Akala ko malalagpasan ko ang linggong ito with flying colors. Hindi pala. Ito ang pinakagrabeng linggo ko sa buong summer classes.
Monday, May 18:
Nagsimula ang una kong problema sa Philo 1. May pinaparesearch kasi sa amin dati. Maghanap daw kami ng term na related sa course namin na may dispute sa definition nung term. Kaso ilang araw nang hindi siya nagsasabi ukol dun, kaya inakala namin na wala na yun. Tapos pagdating niya sa klase, sinabi niya agad sa amin na dapat sa tuesday ay may mabigay na kaming update sa research namin, kundi, bibigyan niya kami agad ng 4 na grade sa Philo. Ayun, natakot kaming lahat.
Sa ES 11 naman, nagreview lang kami para sa finals. Tapos pinakita na rin sa amin yung 4th long exam namin. At pasado ako! Grabe! Tuwang-tuwa ako nun. Tapos nalaman ko pang exempted ako! Yehey! Woohoo! Sobrang saya ko talaga nun. Hahaha. Sobrang overwhelming lang talaga.
Paguwi ko sa bahay, naghanap agad ako ng term. Ang hirap maghanap! Wala akong makita! Kung sino-sino na talaga yung mga pinagtanungan ko. At nauwi rin ako sa "voltage." Hahaha! Salamat Rhayne! ^^,
Tapos hindi rin pala ako nakapagaral para sa Math 114. Buti na lang at mahaba yung break ko sa susunod na araw.
Saturday, May 23, 2009
Last Week of Summer Classes: Monday
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment