Buong araw lang akong nasa kama ko at kaharap ang laptop. Hahaha! Dapat kasi manunuod kami nung mga kaibigan ko nung high school ng sine. Kaso di na ako nakasama dahil nga masama ang pakiramdam ko at sinisipon pa ako ng bongga.
Dalawang araw na rin kasi akong pagod. Nung wednesday, sinamahan ko si Reyson sa Divisoria. Bumili siya ng tela para sa uniform niya. Pagkauwi ko, ayun. Sumakit ang ulo ko dahil sa pagod at sobrang kainitan. Tas kahapon naman, pumunta kami ni Rhayne ng UST para bisitahin sina Tincy, Mary at Jeanne. Tas dinalhan ko na rin sila ng cake na binake namin ni Mama. Tas pagkauwi ko, sumasakit na naman yung ulo ko tas sinisipon na rin ako. Kaya sabi ni Mama wag na raw ako umalis ngayon at magpahinga na lang.
Ayun, kaya buong araw, andito lang ako sa kama ko at nanuod na lang ako ng Gossip Girl. Hahaha! Tinapos ko na yung season 2. At sobrang natuwa ako, lalo na sa finale. The best talaga yung finale nun. Hehehe.
Tas grabe din yung sipon ko. Tulo ng tulo. Nakalahati ko na ata yung tissue box dito sa kwarto ko. Hahaha!
Tas panira pa ng araw yung CRS. Nawala kasi yung dalawang subjects na enlisted na sa akin. At di lang pala ako yung nagkaganun. Marami rin pala. Grabe! Napamura ako ng sobra-sobra dun. Nakakainis naman kasi e. Buti na lang naglabas ulit yung CRS ng panibagong announcement. Binalik na nila yung results nung first batch run. Ayun. Mas ok na ako dun.
Hay. Ayan. Ayan lang ang ginawa ko buong araw. Hahaha.
Friday, May 29, 2009
Bum Mode
2 commentsMonday, December 29, 2008
A Day with Old Friends
2 commentsGusto ko lang ikuwento ung mga nangyari sa akin noong December 22-23, 2008.
Nagsimula ang lahat sa isang overnight sa bahay namin. Ang mga dapat pupunta ay sina Kylie, Jansie, Reyson, at Angel. Kaso hindi nakapunta sina Reyson at Angel, kaya tatlo lang kami. Nung una e akala ko ay hindi na tuloy. Hindi naman kasi sila nagrereply. Tapos nung pagabi na e bigla silang nagtext. Kaya natuloy rin. Hindi planado ang overnight na ito kaya hindi namin alam kung anong mga gagawin sa bahay. Kaya nag-DVD marathon na lang kami at konting kwentuhan. Konti lang ang mga napanuod namin. Aalis kasi si Kylie ng madaling araw. May lakad pa raw kasi siya kinabukasan. Mga 2AM na siya umalis at hinatid namin ni Jansie sa sakayan. Buti may mga jeep pa ng ganung oras. Paguwi namin sa bahay ay nanuod na lang kami ng TV hanggang sa makatulog kami.
Kinabukasan, gumising kami ng 8:30AM. Kumain at naligo na kami kasi pupunta pa kami sa SM Megamall at St. Francis Square. Nakipagkita kami kay Reyson sa MRT sa Cubao. Sabay-sabay na kaming pumunta sa Megamall. Pagdating dun ay pumunta muna kami sa St. Francis Square para bumili ng mga DVD. Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa Megamall para kumain. Pagkatapos kumain ay lumibot na lang kami. Kung saan-saan kami pumupunta. May bibilhin kasi sila. Tapos nag-Timezone na rin kami. Nag-Dance Maniax kami ni Jansie. Pagkatapos nun ay nagbasketball naman kami. Tapos ay nakita namin si Reyson dun sa isang laro na maghuhulog ka ng mga piso hanggang malaglag ang mga iba pang piso na naipon na. Nakakaaliw ung laro kaya sumali kami ni Jansie. Ang tagal din naming andun. Nung simula kasi e walang nangyayari. Habang tumatagal ay nahuhulog na rin ung mga piso. Naka-21 na tickets ata kami. Pinapalit namin yung tickets ng tatlong keychain at tatlong HSM3 pocket calendar. Haha. Pagkatapos nun ay nagpapicture kami sa Van Gogh. At pagkatapos nun ay umuwi na kami.
Sobrang naenjoy ko ang araw na ito. Kahit pagod e masaya pa rin. Minsan na lang kasi kami magkita-kita. Sa uulitin. ^_^
Tuesday, October 14, 2008
Last Days
0 commentsIto ung mga nangyari sa akin nung nakaraang linggo:
Monday, October 6:
> 3rd at last long exam namin sa EEE 13. Grabe! Hindi ako masyadong nakapagaral. Binasa ko lang yung mga slides. So kamusta naman ung results nung exam no. Tapos paguwi ko sa bahay, inayos ko pa yung report namin sa Geog1. Grabe! 1AM na ako natulog. At kamusta naman, wala pa akong matinong tulog.
Tuesday, October 7:
> Wala kaming Math54. So nagdecide kami nina Alai, Michaelle at Rhayne na kumain sa Mcdo Philcoa. Swerte namin at free ride ung nasakyan namin. Dumating din sina Jelo at Gens. Tas pagbalik namin sa UP ay swerte pa rin kami dahil free ride na naman ang nasakyan namin. Tas nagreport na kami sa Geog1. Ayos naman. Nag sit-in din pala sa klase namin sina Jelo at Gens dahil wala silang CW10. After ng class ay sinamahan ako nina Alai, Jelo at Gens sa Vinzons Hall para bumili ng lanyard. Tapos dumerecho kami sa Sunken Garden. Naglaro lang kami ng pusoy dos at medyo nagkuwentuhan. Tas dumating sina Frank, Michaelle at Jorge. Nakilaro rin sila samin. Tapos dumerecho na kami sa EEE. May General Assembly kasi ung Circuit. Tas paguwi ko sa bahay, nagaral na ako para sa 5th and last long exam namin sa Math54.
Wednesday, October 8:
> Last day of regular classes na namin. Exam din namin sa Math54. Kamusta naman, habang lec ng EEE 33 e sinasagutan ko yung exercise set na binigay ni sir. Haha. At nagmememorize pa ako ng formulas nun. O diba? Dakilang crammer ako! Hahaha! Tas nagstart na yung exam namin sa Math. So far so good. Tas nung 20 minutes na lang yung natitira, biglang sinabi ni sir, "You may now open your notes." Grabe! Nagulat naman kami dun. Ayun. Buti na lang. May mali pala akong formula. Buti na lang. Haha. Tas after ng exam dumerecho kami sa EEE para gumawa ng MP. At xempre wala pa akong nasisimulan. After a while, naggive up na ako. Di ko talaga alam yung gagawin e. Si Alai din ganun. So kumain na lang kami. Paglabas namin sa EEE, andun sina Gens, Troy at Rosa. Ayun, nakabonding naman namin si Rosa. Ang daldal niya! Hahaha! Tas dumating din si Jelo. So dumerecho kaming lahat sa Katag. Tas nakita namin si Ma'am Kristyl dun. Tas after kumain ay bumalik na kami sa EEE. Pumunta na kami ni Alai at Gens sa tambayan. May meeting kasi yung Awitan group. Pagdating ni Gigi, sinimulan na niya kaming salain. Napunta ako sa Bass. Tas after, pumunta na samin sina Alai, Gens, Kat, ate April, Kuya Fabs at kuya Miko, para magovernight. Kamusta naman yung nangyari samin. Yung iba nagiinternet, yung iba nakatulog na, yung iba nanonood ng Texas Chainsaw Massacre 3, at ako naman ay nanonood ng Heroes Season 3 sa laptop ni kuya Fabs. Hahaha.
Thursday, October 9:
> Ganun pa rin yung nangyayari samin. May nanunuod, may nagiinternet, at may natutulog na. Pagdating ng umaga, nauna nang umalis sina Kat at kuya Miko. Magpapasa pa kasi si Kat ng MP. After ilang hours, umalis na rin kami. Pagdating sa UP, kumain kami sa Rodic's. Tas dumerecho na kami ng tambayan. Saglit lang ako dun. Tas bago ako umuwi, tinignan ko muna yung grade ko sa EEE 34. Ang galing! Naka 1.25 pa ako! Hahaha!
Friday, October 10:
> May make-up class kami sa EEE 33 DC. Sa LC2 kami nagklase dahil ang dami namin. Haha! Tas after nun, kumain kami sa CS. Ang dami namin! Parang reunion lang! Haha! Mga andun: ako, Alai, Kat, Jelo, Rhayne, JE, Greggue, Karlo, Ade, Martin, Jorge at Michaelle. So as usual, naglaro lang kami ng pusoy dos. Haha! Tas isa-isa nang nagalisan. Magkakasama kami nina Karlo, Jelo at Rhayne nung pauwi na. Tas biglang napagusapan yung mga hymns ng bawat school. Ayun. Nagkantahan kami habang naglalakad. Haha! Una si Jelo, tas kami ni Karlo, tas si Rhayne yung huli. Tas naghiwalay na rin kami. Dumerecho kami ni Karlo sa Robinsons Metro East. Nakipagkita siya kay Bossing, at ako naman kay Reyson. Tas dumerecho kami ni Reyson sa bahay namin. Hanggang 9PM siya at umalis na siya.
At ayan ang mga nangyari sakin nung nakaraang linggo. Sorry ang haba.
Monday, September 29, 2008
High School Friends
0 commentsLast night was one of the best nights I had with my high school friends.
Jansie and Reyson (2 of my close friends in Marist), went to my house last night. It was supposedly only Reyson that would come because he was gonna borrow my 3rd year English book. But earlier that day, while I was having my exam in EEE 33, he texted Jansie and asked if he could teach him about Windows Movie Maker. And he also texted me if I could teach him. So I said okay, but I'm not good at it. So when I got home and opened my YM, I received a PM from Jansie. He was asking if Reyson was already here. And I said no and asked him if he would also like to come to my house. He said okay. So later that night, Reyson and Jansie arrived. Jansie was teaching Reyson how to edit videos while I was preparing for my interview the next day. After teaching, Reyson found our yearbook on the table. So he grabbed it and started to flip the pages.
And this was where it all started. Reyson was giving comments on every person he saw. He was telling us stories and updating us with what was happening to them. Jansie was also doing the same. I was really shocked with what happened to our classmates. I didn't thought that they would end up like that. But for some, I wasn't surprised anymore. Then we started reminscing on our high school life. We were enumerating all the memories we had during high school, may it be funny or sad. Gosh. We really miss it, especially our teachers, like Mrs. Garlit and Ma'am Ginnie. And then we started talking about our college lives. On how it was very different from our high school life. We were laughing and talking the whole night. Updating ourselves with the latest happenings with our classmates. It was truly a fun and memorable night.
And at around 11 PM, they left.

