> Kagabi, bago matulog, nagdecide na ako na di na ako magddrop ng ES 12. Ipaglalaban ko hanggang dulo! Haha! Mas gugustuhin ko nang magkasingko kesa naman sa mag-give up ako. Pero sana lang talaga ay tama ang desisyon ko. At sana talaga ay pumasa ako. Kailangan ko nang magaral ng mabuti sa dose! >_<
> Birthday nga pala ngayon ng kuya ko at ni Martin. Happy birthday ulit sa inyo! ^___^ Bongga si Martin! Nanlibre kanina! Yung iba nilibre niya ng pancit canton. Yung iba naman ay fried siomai. Ang sarap talaga pag libre! Salamat ulit Martin! Sayang nga lang at di kami nakapagpicture. Dala ko pa naman yung camera :( Huli na nung naisipan kong magpicture. Nakaalis na kasi yung iba.
> Natapos na rin ang day 1 ng "Hell Week" ng mga apps. At natuwa naman ako sa reaction ng mga mems sa costume ni buddy. Nagustuhan naman nila kahit papaano. Lollipop yung costume niya, kaso mejo nagmukhang polvoron. Haha! At syempre may kasama rin yung lollipop na pinamigay sa mga mems. At natuwa rin ako dahil 100% ang nakuhang grade ni buddy! (dance) Sana yung magustuhan din nila yung mga susunod na costumes ni buddy.
> Uhh. Just a random thought. Feeling ko ok na kami. Pero may limitations. Siguro hanggang dun na lang kami sa hi-hello relationship at maguusap lang kung kinakailangan. Well, that's fine with me. Kaso parang naiilang naman ako ngayon. Parang di ako makapagsalita o makapagreact ng maayos kapaga anjan siya. Ewan ko ba. Ang gulo ko talaga >___<
Tuesday, September 15, 2009
Lollipop
0 commentsSunday, August 23, 2009
Buddy Date
4 commentsLast August 19, 2009 naganap ang aming buddy date. Requirement kasi ito para sa mga apps ng UP Circuit. Ang mga magbubuddies ay ako at si Rhayne, Alai at Bossing, at Kat at Nori. Tapos sumama na rin sina Greggue, Lorr, Chet, at Gens, at humabol si kuya Jet.
Exam din namin nun sa EEE 33. Kaya after ng exam pa kami nakapagdate. Kumain na muna kami sa Wendy's sa SM North Edsa Annex. Ayun, kwentuhan, picture-picture, etc. Pagkatapos nun, umalis na sina Lorr at Chet.
Tapos dumerecho na kami sa bowling center. Dun na rin dumating si kuya Jet. Ayun, naglaro kami ng bowling. Nahati kami sa dalawang grupo. Ako, Kat at Nori, saka Alai, Bossing at Rhayne. Yung iba ay pinanuod na lang kami. Grabe! Ang loser ko na pala sa bowling. Nung first year pa kasi ako huling nakapagbowling. Kaya ayun, sabog na sabog ako. Nabalian pa ako ng kuko. At sa huli, kami yung natalo. Kaya gusto namin ng rematch! Haha! Masaya naman yung laro. Nung una wala lang yung paglalaro. Tas maya-maya unti-unti nang nagiging competitive yung mga tao. Hahaha! Tas si Gens pa yung commentator namin. Tawa na lang kami ng tawa.
Pagkatapos maglaro, ginawa na namin yung sweet buddy picture. Di ko na siguro ikkwento yung mga nangyari dun. Grabe lang kasi. Hahaha! Yung kina Kat ayus lang naman, yung kina Alai ay tawa na lang kami ng tawa, tas yung sa amin naman ni Rhayne ay hindi na naging sweet, naging mahalay na! Hahaha!
Pagkatapos nun, umalis na sina Nori, Rhayne, Kat at kuya Jet. Kami naman nina Alai at Gens ay kumain na muna sa Cello's, tas si Bossing may binili lang sa Ace Hardware. Pagbalik ni Bossing sa Cello's, umalis na kami at dumerecho sa The Block para panuorin naman yung concert ng UP Concert Chorus. At pagkatapos nun ay sabay na kaming umuwi ni Bossing.
Ayun, ang saya ng experience na yun. Sana talaga matuloy yung rematch na yun. Hahaha!
Sunday, June 21, 2009
First Week of Classes
0 commentsUnang linggo pa lang ng pasukan, at sobrang haggard na agad.
Tuesday:
Ito yung pinakawalang kwentang araw! Dalawa na nga lang yung pasok ko sa araw na ito, pareho pang di pumasok yung prof. Nakakainis talaga. Una kong klase yung ES 12. Kaklase ko rito sina Alai, Kat, at Lorr. 8:30 ng umaga ang klase namin. Naghintay kami hanggang 10. Kaya umalis na kami at nagpaphotocopy ng mga form 5 namin para sa renewal. Tapos pumunta muna kami sa tambayan, tapos kumain sa LKB. Kasama na namin nun sina Gens at Chet. Pagdating ng hapon, EEE 25 na. At hindi kami sinipot nung prof namin. Kaya umalis na kami. Kasama ko na nun sina Greggue at Martin. Hinatid namin si Greggue sa kanyang klase. Tapos mineet naman namin si Mykel sa Eng'g. Nilibre ko sila sa Eng'g Cafe. Mejo nagtagal din kami dun. At pagkatapos ay umuwi na ako.
Wednesday:
Una kong klase ay EEE 25 DC. Kaklase ko rito sina Lorr, John, Ade, Marvin, Wilson, at Liya. Ayun, ang saya nung klase na ito. At ang pangunahing dahilan ay ang prof namin na si sir Snap. Ang bibo kasi. Ang kulit. Hahaha! Sobrang enjoy talaga. Pagkatapos nito ay EEE 33 naman. Ayun, mejo nakakahiya kasi puro 08 na ang mga kasama namin. Pero marami rin namang 07, pero nakakahiya pa rin. Hehe. Tapos kumain kami sa CS. Tapos nagklase na sa EEE 21. Maaga kaming dinismiss. Kasama kong umalis sina Greggue at Martin. Dapat tatambay kami sa Sampa, kaso di na natuloy. Kaya dumerecho na ako sa gym kasi may PE pa ako na Taekwondo. Ako yung unang dumating dun. Tapos may dumating na babae. Ayun, naging instant friends kami. Grabe! Ang daldal niya! Hahaha. Tapos may dumating pang isang lalaki na tumabi sa amin. Naging instant friend ko rin siya. Ayun, matagal-tagal din kaming nagdaldalan. Tapos dumating na yung prof namin, si sir Mats. Tapos brinief niya kami sa mga gagawin namin. Tapos tinawag niya yung lahat ng may experience ng Taekwondo. May isang babae sa kanila na kamukha ni Anna kapag naka side view. Hahaha. Wala lang. Tapos black belter pa pala siya. Kaya nagulat kaming lahat. Pagkatapos nun, pinatayo kaming lahat sa gitna at nagturo na siya. Ang saya. Haha. Tapos umuwi na ako.
Thursday:
Grabe itong araw na ito. Maaga akong dumating sa Katips, mga 7:30. Pagdating ko, traffic! Walang jeep! Tapos may pila! Kaya pumila agad ako. Di pa masyadong mahaba yung pila pagdating ko. Pagkatapos ng ilang sandali, tumingin ako sa likod. Grabe! Sobrang haba na pala ng pila! Ang tagal naming naghintay ng jeep. Mga 8 na ata ako nakasakay nun. Tapos dahil sa sobrang traffic, 8:30 na ako nakarating sa class ko. Buti na lang wala pa yung prof. Tapos maya-maya, may pumasok na prof. Ang sabi sa amin, di raw namin yun room. Edi pumunta kami sa ES Dept para magtanong. Hindi raw nila alam. Pumunta naman kami sa ME Dept. Andun pala yung prof namin. Naghanap siya ng bakanteng room. At napunta kami sa 5th floor. Edi nagturo na siya. Tapos pagdating ng 10, ang dami nang tao sa labas. Kaya nagtanong siya sa mga nasa labas, may klase pala sila dun ng 10. Kaya tinapos na agad ni sir yung discussion. Tapos next week raw, papalayasin daw niya yung klase sa orihinal naming room. Hahaha! Tapos EEE 33 DC naman. Ayun, ang saya! Nakakatuwa yung prof namin. Feeling ko talaga maeenjoy ko yung class na yun. Hehe. Tapos kumain na kami. Tapos nagklase na sa EEE 25. At pagkatapos, tinulungan ako ni Rhayne na maginstall ng Ubuntu sa laptop ko. Mejo nagtagal din kami. At nung natapos na, umalis na siya, at ako nama'y tumambay pa dahil may GA pa kami. At pagkatapos nung GA ay umuwi na ako.
Friday:
Una kong klase ay EEE 25 DC. Kaklase ko naman rito sina Lorr, Jorge, Marvin, at Liya. Pagkatapos nito ay EEE 33 naman. Tapos kumain kami sa CS. Maaga kami natapos kumain, kaya pumunta muna kami sa tambayan. Naglaro kami ng Pictionary. Hahaha! Sobrang saya namin nun. Tapos nag EEE 25 na. Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa tambayan at nakiepal sa mga freshies. Hahaha. Pinaglaro rin namin sila ng Pictionary. Sobrang saya. Haha! Tapos nakakatawa pa yung mga freshies. Yung isa pa sa kanila, Jan Di yung nickname. Kamusta naman yun diba? Hahaha! Tapos nag EEE 13 na kami. Kaklase ko rito sina Lorr, Greggue, Joan, Anna, at Wilson. Nagdiscuss na rin agad yung prof. Tapos bueno mano pa ako sa recitation. Di tuloy ako nakasagot. Bigla na lang kasi akong tinawag. Pagkatapos ng klase, sinamahan ko muna si Greggue sa Sampa. Tinulungan ko siyang maginstall ng Ubuntu. At pagkatapos nun ay umuwi na ako.
Thursday, June 11, 2009
Summer Vacation: Extended
0 commentsPasukan na dapat namin nung tuesday. Kaso inurong sa susunod na linggo dahil sa banta ng A(H1N1).
Nung monday, pumunta ako ng UP kasi wala naman akong gagawin nun sa bahay. Tapos na ako magenroll nun, pero sinubukin ko pa ring kumuha ng PE. At sa kabutihang palad, nakakuha ako ng Taekwondo. Wala masyadong tao nun sa gym, kaya derecho agad ako sa loob para magprerog. At buti na lang marami pang slots sa Taekwondo. Pagkatapos ay naglunch kami nina Greggue, Michaelle at Jorge sa Mcdo Philcoa. Pagkatapos ay bumalik na kami sa UP. Si Greggue ay dumerecho na sa EEE, si Jorge naman ay umuwi na ata sa boarding house niya, at sinamahan naman ako ni Michaelle sa OUR para bayaran ang aking add mat na PE. At ayun ang mga nangyari nung araw na iyun.
Nung tuesday naman, nanood kami nina mama at papa ng Drag Me to Hell. Grabe! Ang corny talaga nun. Ok naman yung story. Nagustuhan ko naman. Tapos pagdating sa ending, wala na. Nakakainis na. Ang pangit na. Sobrang corny nung ending. Haha.
At kahapon, nung umaga, nag-bake kami ni mama. Tinulungan niya ako gumawa ng New York Cheesecake. Tapos siya naman ay gumawa ng refrigerator cake. Ayun, naenjoy ko naman yung paggawa ng cheesecake. Matrabaho nga lang saka time consuming. Kaso nung naluto na at tinikman na namin, nadisappoint kami. Ang pangit nung lasa, di lasang cheesecake. Sabi ni mama parang chupipay na recipe lang daw yung andun sa recipe book. Hay. Sayang.
Tas nung hapon naman, ginanahan akong ayusing ang aking kwarto. Haha. Sa wakas at nalinis ko na rin yung kwarto ko. At narearrange ko na rin. Hehe. Ayun, mas maluwag na ngayon ang space sa gitna.
At kagabi pala, dahil kay Tincy, ay naadik na ako sa www.omgpop.com. Isa itong website na puro games ang laman. Tapos pwede mong makalaro yung mga kaibigan mo. Ayun lang yung ginawa ko buong gabi. Kalaro ko nun sina Tincy at Rhayne sa Gemmers. Grabe! Sobrang sakit nung kamay ko kagabi sa kakapindot. Haha.
Tinatapos ko na rin palang basahin yung Harry Potter and the Deathly Hallows. Grabe pala, after two years, ngayong ko na lang ulit yun babasahin. Haha. Sana matapos ko na to bago pa magpasukan.
Sige, ayun na lang muna, magbabasa na ulit ako.
Saturday, June 6, 2009
Enrollment
0 commentsWoot! Finally, enrolled na rin ako! And for the first time, natapos agad ako sa enrollment ko. Dati kasi, pasukan na ay di pa rin ako tapos. Pero grabe pa rin yung dinanas ko nitong nakaraang tatlong araw.
Day 1, wednesday:
Ito yung first day of enrollment. Dumerecho na muna ako sa Eng'g para tignan kung elige ako. Feeling ko kasi noon ay magiging inelige ako. At ayun nga ang nangyari, inelige ako. Kaya inayos ko na agad yun. Buti na lang maaga ako pumunta, at least nasa unahan ako ng pila. Pagkatapos ko maayos yun, pumunta na ako sa EEE kasama sina Alai, Karlo at Krisel para kunin ang mga form 5 at 5a namin.
Tapos kinelangan ko pang magprerog sa EEE 13. Kaso puno na lahat ng slots. Kaya sinubukin kong hanapin si sir Guinto. Kaso tuwing sabado lang pala siya nasa EEE. Kaya pinuntahan ko si ate Mimi ng admin para humingi ng tulong. Inemail niya si sir Guinto at balikan ko na lang raw bukas. Kaya wala na akong ibang nagawa nung araw na ito. Sinamahan ko na lang sina Greggue, Karlo, Eman, Troy at Bossing sa Eng'g habang hinihintay nila yung results ng ES 12.
Day 2, thursday:
Ito na yung pinakawalang kwentang araw ng enrollment. Dumerecho agad ako sa EEE para malaman kung nagreply na si sir Guinto. Kaso di pa rin nagrereply. Kaya nagantay muna ako saglit sa EEE. Tapos nakita ko si Lori, kulang pa pala siya ng ES 12. Kaya sinamahan ko na muna siya sa Eng'g. Pagdating doon, nakita namin sina Greggue, Karlo, at Gens. Nagusap-usap muna kami saglit. Tapos balak pa sana namin ni Lori na magprerog sa GE 1. Kaso di na pala pwede. Tapos bigla na lang nagbrownout.
Bumalik na muna kami ni Lori sa EEE. Habang papunta kami dun, nagulat na lang kami sa nakita namin sa may MSI. Halos lahat nung mga malalaking puno ay natumba. Tas may isang puno na sumabit sa mga cable ng kuryente. Kaya siguro nagbrownout. Parang may dumaan na ipo-ipo e. At tama pala kami, may ipo-ipo ngang dumaan. Kaya pala sobrang laki ng nagawang damage. Pagdating namin sa EEE, lahat ng tao nasa labas. Wala kasing kuryente sa loob. Kaya nagstay na muna kami ni Lori doon.
Tas maya-maya, nakita ko si kuya Randy, yung isa pang prof ng EEE 13. Kaya nilapitan ko siya agad para matanong kung pwede ako magprerog. Sabi niya titignan pa niya at balikan ko na lang daw siya bukas. At ayun, mejo nabuhayan na ako nun. Kasi nga may dalawa na akong options. Kaya ayun lang yung nagawa kong may sense nung araw na iyon.
Tas naglunch kami ni Lori sa Casaa. Tas dumerecho na siya sa dorm. At ako nama'y pinuntahan sina Rhayne sa Eng'g. Mag GE hunt na sana kami, kaso pagdating namin sa AS, sinabihan kami ng guard na suspended na nga raw yung enrollment. Kaya ayun, wala na naman kaming napala sa araw na ito.
Day 3, Friday:
Ito yung pinakasuccessful kong araw. Pagdating ko sa EEE, hindi pa nagsisimula yung enrollment. Kaya naghintay muna ako. Tas maya-maya ay dumating sina Rhayne at Jelo. Nagusap lang saglit, tas nung pwede na magenroll, naghiwa-hiwalay na kami. Pinuntahan ko agad si sir Randy. At ayun, pinayagan niya akong magprerog! Yehey!
Tas sumama muna ako kina Rhayne, Karlo, Lori, Wes at Bosing na mag GE hunt. Kaso wala rin kaming nakita. Kaya bumalik na muna kami sa EEE. Nagpavalidate na muna ako. Tas nung nakita ko sina Rhayne at Wes, nakapagprerog na rin sila sa EEE 21. Kaya ok na rin sila.
Naglunch na muna kami. At pagkatapos nun, nagpa-assess na ako at pumunta na ng OUR para magbayad. Mahaba yung pila, pero mabilis naman gumalaw. Kaya ayun, nakapagbayad na ako at natapos na rin ako sa enrollment!
Grabe. Tuwang-tuwa ako dahil natapos na rin ako sa paghihirap ng enrollment ^_^
Friday, May 29, 2009
Bum Mode
2 commentsBuong araw lang akong nasa kama ko at kaharap ang laptop. Hahaha! Dapat kasi manunuod kami nung mga kaibigan ko nung high school ng sine. Kaso di na ako nakasama dahil nga masama ang pakiramdam ko at sinisipon pa ako ng bongga.
Dalawang araw na rin kasi akong pagod. Nung wednesday, sinamahan ko si Reyson sa Divisoria. Bumili siya ng tela para sa uniform niya. Pagkauwi ko, ayun. Sumakit ang ulo ko dahil sa pagod at sobrang kainitan. Tas kahapon naman, pumunta kami ni Rhayne ng UST para bisitahin sina Tincy, Mary at Jeanne. Tas dinalhan ko na rin sila ng cake na binake namin ni Mama. Tas pagkauwi ko, sumasakit na naman yung ulo ko tas sinisipon na rin ako. Kaya sabi ni Mama wag na raw ako umalis ngayon at magpahinga na lang.
Ayun, kaya buong araw, andito lang ako sa kama ko at nanuod na lang ako ng Gossip Girl. Hahaha! Tinapos ko na yung season 2. At sobrang natuwa ako, lalo na sa finale. The best talaga yung finale nun. Hehehe.
Tas grabe din yung sipon ko. Tulo ng tulo. Nakalahati ko na ata yung tissue box dito sa kwarto ko. Hahaha!
Tas panira pa ng araw yung CRS. Nawala kasi yung dalawang subjects na enlisted na sa akin. At di lang pala ako yung nagkaganun. Marami rin pala. Grabe! Napamura ako ng sobra-sobra dun. Nakakainis naman kasi e. Buti na lang naglabas ulit yung CRS ng panibagong announcement. Binalik na nila yung results nung first batch run. Ayun. Mas ok na ako dun.
Hay. Ayan. Ayan lang ang ginawa ko buong araw. Hahaha.
Saturday, May 23, 2009
Last Week of Summer Classes: Monday
0 commentsAkala ko malalagpasan ko ang linggong ito with flying colors. Hindi pala. Ito ang pinakagrabeng linggo ko sa buong summer classes.
Monday, May 18:
Nagsimula ang una kong problema sa Philo 1. May pinaparesearch kasi sa amin dati. Maghanap daw kami ng term na related sa course namin na may dispute sa definition nung term. Kaso ilang araw nang hindi siya nagsasabi ukol dun, kaya inakala namin na wala na yun. Tapos pagdating niya sa klase, sinabi niya agad sa amin na dapat sa tuesday ay may mabigay na kaming update sa research namin, kundi, bibigyan niya kami agad ng 4 na grade sa Philo. Ayun, natakot kaming lahat.
Sa ES 11 naman, nagreview lang kami para sa finals. Tapos pinakita na rin sa amin yung 4th long exam namin. At pasado ako! Grabe! Tuwang-tuwa ako nun. Tapos nalaman ko pang exempted ako! Yehey! Woohoo! Sobrang saya ko talaga nun. Hahaha. Sobrang overwhelming lang talaga.
Paguwi ko sa bahay, naghanap agad ako ng term. Ang hirap maghanap! Wala akong makita! Kung sino-sino na talaga yung mga pinagtanungan ko. At nauwi rin ako sa "voltage." Hahaha! Salamat Rhayne! ^^,
Tapos hindi rin pala ako nakapagaral para sa Math 114. Buti na lang at mahaba yung break ko sa susunod na araw.
Sunday, February 15, 2009
Valentine's Day
2 commentsNagsimula ang lahat sa date namin kay Math 55. Hahaha. Date talaga e no? Hahaha. Ayun. Nakabawi naman ako sa exam na ito. Halos lahat e nasagot ko at kampante ako sa mga sagot ko.
Pagkatapos nun ay nagkita-kita kaming G11, ako, Jelo, Alai, Rhayne, Karlo, Kat, at pati na rin si Lori ay kasama. Nagplano kasi kami ng isang group date. Nung una e hindi pa namin alam kung saan kami kakain. Tapos nag-suggest si Kat na sa Flaming Wings na lang sa Katips. Lahat kami pumayag kaya dun na lang kami kumain. Grabe! Ang sarap dun! Tenders yung inorder naming lahat. At sobrang sarap nun. Sina Kat at Rhayne e ung pinakamaanghang ang inorder. Samantala kami e ung original lang. Tas pinatikim sa akin ni Kat ung Tenders niya. Grabe! Ang anghang! Kaya pala ganun na lang ang reaksyon nila. Hahaha! Pagkatapos ay nagorder naman kami ng dessert. Wicked Oreo ang inorder namin. At sobrang sarap din nun! May vanilla ice cream sa gitna tas may tatlong oreo cookies na may coating na pancake mix ata. Basta ang sarap nun! Nirerecommend ko talaga ang Flaming Wings. Tapos ayun, kwentuhan at picture-picture. Ang saya talaga.
Pagkatapos nun ay nagsiuwian na kami. Sina Kat, Lori at Alai ay bumalik ng UP. Sina Jelo at Rhayne ay sa LRT na dumerecho. Tapos sumabay na ako kay Karlo dahil pupunta pa ako ng SM Marikina dahil andun sina Mama. Tapos ayun, binilhan ako ni Mama ng bagong sapatos at cellphone. Kaya tuwang-tuwa ako. Hehehe. Salamat Mama! ^^,
Ito na so far ang best Valentine's Day ko. Maraming maraming salamat talaga sa lahat for making my day a very memorable one. ^^,
Friday, December 19, 2008
Birthdays and Overnight I
2 commentsIt all started the night before December 16. I was panicking because it was already very late and I still haven't finished wrapping my presents for my friends. And in addition to that, I was also busy chatting with her. So I slept at around one in the morning. Good thing we didn't have classes in PE anymore.
The next day was supposedly our last day in school, and it was Jelo's birthday too. I still had a class in Art Stud 1, Math 55 and EEE 23. During lunch time, I gave my birthday and Christmas presents to them. And we also had our annual exchanged gifts. The present that I got was from Rhayne, and it was a 300 pesos gift certificate at Fully Booked. Thanks Rhayne! ^^,
After classes, I was supposed to meet with Anna at the FC to give her my Christmas gift. The others went with me. After that, we went to Melchor Hall, then to Joaqim's to eat, and then back to the Eng'g steps to watch the Maskipaps. We waited until the Circuit pair performed. After that, me, Michaelle, Jorge, Wes, Rhayne, Karlo, and Jelo met up with Rhayne's father because he was going to give us a ride.
When we got to my house, we played Pusoy Dos and Twister. It was so much fun. Then midnight came, and we greeted Rhayne a happy birthday. At around 2 o' clock, Troy, Martin and JE finally arrived and we were able to eat burgers. After eating, we again played Twister, and then Truth or Truth.
We slept at around four in the morning. When I woke up, I was shocked because my head was in between Jelo's and Jorge's butts. Hahaha!
Rhayne had to leave early because he still had a class. He left at around six. The rest of us ate breakfast. And soon after, Jelo and Michaelle left at around eight. And the rest, including me, left at around nine.
I really enjoyed this overnight. It's really a night to remember. Thank you Alai, Loribelle, and Rhayne for your gifts. ^^,
Saturday, November 22, 2008
Second Sem
4 commentsTwo weeks have already past since the first day of classes. And now I'm getting used to with my schedule. And here's what I think would be my routine for the rest of the sem.
On mondays, I would meet with Greggue at around 7:30 in the morning to compare answers with the exercises given on ES 11. After the ES11 Lab, I would go to Rodic's to have lunch with Greggue, Alai, Rhayne, and Eman. After lunch, it's either I would stay in UP for a while, or go home already.
On tuesdays, I would leave my Art Stud 1 class 15 minutes before time, and run to the Math Building. After our Math 55 class, I would eat lunch at CS or wherever with Greggue, Jelo, Rhayne, Alai, Kyle, Loribelle, Wes, Michaelle, and Jorge. Then after our EEE 23 Lec, Michaelle and I would meet and hang around in UP while waiting for Jorge to finish his class.
On wednesdays, I would usually arrive an hour early for our ES 11 Lec. I would then reserve seats for Greggue, Martin, Eman, Rhayne, Dondon, and Gens. I would also bring my jacket just in case I can't take the cold temperature at our Math 114 classroom. After our Math 114 class, I would eat at the CS Canteen. After that, it's either I'll be with Jelo, Greggue and Loribelle, or I would just go the the library and read a book or study while waiting for our EEE 23 DC. After our class, I would either wait in the tambayan for our Awitan rehearsal, or I would go directly to the College of Music.
On thursdays, it would be the same as my tuesday schedule. The difference is that after our EEE 23 Lec, it's either I would go home already, or go to UST with Jelo or by myself to meet someone.
On fridays, it would also be the same as my wednesday schedule. But the difference is that I don't have a EEE 23 class in the afternoon. So I would either go to the tambayan and wait for the rehearsals, or sit-in in Greggue's class, or go to the library to read a book or study, or go directly to the College of Music and wait there.
And on saturdays, after our CWTS Mil Sci 2 class, it's either we would eat at Mcdo Philcoa and hang around til the afternoon, or eat somewhere else in UP, like in Molave, and also hang around til the afternoon.
So that's pretty much what my routine would be for the rest of the sem.
Wednesday, October 29, 2008
Alyssa's 18th Birthday
0 commentsWoot!
It was Alai's 18th birthday last Monday, October 27, 2008. She held a party and her high school friends, G11, and Circuit friends were invited.
Our block decided to meet at Mcdo Philcoa at 3PM. When I got there, Troy and Rosa were already there. And we were all wearing orange shirts. Then Jelo arrived and we were surprised with his new haircut. Then Rhayne arrived and we were more shocked with his new hairstyle. Me and Troy also had a new haircut. So we decided to take a picture of ourselves. It was so cool. Hahaha. And then people started arriving, Karlo, Lorr, Martin, Michaelle, and lastly, Jorge. Then we went to Alai's place. When we got there we transfered to another house where the party was going to be held. After all the people arrived, we all said a short message for Alai. Then we all ate. After eating, our block and Circuit went outside while her high school friends were singing inside. We played pusoy dos and talked with one another. Then after a while, our block and Circuit went inside to sing while her high school friends were now outside. But me, Jelo, Karlo, Martin, Troy, and Rhayne stayed outside to play poker. It was so much fun. Some of us didn't know how to play poker that much, so Jelo guided us. By the way, we didn't have any chips. So we improvised and used coins instead. After playing, we went inside to sing. While others sang, we either played poker or pusoy dos. Then her high school friends, Rhayne, and Circuit friends went home, except for Denise. So the only ones who stayed for the overnight were G11 and Denise. While others slept, me, Alai, Jelo, Denise, Martin, Gens, and Rosa went outside to talk with one another. We talked about many things. At about 5AM we went inside to try to get some sleep. But instead, we just talked. Then at about 7AM, the ones who were awake went to Alai's house for breakfast. Then the others showed up. We stayed at Alai's house up until 3PM. Some slept, some just talked, while others played poker. And after that, we bade goodbye to Alai and we all went our seperate ways.
I really enjoyed her birthday and the overnight. I knew how to play poker. I knew a lot of "chismis". And, we all got to bond with one another.
So thank you Alai and Happy Birthday! ^_^
Oh BTW Alai, I'm sorry for the card I gave you. The things I said there were not that good and not complete. So I'm planning to make a new card for you. I'll just give it to you next week. I hope you understand. Sorry.
Tuesday, October 14, 2008
Last Days
0 commentsIto ung mga nangyari sa akin nung nakaraang linggo:
Monday, October 6:
> 3rd at last long exam namin sa EEE 13. Grabe! Hindi ako masyadong nakapagaral. Binasa ko lang yung mga slides. So kamusta naman ung results nung exam no. Tapos paguwi ko sa bahay, inayos ko pa yung report namin sa Geog1. Grabe! 1AM na ako natulog. At kamusta naman, wala pa akong matinong tulog.
Tuesday, October 7:
> Wala kaming Math54. So nagdecide kami nina Alai, Michaelle at Rhayne na kumain sa Mcdo Philcoa. Swerte namin at free ride ung nasakyan namin. Dumating din sina Jelo at Gens. Tas pagbalik namin sa UP ay swerte pa rin kami dahil free ride na naman ang nasakyan namin. Tas nagreport na kami sa Geog1. Ayos naman. Nag sit-in din pala sa klase namin sina Jelo at Gens dahil wala silang CW10. After ng class ay sinamahan ako nina Alai, Jelo at Gens sa Vinzons Hall para bumili ng lanyard. Tapos dumerecho kami sa Sunken Garden. Naglaro lang kami ng pusoy dos at medyo nagkuwentuhan. Tas dumating sina Frank, Michaelle at Jorge. Nakilaro rin sila samin. Tapos dumerecho na kami sa EEE. May General Assembly kasi ung Circuit. Tas paguwi ko sa bahay, nagaral na ako para sa 5th and last long exam namin sa Math54.
Wednesday, October 8:
> Last day of regular classes na namin. Exam din namin sa Math54. Kamusta naman, habang lec ng EEE 33 e sinasagutan ko yung exercise set na binigay ni sir. Haha. At nagmememorize pa ako ng formulas nun. O diba? Dakilang crammer ako! Hahaha! Tas nagstart na yung exam namin sa Math. So far so good. Tas nung 20 minutes na lang yung natitira, biglang sinabi ni sir, "You may now open your notes." Grabe! Nagulat naman kami dun. Ayun. Buti na lang. May mali pala akong formula. Buti na lang. Haha. Tas after ng exam dumerecho kami sa EEE para gumawa ng MP. At xempre wala pa akong nasisimulan. After a while, naggive up na ako. Di ko talaga alam yung gagawin e. Si Alai din ganun. So kumain na lang kami. Paglabas namin sa EEE, andun sina Gens, Troy at Rosa. Ayun, nakabonding naman namin si Rosa. Ang daldal niya! Hahaha! Tas dumating din si Jelo. So dumerecho kaming lahat sa Katag. Tas nakita namin si Ma'am Kristyl dun. Tas after kumain ay bumalik na kami sa EEE. Pumunta na kami ni Alai at Gens sa tambayan. May meeting kasi yung Awitan group. Pagdating ni Gigi, sinimulan na niya kaming salain. Napunta ako sa Bass. Tas after, pumunta na samin sina Alai, Gens, Kat, ate April, Kuya Fabs at kuya Miko, para magovernight. Kamusta naman yung nangyari samin. Yung iba nagiinternet, yung iba nakatulog na, yung iba nanonood ng Texas Chainsaw Massacre 3, at ako naman ay nanonood ng Heroes Season 3 sa laptop ni kuya Fabs. Hahaha.
Thursday, October 9:
> Ganun pa rin yung nangyayari samin. May nanunuod, may nagiinternet, at may natutulog na. Pagdating ng umaga, nauna nang umalis sina Kat at kuya Miko. Magpapasa pa kasi si Kat ng MP. After ilang hours, umalis na rin kami. Pagdating sa UP, kumain kami sa Rodic's. Tas dumerecho na kami ng tambayan. Saglit lang ako dun. Tas bago ako umuwi, tinignan ko muna yung grade ko sa EEE 34. Ang galing! Naka 1.25 pa ako! Hahaha!
Friday, October 10:
> May make-up class kami sa EEE 33 DC. Sa LC2 kami nagklase dahil ang dami namin. Haha! Tas after nun, kumain kami sa CS. Ang dami namin! Parang reunion lang! Haha! Mga andun: ako, Alai, Kat, Jelo, Rhayne, JE, Greggue, Karlo, Ade, Martin, Jorge at Michaelle. So as usual, naglaro lang kami ng pusoy dos. Haha! Tas isa-isa nang nagalisan. Magkakasama kami nina Karlo, Jelo at Rhayne nung pauwi na. Tas biglang napagusapan yung mga hymns ng bawat school. Ayun. Nagkantahan kami habang naglalakad. Haha! Una si Jelo, tas kami ni Karlo, tas si Rhayne yung huli. Tas naghiwalay na rin kami. Dumerecho kami ni Karlo sa Robinsons Metro East. Nakipagkita siya kay Bossing, at ako naman kay Reyson. Tas dumerecho kami ni Reyson sa bahay namin. Hanggang 9PM siya at umalis na siya.
At ayan ang mga nangyari sakin nung nakaraang linggo. Sorry ang haba.
Monday, September 29, 2008
Kwentuhan
3 commentsNangyari ito last Friday, September 26, 2008.
Nagpunta na naman kami nina Alai, Jelo, Karlo, at Rhayne sa SM North para muling bumili ng mga components para sa aming EEE 34 project. After nun, as usual, nag Timezone ulit kami sa Trinoma. Kung ano-ano mga nilaro namin dun. Tas umalis din si Rhayne after a few hours. Hinahanap na daw kasi siya sa bahay.
Tapos kumain kami sa KFC. Lahat kami nag Fully Loaded Meal maliban kay Alai na nag Famous Bowl. Tapos nagkuwentuhan lang kami dun. Pupunta rin sana kami sa open house ng Yakal, kaso di na aabot. So nagstay na lang kami dun. Ayun. Kung ano-ano mga napagkwentuhan namin. Tapos napagdesisyunang lumipat na lang kami sa rooftop, kung saan ung mga restaurants. Pag dating namin dun, naghanap kami ng puwesto. Napansin namin halos lahat nakaupo sa may gilid. So sabi ni Jelo sa may gitna daw kami para maiba. Ayun, sa may gitna nga kami umupo. Tas dahil hindi na namin maalala kung saan kami tumigil ng paguusap, nagbaraha na lang kami.
Tapos nagsimula na naman ung kwentuhan. Tas ang nangyari, parang part 2 ng open forum na ginawa dati sa bahay namin. Tas ayun, naayos na rin ung problema namin ni Alai. So okay na okay na kami. Pati ung issue namin ni Jelo napagusapan at naklaro na rin. Basta. Ang dami pa, kaso di ko na pede ielaborate kung ano yung mga yun.
Tas balak naming umuwi at around 8 PM. E napasarap sa kwetuhan. So ayun. 11 PM na kami umalis dun. Tas pagdating namin sa sakayan papuntang UP, ang haba! Edi naghintay kami. Tas tinanong na rin namin para sure kung papuntang UP nga yun. Hindi na pala. Edi taxi next choice. Ang dami ring naghihintay. So naglakad na lang kami. As in nilakad namin from Trinoma to Philcoa. Kamusta naman yun diba? Haha! Pero ang saya pa rin. Tas imbes na nagleft kami sa may circle para mas maiksi na lang ung lalakarin, nagright kami! Hahaha! Nag long cut tuloy kami. Hahaha. Tas pag dating namin sa Philcoa, nagtricycle na si Jelo papuntang boarding house niya. Tas hinintay namin ni Karlo na makasakay ng bus si Alai. Tas nagtaxi na kami ni Karlo pauwi.
Ayan ang nangyari samin nung friday. Nakakapagod, pero super saya pa rin. Basta ung highlight ng gabing ito ay ung kwentuhan. Hehe.

