Sunday, May 31, 2009

Feeling Sick and More

Unti-unti na rin akong gumagaling. Kahapon kasi sobrang sama ng pakiramdam ko. Dapat pupunta kami ng Megamall. E sabi ko masama pakiramdam ko. Edi hindi na kami tumuloy. Tas nagkataon naman, konti lang kinain ko sa breakfast. Akala ko kasi maaga kami maglulunch. Tas maya-maya, nalaman ko na lang na sa labas kami maglulunch. Tas sa Friday's daw. Edi ok na ok ako dun. Hihintayin lang namin yung ate ko na dumating. Kaso dumating siya mga past 1 PM na dahil sa sobrang lakas ng ulan. Ayun, nagsisimula nang sumakit ang ulo ko. Ganun kasi ako, pag di or konti ang nakain sa breakfast at di pa ako nakakain pag nagutom na ako, nagkakasakit ako. Kaya ayun, mga 2 PM na kami nakakain. At sa Max's na lang kami kumain kasi mas malapit.

Pagkauwi, natulog na agad ako dahil nga sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Tas ginising na lang ako ni mama nung magsisimba na kami. At pati sa simbahan, wala ako sa sarili ko. Mejo nakatunganga lang ako. Tas nakatulog pa ako nung Homily.

Pagkauwi, ayun, imbes na magpahinga, inayos na namin ni kuya yung PC. Nagloloko na kasi. Akala ni kuya yung motherboard na yung sira. Edi binigay na niya samin yung luma niyang CPU. Ganun pa rin yung problema. Tas kinalas namin yung ibang parts. Tas nageexperiment na lang kami. Tas nung huli, yung power supply lang pala ng CPU yung may sira. Kaya pinagpalit na lang namin yung power supply nung dalawa. Kaya ok na yung PC namin ngayon. Irereformat ko na lang. Ayun, natuwa ako kasi kahit papaano may alam na ako sa mga connections sa loob ng CPU.

Tas kanina naman, pagkagising ko. Mejo ok na ako. Kaya tumuloy na kami sa Megamall. Ayun, nakabili na rin ako sa wakas ng mga DVD's sa St. Francis Square. Hahaha.

Ayun lang.

0 comments: