Tuesday, October 14, 2008

Last Days

Ito ung mga nangyari sa akin nung nakaraang linggo:

Monday, October 6:

> 3rd at last long exam namin sa EEE 13. Grabe! Hindi ako masyadong nakapagaral. Binasa ko lang yung mga slides. So kamusta naman ung results nung exam no. Tapos paguwi ko sa bahay, inayos ko pa yung report namin sa Geog1. Grabe! 1AM na ako natulog. At kamusta naman, wala pa akong matinong tulog.

Tuesday, October 7:
> Wala kaming Math54. So nagdecide kami nina Alai,
Michaelle at Rhayne na kumain sa Mcdo Philcoa. Swerte namin at free ride ung nasakyan namin. Dumating din sina Jelo at Gens. Tas pagbalik namin sa UP ay swerte pa rin kami dahil free ride na naman ang nasakyan namin. Tas nagreport na kami sa Geog1. Ayos naman. Nag sit-in din pala sa klase namin sina Jelo at Gens dahil wala silang CW10. After ng class ay sinamahan ako nina Alai, Jelo at Gens sa Vinzons Hall para bumili ng lanyard. Tapos dumerecho kami sa Sunken Garden. Naglaro lang kami ng pusoy dos at medyo nagkuwentuhan. Tas dumating sina Frank, Michaelle at Jorge. Nakilaro rin sila samin. Tapos dumerecho na kami sa EEE. May General Assembly kasi ung Circuit. Tas paguwi ko sa bahay, nagaral na ako para sa 5th and last long exam namin sa Math54.

Wednesday, October 8:

> Last day of regular classes na namin. Exam din namin sa Math54. Kamusta naman, habang lec ng EEE 33 e sinasagutan ko yung exercise set na binigay ni sir. Haha. At nagmememorize pa ako ng formulas nun. O diba? Dakilang crammer ako! Hahaha! Tas nagstart na yung exam namin sa Math. So far so good. Tas nung 20 minutes na lang yung natitira, biglang sinabi ni sir, "You may now open your notes." Grabe! Nagulat naman kami dun. Ayun. Buti na lang. May mali pala akong formula. Buti na lang. Haha. Tas after ng exam dumerecho kami sa EEE para gumawa ng MP. At xempre wala pa akong nasisimulan. After a while, naggive up na ako. Di ko talaga alam yung gagawin e. Si Alai din ganun. So kumain na lang kami. Paglabas namin sa EEE, andun sina Gens, Troy at Rosa. Ayun, nakabonding naman namin si Rosa. Ang daldal niya! Hahaha! Tas dumating din si Jelo. So dumerecho kaming lahat sa Katag. Tas nakita namin si Ma'am Kristyl dun. Tas after kumain ay bumalik na kami sa EEE. Pumunta na kami ni Alai at Gens sa tambayan. May meeting kasi yung Awitan group. Pagdating ni Gigi, sinimulan na niya kaming salain. Napunta ako sa Bass. Tas after, pumunta na samin sina Alai, Gens, Kat, ate April, Kuya Fabs at kuya Miko, para magovernight. Kamusta naman yung nangyari samin. Yung iba nagiinternet, yung iba nakatulog na, yung iba nanonood ng Texas Chainsaw Massacre 3, at ako naman ay nanonood ng Heroes Season 3 sa laptop ni kuya Fabs. Hahaha.

Thursday, October 9:
> Ganun pa rin yung nangyayari samin. May nanunuod, may nagiinternet, at may natutulog na. Pagdating ng umaga, nauna nang umalis sina Kat at kuya Miko. Magpapasa pa kasi si Kat ng MP. After ilang hours, umalis na rin kami. Pagdating sa UP, kumain kami sa Rodic's. Tas dumerecho na kami ng tambayan. Saglit lang ako dun. Tas bago ako umuwi, tinignan ko muna yung grade ko sa EEE 34. Ang galing! Naka 1.25 pa ako! H
ahaha!

Friday, October 10:
> May make-up class kami sa EEE 33 DC. Sa LC2 kami nagklase dahil ang dami namin. Haha! Tas after nun, kumain kami sa CS. Ang dami namin! Para
ng reunion lang! Haha! Mga andun: ako, Alai, Kat, Jelo, Rhayne, JE, Greggue, Karlo, Ade, Martin, Jorge at Michaelle. So as usual, naglaro lang kami ng pusoy dos. Haha! Tas isa-isa nang nagalisan. Magkakasama kami nina Karlo, Jelo at Rhayne nung pauwi na. Tas biglang napagusapan yung mga hymns ng bawat school. Ayun. Nagkantahan kami habang naglalakad. Haha! Una si Jelo, tas kami ni Karlo, tas si Rhayne yung huli. Tas naghiwalay na rin kami. Dumerecho kami ni Karlo sa Robinsons Metro East. Nakipagkita siya kay Bossing, at ako naman kay Reyson. Tas dumerecho kami ni Reyson sa bahay namin. Hanggang 9PM siya at umalis na siya.
At ayan ang mga nangyari sakin nung nakaraang linggo. Sorry ang haba.

0 comments: