Thursday, September 24, 2009

baCKTbakan

Monday, September 21, 2009:

Ito ang araw kung kailan naganap ang baCKTbakan. Nagsimula kami ng mga 9 AM sa Sky Lab. Yung iba naglalaro ng basketball, samantalang yung iba, kagaya ko, ay naglalaro naman ng volleyball. Nakakatawang tignan kaming mga naglalaro ng volleyball. Hindi kasi covered yung volleyball court. Tapos kalahati lang nung court ang nasisilungan ng katabing covered court mula sa araw. Kaya nagmumukhang lengthwise lang ang covered. Kaya kaming mga naglalaro ay andun lang sa parte na may silong mula sa araw. Haha! Ok pa naman nun kasi anim pa lang kaming naglalaro. Tig-tatlo bawat side. Ayun, ang saya maglaro. Matagal na rin kasi akong di nakakapaglaro. Habang tumatagal, dumarami na kaming naglalaro. Hanggang sa umabot kami sa sampu, tig-lima bawat side. Dun na nagsimula yung totoong laban. Ang saya saya talaga nung paglalaro namin. At ito pa, bawat team, isa lang yung babae. Hahaha! Ang tagal din nung laban namin. At sa huli, kami yung nanalo! Woot woot!

Pagkatapos nung laban, nagpahinga muna kami saglit. Tapos naglaro naman kami ng ultimate frisbee. First time kong maglaro nun. Nung una ay palpak pa yung paghagis ko nung frisbee. At habang tumatagal, nakuha ko na rin ang tamang timpla ng paghagis. Ang saya pala maglaro nun.

Pagkatapos maglaro, tumambay muna kami saglit sa may playground at nagpicture-picture. Pagakatapos nun ay nagayos na kami ng mga gamit at pumunta na sa Jollibee Philcoa para kumain ng lunch. Pagkatapos kumain, pumunta na kami sa sunken garden para parlor games. Kaso hindi na ito natuloy dahil nagsimula nang umulan. Kaya ang nangyari ay nagDota na lang yung iba sa Katips. Yung iba naman, kagaya ko, ay umuwi na. Pagod na pagod na rin kasi ako. Pagkauwi ko sa bahay, nakatulog agad ako. Haha!

Ayun, sobrang saya talaga. Sayang nga lang kasi marami ding di nakapunta. At kamusta naman, apat lang ata yung babae na pumunta. Hahaha!

0 comments: