Showing posts with label American Idol. Show all posts
Showing posts with label American Idol. Show all posts

Sunday, May 24, 2009

Last Week of Summer Classes: Friday

0 comments

Friday, May 22:
Ito siguro yung pinakahaggard kong araw. Nagsimula ang lahat sa exam namin sa Philo 1. Bago pa magexam, nagpapanic na ako. Hindi ko kasi alam na kailangan pala isauli yung sinoli niyang bluebook namin nung tuesday. Tas pagdating ni sir, sinabi niya na we only have until 12 noon para maibigay sa kanya, kundi, 4 ang grade namin sa Philo. So inisip ko na mamaya ko na lang yun pproblemahin after ng exam.

Tas yung exam naman namin, grabe! Ang hirap! Lahat kami nahirapan! Sobra! Tas habang nageexam, lumabas na muna ako ng classroom para tumawag kay mama. Tas sabi ni mama ay dadalhin na lang ni papa sa UP. Edi ok na. Pagbalik ko sa room, tinapos ko na yung exam ko. After ng exam namin, tumambay muna kami nung iba kong kaklase. Pinagusapan na muna namin yung exam at kung ibabagsak ba niya kaming lahat or something. Haha!

Tapos nung nagsialisan na, hinintay ko na si papa. Grabe! Nakita kong dumaan yung kotse. Tas derederecho lang papunta sa AS Annex. E sabi ko sa may FC lang. Edi lakad naman ako para habulin siya. Tapos di ko na nakita kung san siya napunta. Kaya bumalik ulit ako sa FC. Tas nagtext ako, sabi niya nasa likod daw siya ng Annex, edi balik ulit ako. Habang naglalakad, nakita yung kotse papuntang FC. Ayun, bumalik ulit ako sa FC. At finally, dun na siya nagpark. Grabe! pagod na pagod ako nun.

Tas pagdating ko sa room nung prof namin, wala pa rin siya, kaya pinabigay ko na lang sa mga naghihintay pa rin sa kanya. Tapos nun ay sumabay na akong umuwi kay papa.

Nagpahinga at nagaral ako ng saglit sa bahay. Tapos nung mga 2pm na, umalis na ulit ako para sa exam ko naman sa Math. Pagdating ko sa Math Bldg, nakita ko sina Ayna at Chet. Tas napagusapan namin yung AI. At grabe si Ayna, kilig na kilig kay Kris. Hahaha! Tas dumating na rin si Liya. Tapos AI din ang napagusapan namin. Tas pati siya, kilig na kilig kay Kris. So silang dalawa ni Ayna ang naguusap. Tas kami ni Chet, tawa na lang ng tawa sa kanilang dalawa. Nakakatuwa kasi silang panuorin. Hahaha!

Pagkatapos nun ay nagexam na kami. Tas habang nageexam, bigla na lang ako nangangati. Akala ko nung una ay wala lang. Kaso habang tumatagal, buong katawan ko na yung nangangati. Kaya pumunta na muna ako sa CR. Pagtingingin ko, pulang pula na pala yung buong katawan ko. Grabe! Sobrang kati! Tas bumalik na ako sa classroom at tinapos ko na yung exam. Tas umuwi na ako agad after.

Pagdating ko sa bahay, ayun, mejo nawala na rin. Sabi nina mama at papa baka dahil dun sa lunch namin. May isang pagkain kasi dun na kakaiba. Tas uminom na lang ako ng gamot.

At dito na nagtapos ang aking summer classes. Nakakapagod, pero super saya! Hehe. Sobrang naenjoy ko talaga ang summer classes na ito. Kahit na may bitter moments paminsan-minsan ay ok lang. E ganun talaga e. Wala tayong magagawa sa mga ganun. Pero sobrang thankful talaga ako sa mga nangyari. Maraming salamat sa lahat ng mga nakasama ko nitong nakaraang buwan. Happy Summer Vacation! (one week nga lang. hahaha!)

Last Week of Summer Classes: Thursday

0 comments

Thursday, May 21:
Gumising ulit ako nang maaga para panuorin yung season finale ng American Idol. Hahaha! At as usual, katext ko si Mary nung mga panahong ito. Grabe! Panalo talaga yung season finale na yun. Yun yung pinakanaenjoy ko na finale ng AI so far. Panalo yung ginawa ni Kara saka yung ginawa kay Tatiana. Hahaha! Benta talaga yung mga yun. Tapos pinuna rin namin yung suot ni Adam nung kaduet na niya yung Queen. Napa-"WTH?!" na lang ako sa suot niya. Ang weird kasi. Haha! Tas napuna rin namin na mas bongga yung mga performances ni Adam kesa kay Kris. Parang ang bais na nila. Pero tuwang tuwa talaga kami ni Mary nung inanounce na si Kris yung nanalo. Yehey! Hahaha!

Pagkatapos manuod, ginawa ko na yung paper ko sa Philo 1. Grabe! Ang hirap gawin! Kahit na two pages lang ay ang hirap pa rin magisip. Ang dami kasing pinapagawa. Grrr! Natapos ko yung paper nung gabi na. At nakuha ko na ring magaral para sa finals sa Philo habang gumagawa nung paper. At dahil na naman sa Philo, di ako nakapagaral para sa finals ng Math 114. Binalak ko na lang magaral sa biyernes dahil sobrang haba naman ng break ko.

Tapos ayun, once in a while, pumupunta pa rin ako sa CR. Mas lalong lumala ata yung LBM. Kaya panay ako sa kakainom ng Gatorade. Hahaha!

Tas nung gabi, distracted ako sa American Idol. Pinanuod ko yung 6-8 saka 8-10 na broadcast. Hahaha! Adik lang. Tatlong beses ko tuloy napanuod yung finale. Hahaha!
Pagkattpos ko manuod, natulog na agad ako kasi 7am pa yung exam ko sa susunod na araw.

Last Week of Summer Classes: Wednesday

0 comments

Wednesday, May 20:
Paggising ko pa lang, ansama na ng pakiramdam ko. Sumasakit na yung ulo ko, parang nanlalata na ako, tas parang nasusuka pa. Akala ko mawawala rin yun, kaya di ko masyadong pinansin.

Ayun, nanood ako ng live streaming sa net ng American Idol. Hahaha! Habang nanonood ay gumagawa ako ng prob set sa Math 114. Tapos katext ko rin si Mary nun. Pinupuna namin yung mga performances sa AI. Hahaha!

Pagkatapos manood ay naghanda na ako at pumunta na sa UP. Pumunta muna ako sa Math Bldg para magpasa ng prob set. Tapos dumerecho na ako sa tambayan. Pagdating sa tambayan, parang lumalala na yung sama ng pakiramdam ko. Kaya nagtext ako kay Mary nun. Hahaha! Nurse kasi e. Haha. Ayun. Di rin niya alam kung anong meron sa akin. Baka dahil sa stress lang daw.

Tapos nagsimula na yung photoshoot namin. Wala lang. Super saya. Naenjoy ko yun. Hahaha! Narito yung ilan sa mga pictures. Galing pala ito sa multiply site ni kuya Rolf Ocampo. Siya yung isa sa mga kumuha ng mga pictures namin.


Pagkatapos nung photoshoot ay umuwi na ako. Pagdating ko sa bahay, lalong lumala yung sama ng pakiramdam ko. Nawawalan pa ako ng gana kumain. Kaya parang isang buong meal lang ang nakain ko buong araw. Nanghihina talaga ako nung gabing yun. Tapos pabalik-balik pa ako sa CR. Kaso imbes na matulog ng maaga, nagnet pa ako para magresearch para sa Philo 1. Mga hating gabi na rin ako natapos. Buti talaga may nakita ako. Tapos natulog na ako.