Friday, May 22:
Ito siguro yung pinakahaggard kong araw. Nagsimula ang lahat sa exam namin sa Philo 1. Bago pa magexam, nagpapanic na ako. Hindi ko kasi alam na kailangan pala isauli yung sinoli niyang bluebook namin nung tuesday. Tas pagdating ni sir, sinabi niya na we only have until 12 noon para maibigay sa kanya, kundi, 4 ang grade namin sa Philo. So inisip ko na mamaya ko na lang yun pproblemahin after ng exam.
Tas yung exam naman namin, grabe! Ang hirap! Lahat kami nahirapan! Sobra! Tas habang nageexam, lumabas na muna ako ng classroom para tumawag kay mama. Tas sabi ni mama ay dadalhin na lang ni papa sa UP. Edi ok na. Pagbalik ko sa room, tinapos ko na yung exam ko. After ng exam namin, tumambay muna kami nung iba kong kaklase. Pinagusapan na muna namin yung exam at kung ibabagsak ba niya kaming lahat or something. Haha!
Tapos nung nagsialisan na, hinintay ko na si papa. Grabe! Nakita kong dumaan yung kotse. Tas derederecho lang papunta sa AS Annex. E sabi ko sa may FC lang. Edi lakad naman ako para habulin siya. Tapos di ko na nakita kung san siya napunta. Kaya bumalik ulit ako sa FC. Tas nagtext ako, sabi niya nasa likod daw siya ng Annex, edi balik ulit ako. Habang naglalakad, nakita yung kotse papuntang FC. Ayun, bumalik ulit ako sa FC. At finally, dun na siya nagpark. Grabe! pagod na pagod ako nun.
Tas pagdating ko sa room nung prof namin, wala pa rin siya, kaya pinabigay ko na lang sa mga naghihintay pa rin sa kanya. Tapos nun ay sumabay na akong umuwi kay papa.
Nagpahinga at nagaral ako ng saglit sa bahay. Tapos nung mga 2pm na, umalis na ulit ako para sa exam ko naman sa Math. Pagdating ko sa Math Bldg, nakita ko sina Ayna at Chet. Tas napagusapan namin yung AI. At grabe si Ayna, kilig na kilig kay Kris. Hahaha! Tas dumating na rin si Liya. Tapos AI din ang napagusapan namin. Tas pati siya, kilig na kilig kay Kris. So silang dalawa ni Ayna ang naguusap. Tas kami ni Chet, tawa na lang ng tawa sa kanilang dalawa. Nakakatuwa kasi silang panuorin. Hahaha!
Pagkatapos nun ay nagexam na kami. Tas habang nageexam, bigla na lang ako nangangati. Akala ko nung una ay wala lang. Kaso habang tumatagal, buong katawan ko na yung nangangati. Kaya pumunta na muna ako sa CR. Pagtingingin ko, pulang pula na pala yung buong katawan ko. Grabe! Sobrang kati! Tas bumalik na ako sa classroom at tinapos ko na yung exam. Tas umuwi na ako agad after.
Pagdating ko sa bahay, ayun, mejo nawala na rin. Sabi nina mama at papa baka dahil dun sa lunch namin. May isang pagkain kasi dun na kakaiba. Tas uminom na lang ako ng gamot.
At dito na nagtapos ang aking summer classes. Nakakapagod, pero super saya! Hehe. Sobrang naenjoy ko talaga ang summer classes na ito. Kahit na may bitter moments paminsan-minsan ay ok lang. E ganun talaga e. Wala tayong magagawa sa mga ganun. Pero sobrang thankful talaga ako sa mga nangyari. Maraming salamat sa lahat ng mga nakasama ko nitong nakaraang buwan. Happy Summer Vacation! (one week nga lang. hahaha!)
Sunday, May 24, 2009
Last Week of Summer Classes: Friday
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment