Saturday, September 26, 2009

Stranded

Grabe! First time kong mastranded. At hanggang ngayon ay stranded pa rin ako. Kanina pa akong tanghali andito sa Katipunan. Ginawa ko na lahat ng makakaya kong paraan. Kaso di talaga ako makaalis.

Dumating ako sa katips ng mga 11:30 AM. Kakagaling ko lang nun sa Rizal Memorial Stadium sa may La Salle. Nanuod kasi ako ng laban ng Taekwondo. Required kasi para sa PE. Pagdating ko sa katips, hindi na gumagalaw yung isang lane dahil sa baha. Tapos yung katipunan jeep ay hindi na rin nagsasakay. Kaya no choice ako kundi maghintay. Kaso wala ring nangyari sa paghihintay ko. Gutom na gutom na rin ako nun. Kaya binalak kong kumain sa Mcdo. Kaso habang papunta pa lang dun ay di ko kinaya. Baha e. Kaya sa ministop na lang ako kumain. Tapos nagnet muna ako sa katabing net shop para magpalipas ng oras. Katext ko nung mga oras na ito sina Alai at Melai. May kachat din ako sa plurk. Tapos lahat sila ay di na makakapunta sa debut ni Kaye. Kaya nagdecide na rin akong di pumunta. Akala ko naman makakauwi ako agad. Hindi pala. Pagdating ko sa hintayan ng mga jeep, walang jeep! Tapos nakita ko ang daming naglalakad. Kaya naisipan kong maglakad na rin. Pagdating ko sa may riverbanks, nagbabalikan na yung mga kotse at mga tao. Umaapaw na pala yung Marikina River. Di na makakatawid sa tulay. Edi naghintay muna ako dun saglit. Tapos maya-maya nakikita ko na baha na sa may Riverbanks Mall. Tapos unti-unti na ring tumataas yung tubig. Kaya inisip kong bumalik na lang sa katips.

Habang naglalakad, nakita kong maraming naglalakad papuntang Marcos Highway. Kaya naisip kong dumaan dun. Ok naman yung papunta dun. Nakakagulat nga lang pagdating sa tulay kasi kitang kita mo na sobrang taas na nung Marikina River. Ang daming bahay ang lubog. Pati yung parking lot ng SM Marikina ay lubog na rin. Pati na rin yung ibang flyover. Tapos pagdating sa may Santolan Station ng LRT, ayun, napatigil na ako. Baha na yung parte pagkatapos nun. Kaya nagdecide akong bumalik na lang sa katipunan. Sumakay ako ng LRT, pagdating sa katipunan, nagnet na lang muna ako. Tapos nung wala na akong magawa, lumipat ako ng Mcdo. Buti na lang at konti na lang ang tao dun. Kaso nung magoorder na ako ng pagkain, wala na. Naubos na pala. Grabe lang talaga! Naubos ang pagkain ng Mcdo?! Hahaha! Ang dami kasing tao kanina e.

Tapos nung wala na rin akong magawa, umalis na ako at nagbakasakaling pwede na makauwi. Kaso pagdating ko sa may intersection ng katipunan, wala pa rin. Nakatigil pa rin ang lahat ng kotse >_<>_< Haaay. Anong oras na kaya ako makakauwi?

Haha! Wala lang. Ang adik ko lang. Nakuha ko pang kumuha ng litrato at video habang naglalakad kanina sa Marcos Highway. Pero sa susunod ko na lang ipopost yun. Di ko dala yung USB cable ng phone ko e.

0 comments: