Sa darating na November 8, sina Troy, kasama ang kanyang pamilya, ay aalis at lilipad na patungong Nevada, USA. At dahil dito ay naisipan naming magkaroon ng depedida para sa kanya. Matagal-tagal na rin naming pinaplano to. At nung October 26-27 ay naganap na rin ito. Ginawa na rin namin itong parang outing ng block namin.
Sa Loreland Farm Resort, Antipolo kami nagpunta. Sa kasamaang palad ay walo lang kaming nakapunta: ako, Troy, Alai, Greggue, Karlo, Jelo, Jorge, at JM. Pero kahit konti lang kaming nakapunta, naging masaya pa rin. Nagkita-kita kaming lahat sa UP ng 8 AM. Kaso mga 11 AM na ata kami nakaalis. Haha! Naging adventure pa yung pagpunta namin dun. First time kasi namin pumunta dun. At mejo naligaw kami sa directions na nakuha namin.
Dumating kami sa resort ng mga 1 PM na ata. Inayos muna namin yung mga gamit namin, kumain, nagvideoke saglit, tapos nagswimming na. Ang saya kasi nasolo namin yung isang pool dun. Monday kasi, kaya wala masyadong tao.
Tapos napagtripan din pala namin yung slide dun. Nakakatakot kasi yung pagbaba. Akala mo ordinaryong slide lang. Kaso habang nagsslide ka, pabilis ng pabilis yung momentumon ka na. Haha! Ang ginawa namin ay lahat kami ay umakyat, at sunod-sunod na nagslide. Haha! Nakakatawa lang talaga yung mga itsura namin habang nagsslide at tumitilapon.
Tapos nagbreak muna kami sa paliligo at nag pusoy dos. Sina Jorge, Greggue at Alai naman ay nagvideoke.
Birthday pala ni Eman nun. Kaya habang naglalaro kami, tinawagan siya ni Greggue at nung nakausap na siya, sabay-sabay kaming bumati sa kanya. Haha. Nakakatuwa lang.
Pagkatapos ng ilang rounds ng pusoy dos at kantahan, nagswimming na ulit kami. At pagdating ng mga 5 PM ay umahon na kami at nagayos na ng mga gamit.
Naging adventure din yung paguwi namin. Haha! Buti na lang at tama yung mga nilikuan namin. Bale dumaan muna kami sa Robinson's Metro East para bumili ng alak. Hehe. Kaso sarado pa pala yung supermaket nila dahil sa pinsalang ginawa ng bagyong Ondoy. Kaya sa Ministop na lang, na malapit sa amin, kami bumili.
Pagdating sa bahay namin, andun na pala si Kat. Tapos dumating na rin sina Marvin at Martin. Tapos kumain na muna kami ng dinner. Tapos maya-maya pa ay dumating na rin si Wes. Ayun! Nakumpleto na rin ang mga magoovernight. Haha! Kaso umalis din sina Greggue at JM. Di kasi sila pwede magovernight.
Ayun, masaya yung overnight. May sari-sarili kaming mundo nung umpisa. May mag nanonood, may mga naglalaro, at may mga nagnenet. At pagsapit ng alas dose ay binati namin si Alai ng "Happy Birthday!" Tapos nung mga 1 AM na ay nagsimula na kaming uminom. Nakakatuwa lang kasi lahat kami uminom. As in lahat! Haha. Tapos bago pala uminom ay nagtoast muna kami. Bawat isa ay may sinabi. May mga nakakatuwa, may mga joke time, may mga seryoso, at meron ding mga ka-emo-han. Haha!
Pagdating ng mga 4 AM ay nagsimula nang matulog yung mga tao. Nasa sahig nun sina (in order) Kat, Karlo, Jorge, Marvin, Troy, at Wes. At nasa kama naman ako, si Martin, Alai, at Jelo. Kamusta naman kaming mga nasa kama no? Haha!
Paggising namin nung umaga, hinanda ko na yung rinequest ni Alai na pancakes. Haha! At ginawa ko siyang cake. Nagluto ako ng sampung pancakes, para tigiisa kami. Tapos pinagpatong-patong ko para magmukhang cake. At may kasama pang kandila yun sa taas. Haha. At nung kakain na kami ay nilabas ko na yung cake. Natuwa naman si Alai dun. Hehe.
Pagkatapos kumain, nagsimula na silang magayos. At nung mga 2 PM ay umalis na sila.
Bon voyage Troy! Ingat sa biyahe at goodluck sa buhay sa states. ^___^
~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~
Ayun. Dahil sa overnight na ito ay narealize ko na namiss ko na talaga ang G11. As in miss na miss ko na sila. Pagkaalis kasi nila ay parang nalungkot ako. Naisip ko na hindi na kami ulit magiging kumpleto. Na hindi na rin kami magiging magkaklase sa mga susunod na taon kasi iba-iba na ang mga subjects namin. Na hindi ko na rin sila masyadong makakasama. Haaay. Ang emo na. Sorry naman. Haha.
Pero ayun, kahit na ganun ay alam ko naman na gagawa at gagawa pa rin kami ng paraan para magkasama. At syempre marami diyan, kagaya ko, ang magiging pasimuno sa mga gala at reunions. Haha!
Monday, November 2, 2009
Troy's Despedida
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment