Tuesday, September 29, 2009

Stranded II

Ayan! Sa wakas at nagkanet na rin sa bahay! Grabe talaga yung mga nangyari nung mga nakaraang araw.

Ang tagal ko ring nastranded sa katipunan. Simula 11 AM hanggang 11 PM ay nasa katipunan lang ako. At Y!M at Plurk lang ang only means ng communication ko. Wala kasin
g signal nun at low batt pa ako. Buti na lang dala ko yung laptop ko at may WiFi sa Mcdo. Habang nagnenet, nagPM sa akin si Janel. Pumayag na raw sina Carlo na dun muna ako sa bahay nila magstay. Natuwa talaga ako nun. Ang balak ko kasi nung una ay sa Mcdo na lang ako magpapalipas ng gabi. Pero dahil kay Janel at sa iba pang mga tumulong sa akin, may natuluyan ako nung gabing yun.

Nagayos agad ako at pumunta na kina Carlo. Pagdating ko dun, sinalubong ako ni Carlo at ng nanay niya. Nagusap kami saglit. Nagkwentuhan nung mga nangyari. Tapos nung mg
a 1 AM ay natulog na ako. Nagising ako ng mga 7 AM. Tulog pa si Carlo nun, kaya nagayos na muna ako ng gamit ko. Grabe! Basa na pala yung loob ng bag ko. Buti na lang yung laptop hindi nabasa. Pagdating nga mga 9 AM ay kumain ka kami ng breakfast. Kasabay naming kumain yung kuya niya. Ayun, nagkwentuhan lang kami ng mga nangyari. Pagdating ng mga 11 AM, nagpaalam na akong umalis. Nagtext kasi si papa na may mga bumabiyahe ng jeep.

Pagdating ko sa katipunan, mejo natagalan din ako bago makasakay. Puro puno kasi yung mga dumaraan na jeep. Buti na lang nakatiyempo ako sa isang FX. Pagdating sa may Barangka, ayun, sobrang traffic. Ang daming naglalakad na tao. Puro putikan din yung kalsada. Tapos marami ring mga tao ang naglalabas ng mga
kagamitan mula sa kani-kanilang mga tahanan para maglinis. Lagpas tao pala yung baha dun. Mga dalawang oras din kami sa lugar na iyon bago makarating sa bayan. Pagdating naman sa bayan, ayun, ang dami ring taong naglalakad at puro putikan din. Mga 1 PM na ako nakauwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay, walang
kuryente, tubig, at telephone line. Simula pa pala nung sabado yun. Ayun, nakakain na rin ako ng lunch at nakapagayos na rin ng gamit. Tapos nagsimba na kami at kumain na lang ng dinner sa labas.

Gabi na kami nakauwi. Wala kaming magawa nun, low batt na rin kaming lahat. Buti na lang may charger si kuya na sa kotse isasaksak. Kaya ayun, nakapila lahat ng phones namin. Haha! Habang naghihintay, niyaya ko sina Nicole a
t ate Jen na magbaraha. Tapos sumalina rin sina kuya at mama. Ungguy-ungguyan at pusoy dos ang mga nilaro namin. Matagal din kaming naglaro. Pagdating ng mga 10 ng gabi, woohoo! Nagkailaw! Narinig kong nagsigawan yung mga kapitbahay namin e. Hahaha! Ayun, niligpit na namin yung mga kandila at pagkatapos nun ay nanuod muna ako ng news saglit. Tapos natulog na.

Pagkagising ko, nagkaroon na rin kami ng tubig. At ngayon, nagk
anet na rin kami. Kaso wala pa ring dial tone. Kaya ang labo talaga. May net kaso walang dial tone. Pwede ba yun? Hahaha!

2 comments:

Mikko said...

Woot. Ang saya naman ng adventure mo.

Ang swerte pala namin, di abot tao ang baha sa Katipunan. Di kami nawalan ng tubig, kuryente at Internet.

Patrick said...

Hahaha! Onga e. Napakamemorable nung experience na yun :))

Ok din naman yung lugar namin e. Di binabaha. Ayun nga lang, dahil sa binaha yung ibang lugar ng Marikina ay naapektuhan na rin kami >.<