dati. Pero naninibago ako ngayon kasi siya na mismo yung unang kumakausap at nagsstart ng conversation. E dati ako lagi ang nagsisimula. Kaya ayun, natutuwa naman ako kahit papaano :D
Ayun, may nagkagusto sa aking lalaki. And I really didn't see that one coming. Tapos nagulat na lang ako nang bigla siyang umamin. Kaso di naman ako open sa mga ganun, kaya I turned him down. Ayun, first time kong gawin yun, at sa lalaki pa. Haha. At para bang ang lungkot at ang bigat sa kalooban na gawin yun. Pero ok na rin na binusted ko siya agad, kesa naman sa pinaasa ko pa. Pero nakakalungkot lang talaga. Wala lang. Haha.
written by Patrick at 9:20 PM
Huge Relief
0 commentsSa wakas at bakasyon na rin kami! :D
Pero grabe lang yung mga pinagdaanan namin bago magbakasyon. Isa na rito ay ang sunod-sunod na exams. Haaay. Nakapagaral naman ako ng mabuti para sa mga exams. Kaso di ko alam kung naging sapat na ito. Pero sana naman ay maging ok ang mga results ng mga first long exams ko. Sana pasado lahat! :p
Ayun, natapos na rin ang Eng'g Week. At masasabi kong nagenjoy ako! First time kong panuorin lahat ng night events na kasali ang Circuit. Tapos kasali pa ako sa Smoker's Night at Awitan. And I'm really proud to say na 4th place kami sa Awitan! Go Circuit Chorus! Last year kasi 2nd to the last kami. At least ngayon nakabawi kami. Mejo bitter nga lang kasi 0.04 lang ang lamang sa amin nung 3rd place. Pero ok na rin yun dahil samin napunta ang 3rd place EWOC points since hindi naman taga-eng'g ang nanalo. Haha. Ito nga pala yung link ng performance namin: Circuit Chorus
Ang saya nung overnight ng 07+SHR sa bahay nina Janel after ng Miss Eng'g. Grabe lang! Ang daming rebelasyon! :)) Tapos pareho pa kaming umiyak ni Melai. Wala lang. Haha. Naglabas lang naman kasi kaming lahat ng sama ng loob. At ako nama'y di ko na napigilan at tuluyan na akong lumuha at napaiyak. Haha. Pero ok na rin yun, at least nailabas ko na.
Ano pa ba? Ayun na lang yung naaalala ko e. Haha!
written by Patrick at 9:06 PM
Update
0 comments
Grabe! Ngayon na lang ulit ako nakapagblog. More than a month na pala ang nakalipas. E paano ba naman kasi, sobrang busy. Ang dami na ngang nangyari simula nung huli akong nagblog e. Haay. Susubukin ko na lang ikwento yung mga mahahalagang nangyari sa mga susunod kong posts :D
written by Patrick at 8:53 PM
Monday, November 9, 2009
Tumblr Pictures
2 commentsWala akong magawa kaninang umaga. Kaya nagbasa ako ng tumblr blog nung kaibigan ko. At natuwa ako sa mga pictures na nakita ko :))
written by Patrick at 7:59 PM
Enrollment Blues II
2 commentsWoot! Pagkatapos ko maging "dissmissed", and later on naging probi lang, pagkatapos ng lahat ng paglalakad, pagpipila, pagji-jeep, at pagkatapos ng limang araw, anim na oras at 15 minuto, enrolled na rin ako! (funkydance) Wala lang. Haha! Gusto ko lang i-share na officially ay enrolled na rin ako :p
written by Patrick at 7:07 PM
Sunday, November 8, 2009
Another Suicidal Sem Again?
0 commentsIto ang schedule ko ngayong sem. Suicidal ba? Haha! Last sem kasi ay suicidal daw sabi ni sir Snap. At hindi siya nagkamli dun. 3 out of 5 subjects ang bagsak ko. Grabe lang no? Buti na lang napasa ko yung EEE 33. Part kasi yung ng retention rule e. Pero dahil sa tatlo kong bagsak, probation ako ngayong sem. At dapat ngayong sem ay hindi na ulit ako maging probation. Kundi dissmissed na ako from the college >.<
Hay. Matagal-tagal ko ring inisip kung icacancel ko ba yung ES 12 at papalitan ko ng GE o hindi. At in the end, hindi ko na cinacel. Hay. Sana naman tama ang desisyon ko. Ayokong magpaalam sa Eng'g. Ito na talaga ang gusto kong gawin. Sana talaga mapasa ko ang lahat ng subjects ko ngayong sem. Kailangan ko na talagang magbago. Kailangan na maging GC. Bawal na ako magpaBI. Kailangan nang magseryoso. Hay. Pagdasal niyo ako :((
written by Patrick at 11:50 AM
Saturday, November 7, 2009
Quote
0 commentsA quote from the latest episode of Gossip Girl:
"Sometimes it's hard to see the lines we've drawn until we've crossed them. That's when we rely on the ones we love to pull us back and give us something to hold onto. Then there are the clearly marked lines. The ones that if you dare cross, you may never find your way back."
written by Patrick at 1:28 PM
Enrollment Blues
0 commentsSo far, ito yung pinakagrabeng enrollment ko sa UP.
November 3, Tuesday: Ang araw na ito ay para lang sa mga freshies at graduating students. Nagpunta na rin ako para tignan yung eligibility list. Kaso wala rin akong napala. Di pa pala nila piniprint. Kaya nasayang lang ang pagpunta ko sa UP nung araw na ito.
November 4, Wednesday: Ito na talaga yung start ng enrollment namin. Pagdating ko, nalaman kong inelige ako, as usual. Three units passed lang daw ako. E kasalanan ba namin na maaga kayong nagprint ng eligibility list at late nagsubmit ng grades yung mga prof namin?!
Edi pumila kami dun sa isang room para maging eligible to enroll. Tapos nagtanong na rin ako sa info booth kung anong mangyayari sa akin since 7 out of 16 units passed lang ako. Nagulat na lang ako nang sinabi sa akin na dissmissed na raw ako from the college. Apparently, may bagong rule na kapag less than 50% units passed, automatically dissmissed na from the college. E dati naman 25% yung rule na yun. At yung between 25% to 50% ay on probation lang. Nagulat din yung mga kasama ko sa bagong rule. Kaya nagappeal na agad ako to be readmitted. Nagintay ako buong araw para sa results. Kaso hanggang sa matapos ang araw ay wala pa ring results.
Nung hapon pala ay auditions para sa Awitan. Nung una e ayaw ko na talaga magaudition. Natakot kasi ako. In the end, napilit nila akong lahat. And it didn't somehow turn out well. Pumipiyok kasi ako habang kumakanta. Haha! Pero ayus lang naman daw yun. Bale sa Bass 1 pa rin ako. Tapos 12 lang pala ang kukunin sa amin. E so far nasa 14 na kami. At ang mga kalaban ko sa Bass ay magagaling. So malamang ako yung isa sa mga matatanggal >.<
November 5, Thursday: Maghapon akong naghihintay para sa results. Tapos nung hapon na, nalaman na lang namin na mali pala yung sinabi sa amin nung RA sa info booth. Grabe! Ang sarap niyang murahin nung panahong yun. Edi sana kumuha na kami nung number nung nakaraang araw. Pero kinausap namin yung ibang mga RA. At ang sabi sa amin ay pumunta kami sa EEE at ipacancel daw namin ang mga appeals namin. Pagkatapos nun, bumalik kami sa Eng'g. At sa kabutihang palad, nakuha na namin ang certificate of eligibility! Dun kami natuwa ng sobra. Kaya bumalik ulit kami sa EEE para kunin ang aming Form 5 at 5a. Grabe talaga! Somehow nagpapasalamat ako dun sa RA na nagsabi sa amin na dissmissed na kami. At least nakuha namin agad yung mga certificate of eligibility namin.
November 6, Friday: Nagkadilemma ako nung araw na ito. Di ko kasi alam kung icacancel ko ba o hindi ang ES12 at papalitang ng GE o Elective. Nung gabi kasi, naconvince ako na mag Russian10/French10 na lang ako. Gusto ko rin kasi ma-all pass ang sem na ito. Kaso pagdating nung umaga, habang nakapila na ako para magcancel, parang nagdadalawang isip na ako. Sayang naman kasi. Nakuha ko na nga lahat ng subjects ko sa preenlistment. Tapos icacancel ko pa yung isa dun. Saka di rin pala mabibigyan ng full credit ang language course hangga't di ko kinukuha yung 11. At dahil na rin sa impluwensiya nung mga tao, di na ako nagcancel.
Nung tanghali pala ay kumain ang buong G11 plus Mykel sa KFC sa Katipunan. Yun na kasi yung last lunch date namin with Troy. Nakakagulat lang at halos kumpleto kami. Mga apat lang ata yung di nakapunta. Binigay na rin namin yung scrapbook sa kanya. At tawa lang kami ng tawa habang tinitignan niya yung laman nung scrapbook. Pagkatapos kumain, nagtaxi kaming lahat pabalik ng UP. Grabe! First time ng G11 na magtaxi! Haha! Pagdating sa EEE, nagpaalam na kami kay Troy for the last time. Nakakalungkot lang talaga. Oh well, that's life. Darating at darating talaga ang panahon na maghihiwalay kaming lahat :((
Pagkaalis ni Troy ay tinapos ko na yung enrollment ko. At pagkatpos ng ilang oras ay natapos na rin ako! Bayad na lang ang kulang. Woot woot! First time kong matapos agad. Hehe.
written by Patrick at 11:07 AM
Monday, November 2, 2009
Troy's Despedida
0 commentsSa darating na November 8, sina Troy, kasama ang kanyang pamilya, ay aalis at lilipad na patungong Nevada, USA. At dahil dito ay naisipan naming magkaroon ng depedida para sa kanya. Matagal-tagal na rin naming pinaplano to. At nung October 26-27 ay naganap na rin ito. Ginawa na rin namin itong parang outing ng block namin.
Sa Loreland Farm Resort, Antipolo kami nagpunta. Sa kasamaang palad ay walo lang kaming nakapunta: ako, Troy, Alai, Greggue, Karlo, Jelo, Jorge, at JM. Pero kahit konti lang kaming nakapunta, naging masaya pa rin. Nagkita-kita kaming lahat sa UP ng 8 AM. Kaso mga 11 AM na ata kami nakaalis. Haha! Naging adventure pa yung pagpunta namin dun. First time kasi namin pumunta dun. At mejo naligaw kami sa directions na nakuha namin.
Dumating kami sa resort ng mga 1 PM na ata. Inayos muna namin yung mga gamit namin, kumain, nagvideoke saglit, tapos nagswimming na. Ang saya kasi nasolo namin yung isang pool dun. Monday kasi, kaya wala masyadong tao.
Tapos napagtripan din pala namin yung slide dun. Nakakatakot kasi yung pagbaba. Akala mo ordinaryong slide lang. Kaso habang nagsslide ka, pabilis ng pabilis yung momentumon ka na. Haha! Ang ginawa namin ay lahat kami ay umakyat, at sunod-sunod na nagslide. Haha! Nakakatawa lang talaga yung mga itsura namin habang nagsslide at tumitilapon.
Tapos nagbreak muna kami sa paliligo at nag pusoy dos. Sina Jorge, Greggue at Alai naman ay nagvideoke.
Birthday pala ni Eman nun. Kaya habang naglalaro kami, tinawagan siya ni Greggue at nung nakausap na siya, sabay-sabay kaming bumati sa kanya. Haha. Nakakatuwa lang.
Pagkatapos ng ilang rounds ng pusoy dos at kantahan, nagswimming na ulit kami. At pagdating ng mga 5 PM ay umahon na kami at nagayos na ng mga gamit.
Naging adventure din yung paguwi namin. Haha! Buti na lang at tama yung mga nilikuan namin. Bale dumaan muna kami sa Robinson's Metro East para bumili ng alak. Hehe. Kaso sarado pa pala yung supermaket nila dahil sa pinsalang ginawa ng bagyong Ondoy. Kaya sa Ministop na lang, na malapit sa amin, kami bumili.
Pagdating sa bahay namin, andun na pala si Kat. Tapos dumating na rin sina Marvin at Martin. Tapos kumain na muna kami ng dinner. Tapos maya-maya pa ay dumating na rin si Wes. Ayun! Nakumpleto na rin ang mga magoovernight. Haha! Kaso umalis din sina Greggue at JM. Di kasi sila pwede magovernight.
Ayun, masaya yung overnight. May sari-sarili kaming mundo nung umpisa. May mag nanonood, may mga naglalaro, at may mga nagnenet. At pagsapit ng alas dose ay binati namin si Alai ng "Happy Birthday!" Tapos nung mga 1 AM na ay nagsimula na kaming uminom. Nakakatuwa lang kasi lahat kami uminom. As in lahat! Haha. Tapos bago pala uminom ay nagtoast muna kami. Bawat isa ay may sinabi. May mga nakakatuwa, may mga joke time, may mga seryoso, at meron ding mga ka-emo-han. Haha!
Pagdating ng mga 4 AM ay nagsimula nang matulog yung mga tao. Nasa sahig nun sina (in order) Kat, Karlo, Jorge, Marvin, Troy, at Wes. At nasa kama naman ako, si Martin, Alai, at Jelo. Kamusta naman kaming mga nasa kama no? Haha!
Paggising namin nung umaga, hinanda ko na yung rinequest ni Alai na pancakes. Haha! At ginawa ko siyang cake. Nagluto ako ng sampung pancakes, para tigiisa kami. Tapos pinagpatong-patong ko para magmukhang cake. At may kasama pang kandila yun sa taas. Haha. At nung kakain na kami ay nilabas ko na yung cake. Natuwa naman si Alai dun. Hehe.
Pagkatapos kumain, nagsimula na silang magayos. At nung mga 2 PM ay umalis na sila.
Bon voyage Troy! Ingat sa biyahe at goodluck sa buhay sa states. ^___^
~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~
Ayun. Dahil sa overnight na ito ay narealize ko na namiss ko na talaga ang G11. As in miss na miss ko na sila. Pagkaalis kasi nila ay parang nalungkot ako. Naisip ko na hindi na kami ulit magiging kumpleto. Na hindi na rin kami magiging magkaklase sa mga susunod na taon kasi iba-iba na ang mga subjects namin. Na hindi ko na rin sila masyadong makakasama. Haaay. Ang emo na. Sorry naman. Haha.
Pero ayun, kahit na ganun ay alam ko naman na gagawa at gagawa pa rin kami ng paraan para magkasama. At syempre marami diyan, kagaya ko, ang magiging pasimuno sa mga gala at reunions. Haha!
Friday, October 30, 2009
Overnight Galore
0 commentsAng ganda talaga ng sembreak ko. Puro overnights! Hahaha!
October 22-23: Nagovernight sina Greggue at Neil Mark sa bahay namin para gumawa ng MP. Biglaan lang to. As in out of the blue, naisip ni Greggue na magovernight. Haha. At ayun, wala rin kaming nagawa. Pagdating namin sa bahay, nagayos muna kami, naginternet, nanood ng TV. Tapos nung madaling araw na, nakatulog si Greggue. Di na namin siya nagising. Pinagaaralan pa rin namin ni Neil Mark kung paano gawin. At nung hindi ko na talaga kaya ay natulog na ako. Pati si Neil Mark ay natulog na rin.
Nung sumunod na araw, wala na rin kaming nagawa dahil di na kami makaconnect sa server. Kaya ayun, parang wala lang yung overnight na yun. Wala rin kaming nagawang productive.
October 24-25: Debut ni Joan to sa Laguna. Pupunta dapat ako kaso di rin natuloy. Ginawa ko kasi yung MP. Kaso wala ring nangyari sa MP ko. Konting-konti lang yung nagawa ko. Somehow nasayangan ako. Iniisip ko na sana pumunta na lang ako sa debut niya. Nagenjoy rin kasi lahat ng pumunta run. Sobrang wasted pa nung mga tao. Haha! Pero ok na rin na di ako nakapunta. At least naasikaso ko yung despedida ni Troy.
October 26-27: Ito yung despedida ni Troy. Sa susunod na entry ko na lang ikkwento yung mga nangyari rito. Sobrang dami kasi. Hehe.
October 29-30: Ito yung pinakahuling overnight sa ngayon. Sem planning ng fin ito. At as usual, sa bahay namin nagovernight. Konti lang kami. Ako, si Kat, kuya Jet, Karlo, at Gigi. Di na nakapunta si Chet kasi ginabi na siya ng uwi mula sa probinsiya. Tapos si Karlo naman hindi nagovernight. Ayun, bale lima lang kaming gumawa ng mga plano. At masasabi ko namang naging productive ang overnight na ito. Natapos namin ang mga kailangang gawin. Good job talaga! Haha.
Ayan. Haha. Puro overnight diba? Hahaha! Overall, masasabi kong naging masaya ang sem break ko. Ang daming masayang nangyari. May mga pangyayari pang hindi ko ineexpect. At dun ko rin na-realize na namiss ko pala sila ng sobra. Namiss ko yung presensiya, pagsama at pakikihalubilo sa kanila.
Haaay. Magsisimula na ang second sem. Sana naman maging masaya at maayos ang sem na ito. Wala na dapat akong ibagsak. GC mode na dapat! Haha!
written by Patrick at 6:15 PM
Sunday, October 18, 2009
CRS Loves Me
0 commentsNatutuwa talaga ako sa naging resulta ng first batch run ng CRS. Nakuha ko lahat ng majors ko! At may GE pa! Mahal na mahal ko ang CRS ngayon. Di na niya ako papahirapan. Yung PE na lang yung poproblemahin ko. Pero ayus na yun. At least di na ako mamomroblema sa EEE ^___^
Kaso may isa pa pala akong problema. Ayoko yung nakuha kong prof para sa EEE23. Kaya mageenlist pa rin ako sa ibang schedules. At sana matanggap ako dun. Kung hindi, magchachange of matriculation na lang ako. At sana di yun maging sobrang hassle >.<
At ayun pa pala. Naiinis ako at may subject na kaklase ko siya! Bwisit! Gusto ko na nga lumayo e :(( Nakakaasar lang talaga! :((
written by Patrick at 7:38 PM
Avalanche
2 commentsGrabe! Ang tagal ko nang di nakapagblog. Naging sobrang busy e. Paano ba naman? Pagkatapos nung "sembreak" part one e sunod-sunod na yung exams namin.
Yung "sembreak" part one na sinasabi ko ay yung isang linggo na wala kaming klase dahil sa bagyo. At dahil dito ay nausog ang lahat ng exams namin. At pati ang talagang sembreak namin ay nabawasan na ng isang linggo. Kaya imbes na magaral, ay inisip na lang namin na "sembreak" na namin ito. Kaya ayun, bum mode lang ako sa bahay. Walang ginawa kundi humarap sa computer, manood ng TV, kumain, at matulog. Wala talaga akong nagawang acad related nung linggong iyun. At pagkatapos ng isang linggong bakasyon, ayun! Nagsabay-sabay ang lahat ng exams namin sa iisang weekend. Kamusta naman yung diba? Dalawang exams ng sabado, isa ng linggo, at isa ng lunes. Sabog yung exams ko nung sabado. ES12 yung una tapos EEE13 naman yung sumunod. Masyado akong nagfocus sa ES12 kasi wala talaga akong maintindihan mula sa prof namin. Kaya di tuloy ako masyadong nakapagaral para sa EEE13. Nung linggo ay EEE21 naman. Medyo kampante naman ako rito kasi nagegets ko naman yung mga lessons. Kulang lang talaga sa practice kasi di ko nasagutan yung ibang mga tanong sa problem set dahil di naman ito pinapasa. Mas gugustuhin ko talagang ipapasa yung problem set para mapilitan akong sagutin iyun. Nakakatamad kasi pag di pinapasa e. Tapos nung lunes talaga yung pinaka-fail na exam ko. Di ko talaga magets ang EEE25. Di talaga ako handa para sa exam na yun. At formal interview pa nung buddy ko na si Rhayne nung umaga, kaya di rin ako masyadong nakapag-review nung umaga. Kaya ayun, natanga na lang ako habang nageexam.
Tapos nung wednesday pala yung finals namin sa ES12. Grabe! Di rin ako nakaaral ng maayos para dun e. Sobrang sabog talaga ako nun. Di ko yun nasagutan ng matino. At ayun, lumabasa na yung grades namin dun nung friday. At ayun, nakakalungkot lang. May bagsak na naman ako :((
Haaay. Sana ayun lang ang bagsak ko ngayong sem >.<
written by Patrick at 7:17 PM
Tuesday, September 29, 2009
I Got a Feeling
0 commentsHabang nagpplurk ako kanina, nakita ko yung isang plurk ni Cielo. At natuwa ako sa napanood ko. Video ng I Got a Feeling ng The Black Eyed Peas nung nag-guest sila sa Oprah. Ang cool lang talaga nung video. Panoorin niyo. I'm sure matutuwa rin kayo ^___^
written by Patrick at 10:35 PM
Stranded III
0 commentsNarito nga pala yung mga pictures at video habang naglalakad ako sa Marcos Highway.
Narito naman yung mga pictures habang nagbabaraha kami.
written by Patrick at 2:25 PM
Stranded II
2 commentsAyan! Sa wakas at nagkanet na rin sa bahay! Grabe talaga yung mga nangyari nung mga nakaraang araw.
Ang tagal ko ring nastranded sa katipunan. Simula 11 AM hanggang 11 PM ay nasa katipunan lang ako. At Y!M at Plurk lang ang only means ng communication ko. Wala kasing signal nun at low batt pa ako. Buti na lang dala ko yung laptop ko at may WiFi sa Mcdo. Habang nagnenet, nagPM sa akin si Janel. Pumayag na raw sina Carlo na dun muna ako sa bahay nila magstay. Natuwa talaga ako nun. Ang balak ko kasi nung una ay sa Mcdo na lang ako magpapalipas ng gabi. Pero dahil kay Janel at sa iba pang mga tumulong sa akin, may natuluyan ako nung gabing yun.
Nagayos agad ako at pumunta na kina Carlo. Pagdating ko dun, sinalubong ako ni Carlo at ng nanay niya. Nagusap kami saglit. Nagkwentuhan nung mga nangyari. Tapos nung mga 1 AM ay natulog na ako. Nagising ako ng mga 7 AM. Tulog pa si Carlo nun, kaya nagayos na muna ako ng gamit ko. Grabe! Basa na pala yung loob ng bag ko. Buti na lang yung laptop hindi nabasa. Pagdating nga mga 9 AM ay kumain ka kami ng breakfast. Kasabay naming kumain yung kuya niya. Ayun, nagkwentuhan lang kami ng mga nangyari. Pagdating ng mga 11 AM, nagpaalam na akong umalis. Nagtext kasi si papa na may mga bumabiyahe ng jeep.
Pagdating ko sa katipunan, mejo natagalan din ako bago makasakay. Puro puno kasi yung mga dumaraan na jeep. Buti na lang nakatiyempo ako sa isang FX. Pagdating sa may Barangka, ayun, sobrang traffic. Ang daming naglalakad na tao. Puro putikan din yung kalsada. Tapos marami ring mga tao ang naglalabas ng mga kagamitan mula sa kani-kanilang mga tahanan para maglinis. Lagpas tao pala yung baha dun. Mga dalawang oras din kami sa lugar na iyon bago makarating sa bayan. Pagdating naman sa bayan, ayun, ang dami ring taong naglalakad at puro putikan din. Mga 1 PM na ako nakauwi sa bahay.
Pagdating ko sa bahay, walang kuryente, tubig, at telephone line. Simula pa pala nung sabado yun. Ayun, nakakain na rin ako ng lunch at nakapagayos na rin ng gamit. Tapos nagsimba na kami at kumain na lang ng dinner sa labas.
Gabi na kami nakauwi. Wala kaming magawa nun, low batt na rin kaming lahat. Buti na lang may charger si kuya na sa kotse isasaksak. Kaya ayun, nakapila lahat ng phones namin. Haha! Habang naghihintay, niyaya ko sina Nicole at ate Jen na magbaraha. Tapos sumalina rin sina kuya at mama. Ungguy-ungguyan at pusoy dos ang mga nilaro namin. Matagal din kaming naglaro. Pagdating ng mga 10 ng gabi, woohoo! Nagkailaw! Narinig kong nagsigawan yung mga kapitbahay namin e. Hahaha! Ayun, niligpit na namin yung mga kandila at pagkatapos nun ay nanuod muna ako ng news saglit. Tapos natulog na.
Pagkagising ko, nagkaroon na rin kami ng tubig. At ngayon, nagkanet na rin kami. Kaso wala pa ring dial tone. Kaya ang labo talaga. May net kaso walang dial tone. Pwede ba yun? Hahaha!
written by Patrick at 2:22 PM
Saturday, September 26, 2009
Stranded
0 commentsGrabe! First time kong mastranded. At hanggang ngayon ay stranded pa rin ako. Kanina pa akong tanghali andito sa Katipunan. Ginawa ko na lahat ng makakaya kong paraan. Kaso di talaga ako makaalis.
Dumating ako sa katips ng mga 11:30 AM. Kakagaling ko lang nun sa Rizal Memorial Stadium sa may La Salle. Nanuod kasi ako ng laban ng Taekwondo. Required kasi para sa PE. Pagdating ko sa katips, hindi na gumagalaw yung isang lane dahil sa baha. Tapos yung katipunan jeep ay hindi na rin nagsasakay. Kaya no choice ako kundi maghintay. Kaso wala ring nangyari sa paghihintay ko. Gutom na gutom na rin ako nun. Kaya binalak kong kumain sa Mcdo. Kaso habang papunta pa lang dun ay di ko kinaya. Baha e. Kaya sa ministop na lang ako kumain. Tapos nagnet muna ako sa katabing net shop para magpalipas ng oras. Katext ko nung mga oras na ito sina Alai at Melai. May kachat din ako sa plurk. Tapos lahat sila ay di na makakapunta sa debut ni Kaye. Kaya nagdecide na rin akong di pumunta. Akala ko naman makakauwi ako agad. Hindi pala. Pagdating ko sa hintayan ng mga jeep, walang jeep! Tapos nakita ko ang daming naglalakad. Kaya naisipan kong maglakad na rin. Pagdating ko sa may riverbanks, nagbabalikan na yung mga kotse at mga tao. Umaapaw na pala yung Marikina River. Di na makakatawid sa tulay. Edi naghintay muna ako dun saglit. Tapos maya-maya nakikita ko na baha na sa may Riverbanks Mall. Tapos unti-unti na ring tumataas yung tubig. Kaya inisip kong bumalik na lang sa katips.
Habang naglalakad, nakita kong maraming naglalakad papuntang Marcos Highway. Kaya naisip kong dumaan dun. Ok naman yung papunta dun. Nakakagulat nga lang pagdating sa tulay kasi kitang kita mo na sobrang taas na nung Marikina River. Ang daming bahay ang lubog. Pati yung parking lot ng SM Marikina ay lubog na rin. Pati na rin yung ibang flyover. Tapos pagdating sa may Santolan Station ng LRT, ayun, napatigil na ako. Baha na yung parte pagkatapos nun. Kaya nagdecide akong bumalik na lang sa katipunan. Sumakay ako ng LRT, pagdating sa katipunan, nagnet na lang muna ako. Tapos nung wala na akong magawa, lumipat ako ng Mcdo. Buti na lang at konti na lang ang tao dun. Kaso nung magoorder na ako ng pagkain, wala na. Naubos na pala. Grabe lang talaga! Naubos ang pagkain ng Mcdo?! Hahaha! Ang dami kasing tao kanina e.
Tapos nung wala na rin akong magawa, umalis na ako at nagbakasakaling pwede na makauwi. Kaso pagdating ko sa may intersection ng katipunan, wala pa rin. Nakatigil pa rin ang lahat ng kotse >_<>_< Haaay. Anong oras na kaya ako makakauwi?
Haha! Wala lang. Ang adik ko lang. Nakuha ko pang kumuha ng litrato at video habang naglalakad kanina sa Marcos Highway. Pero sa susunod ko na lang ipopost yun. Di ko dala yung USB cable ng phone ko e.
written by Patrick at 7:02 PM
Joe's Birthday
1 commentsThursday, September 24, 2009
baCKTbakan
0 commentsMonday, September 21, 2009:
Ito ang araw kung kailan naganap ang baCKTbakan. Nagsimula kami ng mga 9 AM sa Sky Lab. Yung iba naglalaro ng basketball, samantalang yung iba, kagaya ko, ay naglalaro naman ng volleyball. Nakakatawang tignan kaming mga naglalaro ng volleyball. Hindi kasi covered yung volleyball court. Tapos kalahati lang nung court ang nasisilungan ng katabing covered court mula sa araw. Kaya nagmumukhang lengthwise lang ang covered. Kaya kaming mga naglalaro ay andun lang sa parte na may silong mula sa araw. Haha! Ok pa naman nun kasi anim pa lang kaming naglalaro. Tig-tatlo bawat side. Ayun, ang saya maglaro. Matagal na rin kasi akong di nakakapaglaro. Habang tumatagal, dumarami na kaming naglalaro. Hanggang sa umabot kami sa sampu, tig-lima bawat side. Dun na nagsimula yung totoong laban. Ang saya saya talaga nung paglalaro namin. At ito pa, bawat team, isa lang yung babae. Hahaha! Ang tagal din nung laban namin. At sa huli, kami yung nanalo! Woot woot!
Pagkatapos nung laban, nagpahinga muna kami saglit. Tapos naglaro naman kami ng ultimate frisbee. First time kong maglaro nun. Nung una ay palpak pa yung paghagis ko nung frisbee. At habang tumatagal, nakuha ko na rin ang tamang timpla ng paghagis. Ang saya pala maglaro nun.
Pagkatapos maglaro, tumambay muna kami saglit sa may playground at nagpicture-picture. Pagakatapos nun ay nagayos na kami ng mga gamit at pumunta na sa Jollibee Philcoa para kumain ng lunch. Pagkatapos kumain, pumunta na kami sa sunken garden para parlor games. Kaso hindi na ito natuloy dahil nagsimula nang umulan. Kaya ang nangyari ay nagDota na lang yung iba sa Katips. Yung iba naman, kagaya ko, ay umuwi na. Pagod na pagod na rin kasi ako. Pagkauwi ko sa bahay, nakatulog agad ako. Haha!
Ayun, sobrang saya talaga. Sayang nga lang kasi marami ding di nakapunta. At kamusta naman, apat lang ata yung babae na pumunta. Hahaha!
written by Patrick at 6:39 PM
Labels: UP Circuit
Tuesday, September 15, 2009
Lollipop
0 comments> Kagabi, bago matulog, nagdecide na ako na di na ako magddrop ng ES 12. Ipaglalaban ko hanggang dulo! Haha! Mas gugustuhin ko nang magkasingko kesa naman sa mag-give up ako. Pero sana lang talaga ay tama ang desisyon ko. At sana talaga ay pumasa ako. Kailangan ko nang magaral ng mabuti sa dose! >_<
> Birthday nga pala ngayon ng kuya ko at ni Martin. Happy birthday ulit sa inyo! ^___^ Bongga si Martin! Nanlibre kanina! Yung iba nilibre niya ng pancit canton. Yung iba naman ay fried siomai. Ang sarap talaga pag libre! Salamat ulit Martin! Sayang nga lang at di kami nakapagpicture. Dala ko pa naman yung camera :( Huli na nung naisipan kong magpicture. Nakaalis na kasi yung iba.
> Natapos na rin ang day 1 ng "Hell Week" ng mga apps. At natuwa naman ako sa reaction ng mga mems sa costume ni buddy. Nagustuhan naman nila kahit papaano. Lollipop yung costume niya, kaso mejo nagmukhang polvoron. Haha! At syempre may kasama rin yung lollipop na pinamigay sa mga mems. At natuwa rin ako dahil 100% ang nakuhang grade ni buddy! (dance) Sana yung magustuhan din nila yung mga susunod na costumes ni buddy.
> Uhh. Just a random thought. Feeling ko ok na kami. Pero may limitations. Siguro hanggang dun na lang kami sa hi-hello relationship at maguusap lang kung kinakailangan. Well, that's fine with me. Kaso parang naiilang naman ako ngayon. Parang di ako makapagsalita o makapagreact ng maayos kapaga anjan siya. Ewan ko ba. Ang gulo ko talaga >___<
Monday, September 14, 2009
Random Thoughts II
4 commentsWow! Two week na pala ang nakakalipas simula nung huli akong nakapagblog. Sobrang busy kasi e. Ang daming ginagawa. Lalo na last week >_< Anyway, kwento ko na lang yung mga nangyari. Yung mga naaalala ko lang. Haha!
> Yung mga sumunod na swEEEts day pala namin ay sa Cafe Iana sa College of Music at saka sa Chocolate Kiss. Ang sarap nung mga nasa Cafe Iana. Worth it yung paggastos mo dun ^___^ Madalas na nga kami kumain dun e. Masarap din kasi yung mga food nila dun. At reasonable pa yung prices. Kaya worth it talaga. Kagaya nga ng sinabi nina AJ, "ito ang tunay na pagkain" Hahaha! Tapos yung sa ChocoKiss naman ay triny lang namin one time. Ang mamahala nga, though masasarap naman. Pero mas gusto ko pa rin sa Cafe Iana. Haha.
> Last week pala ay naganap na yung Y4iT. Sobrang saya talaga! Naenjoy ko yung bawat araw na andun ako. At kamusta naman, mula tuesday hanggang friday ay maagang-maaga ako. Mga 6:30 pa lang ay andun na ako. Hahaha! Adik lang. Nakakatuwa kasi pag maaga e. Nakikita mong dinudumog ka nung mga delegates. Kami kasi yung nakaassign sa pagbibigay ng congress kits at pagtatatak. Nakita ko nga rin yung iba kong mga kklase nung high school e. Required daw sila pumunta. Tapos puro free food pa. Haha! Ang yaman talaga ng UP ITTC. Ang galing galing. Pero pinakanatuwa talaga akong araw ay nung tuesday. Di ko na lang sasabihin kung anong nangyari nun. Basta ayun. Haha! Alam na nung iba kung ano yun :p
> Hmm. Ano pa ba? Exams! Grabe yung EEE 25 2nd LE. Ang sabog nung mga sagot ko. Di ko alam kung mapapasa ko ba yun. Kahit nasa 50% lang grade ko dun masaya na ako. Tapos grabe din yung EEE 21 3rd LE. Babagsak talaga ako dun. 55 na lang kasi yung HPS ko. Ang hirap kasi. At ang konti pa ng time >_< Tapos yung sa EEE 33 na exam, may sure 140 points pa lang ako. Kelangan ko pa ng 40 para makapasa. Kaya aasa talaga ako sa partial points. Tapos grabe rin pala yung 2nd LE ng ES 12. Lahat kami sa klase bagsak! As in! Grabe lang! Highest sa klase namin ay 41%. Kamusta naman yun diba? Kaya iddrop ko na talaga yun. Di na rin kasi ako aabot e :(( Nakakainis talaga :((
> Ayun, nagulat ako nung bigla niya akong pinansin nung friday. Nag-hi lang naman. Pinagiisipan ko nga kung kakausapin ko ba siya about the issue o hindi. Para lang maging malinaw na ang lahat. Pero ewan ko lang talaga. Bahala na. Haha! Baka hindi na lang siguro. Waaa! Basta! Bahala na! Haha!
> Adik lang yung dalawang panaginip ko nung mga nakaraang araw. Napakameaningful! Haha! Wala lang. Nung ininterpret ni Chet, di na ako nagulat. Alam ko na rin naman yun e. Nagtataka lang ako ay kung bakit ganun yung mga panaginip. E alam ko na nga lahat yun diba? Ang labo lang talaga.
Hmm. Wala na akong ibang maisip na mga nangyari e. Sa susunod na lang ulit :p
written by Patrick at 9:04 AM
Tuesday, September 1, 2009
Random Thoughts
5 commentsGrabe! Ang tagal ko nang di nakakapagkwento rito. Sobrang busy kasi e >__<
Anyway, san nga ba ako magsisimula? Hahaha!
Hmm...
> Last thursday ay ang aming pangatlong swEEEts day. Una naming ginawa ay magpakalunod sa desserts sa Chateau Verde. Ang sasarap talaga! Nabusog kami dun e. Tapos naisipan naming magisaw sa tapa ng College of Law. Pagkatapos ng first round ng isaw, nakulangan pa kami, kaya nilibre ko na lang yung second round. Haha! Ayun, sobrang busog namin nung hapon na iyon.
> Pagkatapos ng exam namin sa EEE 13 nung sabado, nag-gate crash kami nina Alai, Joe, Joan, kuya Rolf at kuya Cocoy sa NostalgYIA. Parang farewell party ata yun sa Yia Hall. Gigibain na kasi ito para tayuan ng bagong gusali. Ayun, ang saya. May mga foods pang natira pagdating namin. At kamusta naman, puro profs ang nandun! Hahaha! Kakapiranggot lang yung mga estudyante. Tapos tinour din kami dun sa dapat na EEE 44 lab. Ayun, ang cool lang nung mga nangyari. Hehe.
> Ang saya rin ng UPCAT ng mga apps kahapon. Hahaha! Nakakatuwa talaga. Ang kulit pa nung pinagawa namin sa station namin. Dahil fin station yun, ang task nila ay magbenta ng isang paper clip kahit kanino. Piso lang naman. Ayun, yung iba magaling dumiskarte, yung iba hindi. Wala lang. Naenjoy namin ng bongga ni AJ yung mga oras na yun, lalo na siya. Hahaha!
> Kinakabahan talaga ako sa EEE 25. Di ko alam kung babagsak ba ako o hindi. Nahihirapan talaga ako e. Di ko masyadong gets yung mga lessons. Di ko tuloy alam kung tama ba yung mga pinaggagagawa ko kahapon sa exam >__<
> Nahihirapan na rin ako sa EEE 13. Pinagiisipan ko na tuloy kung iddrop ko ba o hindi. Sina Lorr, Anna at Lei kasi ay nagdrop na. Si Alai naman pinagiisipan din niya. Ako naman kasi, kaya ko naman kasi yung lec. Ang lab ang problema ko. Nahihirapan kasi talaga ako sa MP. Obviously di ko yun matatapos. Kaya kinakabahan ako kung papasa ba ako o hindi. Nanghihinayang din akong idrop kasi sayang naman yung lahat ng pinaghirapan ko. At saka, second take ko na kasi ito e. Tapos iddrop ko pa? Haaay >___<
> Haaay. Pasensya na kung may mga times na ang emo ko sa plurk. Bumabalik lang kasi ako sa pagkainis sa kanya. Feeling ko kasi balik ulit kami sa hindi pagpansinan. At naiinis na talaga ako. May pride pa kasing nalalaman e. Ang sabi sa akin kanina ni Alai, ako na lang yung unang lumapit. Ang sa akin naman kasi, napapagod na ako. Ako na lang lagi ang gumagawa ng paraan. Ako na lang lagi ang unang lumalapit. Di man lang siya mageffort. Kung ayaw niya, edi wag.
> Naguguluhan din ako sa mga nararamdaman ko para sa kanya. Saka di rin ako consistent sa kanya. May mga times na ang sarap ng paguusap namin, may mga times na hindi, at may mga times na di kami nakakapagusap. Ayun, may nagsasabi sa isipan ko na ligawan ko na siya. Kaso, wala akong alam. At natatakot ako. Feeling ko naman e wala ring mangyayari sa amin. Hanggang sa pagiging friends lang. Haaay. Di ko na talaga alam ang gagawin ko >____<
Monday, August 24, 2009
A Story and a Song
0 commentsNais ko lang ipamahagi sa inyo ang isang storya na nabasa ko. Sinuggest ito ng isa kong kaibigan. At sobrang natuwa at kinilig ako sa story. Sana maenjoy niyo rin ang pagbabasa nito. Ito yung link : Torpe Torpe. Have fun reading! ^__^
May pinarinig ding kanta yung kaibigan kong iyon sa akin kagabi. At nagandahan talaga ako dun sa kantang yun. Ang ganda kasi nung story nung kanta. Sana magustuhan niyo rin ang kantang ito ^^,
He's Walking Her Home by Mark Schultz
Looking back, he sees it all.
It was her first date the night he came to call
And her dad said "Son, have her home on time, and promise me you'll never leave her side."
He took her to a show in town,
And he was ten feet off the ground.
(Chorus)
He was walking her home, holding her hand
Oh the way she smiled, it stole the breath right out of him
Down that old road, with the stars up above
He remembers where he was the night he fell in love
He was walking her home.
Ten more years, in a waiting room.
And half-past one, was when the doctor said
"Come in and meet your son."
And his knees went weak, when he saw his wife
She was smiling as she said "He's got your eyes."
And as she slept he held her tight
His mind went back to that first night.
(Chorus)
And wandered through the best days of her life
Sixty year together and he never left her side.
A nursing home, at eighty-five
And the doctor said it could her last night.
And the nurse said "Oh, should we tell him now? Or should he wait until the morning to find out?"
But when they checked her room that night,
He was laying by her side.
He was walking her home, holding her hand,
Oh, the way she smiled when he said "This is not the end."
Just for a while, they were eighteen
And she was still more beautiful to him than anything.
He was walking her home
He was walking her home
Looking back, he sees it all.
It was her first date the night he came to call.
He's Walking Her Home - Mark Schultz
written by Patrick at 2:48 PM
Sunday, August 23, 2009
Buddy Date
4 commentsLast August 19, 2009 naganap ang aming buddy date. Requirement kasi ito para sa mga apps ng UP Circuit. Ang mga magbubuddies ay ako at si Rhayne, Alai at Bossing, at Kat at Nori. Tapos sumama na rin sina Greggue, Lorr, Chet, at Gens, at humabol si kuya Jet.
Exam din namin nun sa EEE 33. Kaya after ng exam pa kami nakapagdate. Kumain na muna kami sa Wendy's sa SM North Edsa Annex. Ayun, kwentuhan, picture-picture, etc. Pagkatapos nun, umalis na sina Lorr at Chet.
Tapos dumerecho na kami sa bowling center. Dun na rin dumating si kuya Jet. Ayun, naglaro kami ng bowling. Nahati kami sa dalawang grupo. Ako, Kat at Nori, saka Alai, Bossing at Rhayne. Yung iba ay pinanuod na lang kami. Grabe! Ang loser ko na pala sa bowling. Nung first year pa kasi ako huling nakapagbowling. Kaya ayun, sabog na sabog ako. Nabalian pa ako ng kuko. At sa huli, kami yung natalo. Kaya gusto namin ng rematch! Haha! Masaya naman yung laro. Nung una wala lang yung paglalaro. Tas maya-maya unti-unti nang nagiging competitive yung mga tao. Hahaha! Tas si Gens pa yung commentator namin. Tawa na lang kami ng tawa.
Pagkatapos maglaro, ginawa na namin yung sweet buddy picture. Di ko na siguro ikkwento yung mga nangyari dun. Grabe lang kasi. Hahaha! Yung kina Kat ayus lang naman, yung kina Alai ay tawa na lang kami ng tawa, tas yung sa amin naman ni Rhayne ay hindi na naging sweet, naging mahalay na! Hahaha!
Pagkatapos nun, umalis na sina Nori, Rhayne, Kat at kuya Jet. Kami naman nina Alai at Gens ay kumain na muna sa Cello's, tas si Bossing may binili lang sa Ace Hardware. Pagbalik ni Bossing sa Cello's, umalis na kami at dumerecho sa The Block para panuorin naman yung concert ng UP Concert Chorus. At pagkatapos nun ay sabay na kaming umuwi ni Bossing.
Ayun, ang saya ng experience na yun. Sana talaga matuloy yung rematch na yun. Hahaha!