Woot!
Natapos na rin ang FR. At masasabi ko namang nagenjoy ako kahit papaano. Siyempre hindi ko maaaring ikwento yung mga nangyari habang FR, kaya ikekwento ko na lang yung mga nangyari pagkatapos.
Mga 3AM na nun. Balak namin ay maligo pagkatapos. Kaso walang tubig. Patak-patak lang yung lumalabas sa gripo. Kaya pinagtiyagaan muna namin yun. Pati mga lababo ay pinatulan na namin. Hahaha! Pagkatapos nun ay nagswimming na kami. Enjoy naman yun. Nag racing kami at nagkaroon din ng "water wars." Hahaha. Pagkatapos nun ay nagbihis na kami. Tapos ay magkekwentuhan dapat kami sa kwarto, kaso kailangan na raw namin magluto ng aming breakfast. Mga 5AM na ata nito. Bale yung iba ay nagluluto at naghihiwa, habang yung iba ay mahimbing na natutulog. Nung una ayos pa yung pagluluto. May gas stove pa kasi nun. Pero nung naubusan na ng gas, naging primitibo kami. Nagsiga kami ng uling tapos dun namin pinatong ung kawali. Hahaha. Nakakatuwa naman ung pagluluto namin.
Pagdating ng 7AM. Nagsialisan na kami. Hindi kami sabay-sabay sa bus kasi halos puno na ung mga dumaraan. Kaya ang mga kasama ko sa bus ay sina Karlo, Denise, at Kaye. Grabe lang talaga. Ang dami kasi naming dala tapos nakatayo pa kami sa bus. Hindi pa air-conditioned at ang bilis pa ng takbo. Naawa nga ako dun sa isang babaeng nakaupo e. Ilang beses kasi namin siya natamaan.
Pagdating naman sa may SM North, pumunta muna kami sa Mcdo. Nagpahinga at kumain na muna kami dun ng breakfast. Hindi kasi kami nakakain ng matino dun sa resort. Nilibre ko rin sila ng hot chocolate. Hehehe. Ayun. Nagbonding kami.
Pagkatapos nun ay nagsiuwian na kami. Si Denise dun na sumakay ng jeep. Tas kaming 3 naman ay dumerecho ng UP. Kami ni Karlo sa Katipunan na pumunta samantalang si Kaye ay bumaba sa may AS.
Paguwi ko sa bahay, naglunch muna ako. Tapos ng internet. Tas habang nagbabasa ng libro, nakatulog na ako. Hahaha. Wala pa kasi akong tulog nun e. Ayun. Hehe.
Thursday, October 23, 2008
Final Rites
written by Patrick at 10:15 PM
Labels: Denise, Karlo, Kaye, UP Circuit
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment