Friday, May 1, 2009

Summer Classes

Tatlong subjects ang kinukuha ko ngayong summer. Philo 1, ES 11 at Math 114.

Una kong klase ay ang Philo 1, 7-9 AM. Masaya naman yung klaseng ito. Laugh trip palagi. Pero nakakatakot din. Yung prof kasi namin e. Ang style niya kasi ay ganito. Lagi siyang may pinapabasa sa amin. Tas the next day, ineexpect niya na alam na namin ung lesson. Tas ang gagawin niya ay isa-isa kaming tatanungin/gigisain. Hahaha. Grabe lang talaga. Ayun yung nakakatakot e. Lahat kami kinakabahan palagi. Umagang-umaga pa lang ay nasstress na agad kami. Isa-isa niya kasi kaming tatanungin. Tas ang dami pang follow-up questions. Kaya nakakapressure talaga. Tas kamusta naman, tatlo lang kaming lalaki sa klase, tas sampu yung mga babae. Hahaha! Tas ayun, lagi niyang sinasama sa usapan yung mga courses namin. Kunwari yung tanong niya may kinalaman sa pagkain, ang tatanungin niya e yung apat na taga College of Home Economics. Tas kung tungkol naman sa Math, either yung BS Math o kaming tatlong Eng'g. Basta, nakakatakot talaga pag ikaw na yung tinatanong, pero nakakatawa yung mga discussions namin. Kadalasan kasi namimilosopo na yung prof namin. Hahaha!

Pagkatapos nito ay dumederecho na ako sa Eng'g. Tas nageearly lunch na rin ako.

Tas ang susunod kong klase ay ES 11, 9:30-12:50 PM. Masaya rin ang klaseng ito. Si Ma'am Cherry ulit yung prof ko. Tas mas naiintindihan ko na rin yung mga lessons ngayon. Malinaw kasi magturo si Ma'am. Tas ang gara pa magbigay ng partial points sa exam. Ang taas ko tuloy dun sa first long exam. Tuwang-tuwa talaga ako nung araw na iyun. Hehehe.

Pagkatapos nito ay nagiinternet na muna ako sa isang computer shop hanggang mga 2 PM. Tapos punta na ako ng Math Building.

Ang klase ko rito ay Math 114, 3-5 PM. Isa pa itong laugh trip na class. Hahaha! Grabe lang. Everyday may nangyayari talagang nakakatawa. Kagaya nung nangyari nung isang araw. May dinidiscuss kasi si Sir nun. Tas hindi namin maintindihan. Edi nagbigay siya ng example. Ang sabi niya, "If the moon is green, then I am handsome." Tapos si Chet bigla na lang sumigaw with full conviction ng "NO! Fallacy yun!." Nagulat kami bigla. Out of nowhere kasi ay bigla na lang siyang sumigaw. Hahaha! Ayun, tas mas naiintindihan ko rin ung pagtuturo niya kesa dun sa dati kong prof. Mas organized siyang magturo. Hehe.

Pagkatapos nito ay umuuwi na ako agad. Tas pagkauwi ko sa bahay, magnenet muna saglit, tas magaaral na.

At ganito ang ginagawa ko ngayong summer classes. Napakahaggard talaga. Pero sana mapasa ko na lahat ng subjects ko ngayon. ^____^

0 comments: