Saturday, May 9, 2009

Churros con Chocolate

Kaninang umaga, dahil sa wala na namang magawa, sinabi ko sa ate ko na gusto ko gumawa ng pancakes. Tapos sabi niya Churros na lang daw. Kaya ayun, nagsearch ako sa net ng magandang recipe. Madali lang pala gawin yun.

Unang gagawin ay ipainit sa kalan ang mga sumusunod, wag pakuluin:
1 cup water

1/2 cup butter
1/4 teaspoon salt
1 cup all-purpose flour

Tapos parang magiging dough yung itsura. Tanggalin na sa kalan pag ganun. Tapos pag hindi na masyadong mainit, ihalo na yung tatlong itlog. Pag nahalo na mabuti, ilagay na sa
loob ng isang piping bag. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang piping bag, ayun yung ginagamit sa paglalagay ng icing sa cake. Tapos painitin na yung mantika. Tapos maglagay lang ng mga strips gamit yung piping bag sa pan. Tapos bali-baliktarin lang hanggang maging golden brown na yung kulay. At ayun, luto na yun. Hehe.

Tapos gumawa rin yung ate ko ng hot chocolate dahil masarap na kapares yun ng Churros.

Ayun. Ang saya gumawa nun. Nung una kasi, di
ko magawa yung strips, kaya kung ano-anong hugis yung nagagawa ko. Pero nung bandang huli, nagawa ko na rin yung mga strips.

Ayun. Try niyo rin gumawa! Hehe. ^___^

0 comments: