Saturday, November 7, 2009

Enrollment Blues

So far, ito yung pinakagrabeng enrollment ko sa UP.

November 3, Tuesday: Ang araw na ito ay para lang sa mga freshies at graduating students. Nagpunta na rin ako para tignan yung eligibility list. Kaso wala rin akong napala. Di pa pala nila piniprint. Kaya nasayang lang ang pagpunta ko sa UP nung araw na ito.

November 4, Wednesday: Ito na talaga yung start ng enrollment namin. Pagdating ko, nalaman kong inelige ako, as usual. Three units passed lang daw ako. E kasalanan ba namin na maaga kayong nagprint ng eligibility list at late nagsubmit ng grades yung mga prof namin?!

Edi pumila kami dun sa isang room para maging eligible to enroll. Tapos nagtanong na rin ako sa info booth kung anong mangyayari sa akin since 7 out of 16 units passed lang ako. Nagulat na lang ako nang sinabi sa akin na dissmissed na raw ako from the college. Apparently, may bagong rule na kapag less than 50% units passed, automatically dissmissed na from the college. E dati naman 25% yung rule na yun. At yung between 25% to 50% ay on probation lang. Nagulat din yung mga kasama ko sa bagong rule. Kaya nagappeal na agad ako to be readmitted. Nagintay ako buong araw para sa results. Kaso hanggang sa matapos ang araw ay wala pa ring results.


Nung hapon pala ay auditions para sa Awitan. Nung una e ayaw ko na talaga magaudition. Natakot kasi ako. In the end, napilit nila akong lahat. And it didn't somehow turn out well. Pumipiyok kasi ako habang kumakanta. Haha! Pero ayus lang naman daw yun. Bale sa Bass 1 pa rin ako. Tapos 12 lang pala ang kukunin sa amin. E so far nasa 14 na kami. At ang mga kalaban ko sa Bass ay magagaling. So malamang ako yung isa sa mga matatanggal >.<

November 5, Thursday: Maghapon akong naghihintay para sa results. Tapos nung hapon na, nalaman na lang namin na mali pala yung sinabi sa amin nung RA sa info booth. Grabe! Ang sarap niyang murahin nung panahong yun. Edi sana kumuha na kami nung number nung nakaraang araw. Pero kinausap namin yung ibang mga RA. At ang sabi sa amin ay pumunta kami sa EEE at ipacancel daw namin ang mga appeals namin. Pagkatapos nun, bumalik kami sa Eng'g. At sa kabutihang palad, nakuha na namin ang certificate of eligibility! Dun kami natuwa ng sobra. Kaya bumal
ik ulit kami sa EEE para kunin ang aming Form 5 at 5a. Grabe talaga! Somehow nagpapasalamat ako dun sa RA na nagsabi sa amin na dissmissed na kami. At least nakuha namin agad yung mga certificate of eligibility namin.

November 6, Friday: Nagkadilemma ako nung araw na ito. Di ko kasi alam kung icacancel ko ba o hindi ang ES12 at papalitang ng GE o Elective. Nung gabi kasi, naconvince ako na mag Russian10/French10 na lang ako. Gusto ko rin kasi ma-all pass ang sem na ito. Kaso pagdating nung umaga, habang nakapila na ako para magcancel, parang nagdadalawang isip na ako. Sayang naman kasi. Nakuha ko na nga lahat ng subjects ko sa preenlistment. Tapos icacancel ko pa yung isa dun. Saka di rin pala mabibigyan ng full credit ang language course hangga't di ko kinukuha yung 11. At dahil na rin sa impluwensiya nung mga tao, di na ako nagcancel.


Nung tanghali pala ay kumain ang buong G11 plus Mykel sa KFC sa Katipun
an. Yun na kasi yung last lunch date namin with Troy. Nakakagulat lang at halos kumpleto kami. Mga apat lang ata yung di nakapunta. Binigay na rin namin yung scrapbook sa kanya. At tawa lang kami ng tawa habang tinitignan niya yung laman nung scrapbook. Pagkatapos kumain, nagtaxi kaming lahat pabalik ng UP. Grabe! First time ng G11 na magtaxi! Haha! Pagdating sa EEE, nagpaalam na kami kay Troy for the last time. Nakakalungkot lang talaga. Oh well, that's life. Darating at darating talaga ang panahon na maghihiwalay kaming lahat :((

Pagkaalis ni Troy ay tinapos ko na yung enrollment ko. At pagkatpos ng ilang oras ay natapos na rin ako! Bayad na lang ang kulang. Woot woot! First time kong matapos agad. Hehe.

0 comments: