Thursday, May 21:
Gumising ulit ako nang maaga para panuorin yung season finale ng American Idol. Hahaha! At as usual, katext ko si Mary nung mga panahong ito. Grabe! Panalo talaga yung season finale na yun. Yun yung pinakanaenjoy ko na finale ng AI so far. Panalo yung ginawa ni Kara saka yung ginawa kay Tatiana. Hahaha! Benta talaga yung mga yun. Tapos pinuna rin namin yung suot ni Adam nung kaduet na niya yung Queen. Napa-"WTH?!" na lang ako sa suot niya. Ang weird kasi. Haha! Tas napuna rin namin na mas bongga yung mga performances ni Adam kesa kay Kris. Parang ang bais na nila. Pero tuwang tuwa talaga kami ni Mary nung inanounce na si Kris yung nanalo. Yehey! Hahaha!
Pagkatapos manuod, ginawa ko na yung paper ko sa Philo 1. Grabe! Ang hirap gawin! Kahit na two pages lang ay ang hirap pa rin magisip. Ang dami kasing pinapagawa. Grrr! Natapos ko yung paper nung gabi na. At nakuha ko na ring magaral para sa finals sa Philo habang gumagawa nung paper. At dahil na naman sa Philo, di ako nakapagaral para sa finals ng Math 114. Binalak ko na lang magaral sa biyernes dahil sobrang haba naman ng break ko.
Tapos ayun, once in a while, pumupunta pa rin ako sa CR. Mas lalong lumala ata yung LBM. Kaya panay ako sa kakainom ng Gatorade. Hahaha!
Tas nung gabi, distracted ako sa American Idol. Pinanuod ko yung 6-8 saka 8-10 na broadcast. Hahaha! Adik lang. Tatlong beses ko tuloy napanuod yung finale. Hahaha!
Pagkattpos ko manuod, natulog na agad ako kasi 7am pa yung exam ko sa susunod na araw.
Sunday, May 24, 2009
Last Week of Summer Classes: Thursday
written by Patrick at 3:46 PM
Labels: American Idol, Mary, Math 114, Philo 1
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment