> Kagabi, bago matulog, nagdecide na ako na di na ako magddrop ng ES 12. Ipaglalaban ko hanggang dulo! Haha! Mas gugustuhin ko nang magkasingko kesa naman sa mag-give up ako. Pero sana lang talaga ay tama ang desisyon ko. At sana talaga ay pumasa ako. Kailangan ko nang magaral ng mabuti sa dose! >_<
> Birthday nga pala ngayon ng kuya ko at ni Martin. Happy birthday ulit sa inyo! ^___^ Bongga si Martin! Nanlibre kanina! Yung iba nilibre niya ng pancit canton. Yung iba naman ay fried siomai. Ang sarap talaga pag libre! Salamat ulit Martin! Sayang nga lang at di kami nakapagpicture. Dala ko pa naman yung camera :( Huli na nung naisipan kong magpicture. Nakaalis na kasi yung iba.
> Natapos na rin ang day 1 ng "Hell Week" ng mga apps. At natuwa naman ako sa reaction ng mga mems sa costume ni buddy. Nagustuhan naman nila kahit papaano. Lollipop yung costume niya, kaso mejo nagmukhang polvoron. Haha! At syempre may kasama rin yung lollipop na pinamigay sa mga mems. At natuwa rin ako dahil 100% ang nakuhang grade ni buddy! (dance) Sana yung magustuhan din nila yung mga susunod na costumes ni buddy.
> Uhh. Just a random thought. Feeling ko ok na kami. Pero may limitations. Siguro hanggang dun na lang kami sa hi-hello relationship at maguusap lang kung kinakailangan. Well, that's fine with me. Kaso parang naiilang naman ako ngayon. Parang di ako makapagsalita o makapagreact ng maayos kapaga anjan siya. Ewan ko ba. Ang gulo ko talaga >___<
Tuesday, September 15, 2009
Lollipop
0 commentsMonday, June 29, 2009
Birthday Bash
0 commentsNapakasaya ng mga nangyari nung kaarawan ko.
Nagkita-kita muna kami nung hapon sa FC waiting shed. Kasama sina Alai, Kat, Greggue, Treena, Tina, Loribelle, Frank, JE, Martin, at Dondon. At nang makumpleto na ay dumerecho na kami sa bahay namin. Pagdating sa bahay, andun na pala sina Troy at JM. Naunahan pa nila kami. Haha. Tapos kumain na kami. Habang kumakain, dumating na rin sina Karlo at Julian.
Pagkatapos kumain, nanood muna kami saglit, at nang hindi na masyadong busog, naglaro na kami ng Twister. Sobrang saya ng paglalaro namin. By batch yung ginawa namin, tapos alphabetical pa. Tapos ang pinakabenta talaga dun ay sina Martin at Alai. Yung laro talaga nila yung inabangan namin. Haha! At habang naglalaro, dumating na rin si Kylie.
Pagkatapos, nanuod na kami ng Banana Split. At ayun, tawa lang kami ng tawa. Tapos dumating na rin si Jansie. Pagkatapos manood, umalis na sina Troy at JM.
Tapos, pumunta na kami sa kwarto ko para mag-DVD marathon. American Pie yung pinanood namin. Haha! Pagkatapos manood, naginuman na kami. Galing pa kay Troy yung ininom namin. Sayang di na siya nakasama. Pagkatapos uminom, American Pie 2 naman ang pinanood namin. Tulog na pala yung iba habang nanood kami. Pagkatapos manood, mga 5:30 na ng umaga nun, ay natulog na rin kami.
Nagising ako ng mga 9 ng umaga. Pagtayo ko, natawa na lang ako sa mga naging pwesto ng pagtulog. Sa kama, sina Kat, Julian, at Karlo ay naghati sa 2/3 nung kama, samantalang si Alai ay sinolo yung 1/3. Hahaha! Tapos si Tina naman, sa may computer chair na natulog. Tapos kaming mga nasa sahig ay siksik na siksik. Si Jansie nasa may pintuan nakasandal. Si Martin sinolo yung mga pillows. Si Treena, Greggue, at Loribelle ay kumportable naman sa paghiga. Yung kalahati naman ng katawan nina JE at
Dondon ay nasa ilalim na ng kama. At si Frank naman ay parang nakasiksik na lang sa isang maliit na space. At ako naman ay nasa gitna nina Martin, Treena, at Loribelle. Sobrang nakakatawa talaga yung mga posisyon namin. Hahaha!
Nang nakabangon na ang lahat, nagsimula nang maligo yung iba, habang yung iba naman ay kumakain na ng breakfast. Pagkatapos kumain, di pa rin tapos maligo ang lahat. Kaya nanood pa kami ng Ratatouille. Ay! Ito pa pala! Alam kasi naming matagal maligo si Martin. Kaya nung maliligo na siya, naisipan naming manood na nga nung movie. Tapos nung nangalahati na yung movie, saka lang natapos si Martin. Hahaha! Wala lang. Sobrang tagal lang niya talaga. Haha! Pagkatapos nung movie, natapos na ri
n lahat maligo. Nagayos na lang sila ng saglit at umalis na rin. Mga 3 na pala yun ng hapon.
Ayun, sobrang saya talaga nung 2 araw na iyon. Maraming maraming salamat talaga sa lahat ng bumati at pumunta. You really made my day. ^___^ Hindi ko talaga ito makakalimutan. Salamat ulit! ^___^
P.S.
Salamat nga pala Alai, Loribelle, at Troy sa mga regalo niyo! ^_^
Saturday, June 6, 2009
Enrollment
0 commentsWoot! Finally, enrolled na rin ako! And for the first time, natapos agad ako sa enrollment ko. Dati kasi, pasukan na ay di pa rin ako tapos. Pero grabe pa rin yung dinanas ko nitong nakaraang tatlong araw.
Day 1, wednesday:
Ito yung first day of enrollment. Dumerecho na muna ako sa Eng'g para tignan kung elige ako. Feeling ko kasi noon ay magiging inelige ako. At ayun nga ang nangyari, inelige ako. Kaya inayos ko na agad yun. Buti na lang maaga ako pumunta, at least nasa unahan ako ng pila. Pagkatapos ko maayos yun, pumunta na ako sa EEE kasama sina Alai, Karlo at Krisel para kunin ang mga form 5 at 5a namin.
Tapos kinelangan ko pang magprerog sa EEE 13. Kaso puno na lahat ng slots. Kaya sinubukin kong hanapin si sir Guinto. Kaso tuwing sabado lang pala siya nasa EEE. Kaya pinuntahan ko si ate Mimi ng admin para humingi ng tulong. Inemail niya si sir Guinto at balikan ko na lang raw bukas. Kaya wala na akong ibang nagawa nung araw na ito. Sinamahan ko na lang sina Greggue, Karlo, Eman, Troy at Bossing sa Eng'g habang hinihintay nila yung results ng ES 12.
Day 2, thursday:
Ito na yung pinakawalang kwentang araw ng enrollment. Dumerecho agad ako sa EEE para malaman kung nagreply na si sir Guinto. Kaso di pa rin nagrereply. Kaya nagantay muna ako saglit sa EEE. Tapos nakita ko si Lori, kulang pa pala siya ng ES 12. Kaya sinamahan ko na muna siya sa Eng'g. Pagdating doon, nakita namin sina Greggue, Karlo, at Gens. Nagusap-usap muna kami saglit. Tapos balak pa sana namin ni Lori na magprerog sa GE 1. Kaso di na pala pwede. Tapos bigla na lang nagbrownout.
Bumalik na muna kami ni Lori sa EEE. Habang papunta kami dun, nagulat na lang kami sa nakita namin sa may MSI. Halos lahat nung mga malalaking puno ay natumba. Tas may isang puno na sumabit sa mga cable ng kuryente. Kaya siguro nagbrownout. Parang may dumaan na ipo-ipo e. At tama pala kami, may ipo-ipo ngang dumaan. Kaya pala sobrang laki ng nagawang damage. Pagdating namin sa EEE, lahat ng tao nasa labas. Wala kasing kuryente sa loob. Kaya nagstay na muna kami ni Lori doon.
Tas maya-maya, nakita ko si kuya Randy, yung isa pang prof ng EEE 13. Kaya nilapitan ko siya agad para matanong kung pwede ako magprerog. Sabi niya titignan pa niya at balikan ko na lang daw siya bukas. At ayun, mejo nabuhayan na ako nun. Kasi nga may dalawa na akong options. Kaya ayun lang yung nagawa kong may sense nung araw na iyon.
Tas naglunch kami ni Lori sa Casaa. Tas dumerecho na siya sa dorm. At ako nama'y pinuntahan sina Rhayne sa Eng'g. Mag GE hunt na sana kami, kaso pagdating namin sa AS, sinabihan kami ng guard na suspended na nga raw yung enrollment. Kaya ayun, wala na naman kaming napala sa araw na ito.
Day 3, Friday:
Ito yung pinakasuccessful kong araw. Pagdating ko sa EEE, hindi pa nagsisimula yung enrollment. Kaya naghintay muna ako. Tas maya-maya ay dumating sina Rhayne at Jelo. Nagusap lang saglit, tas nung pwede na magenroll, naghiwa-hiwalay na kami. Pinuntahan ko agad si sir Randy. At ayun, pinayagan niya akong magprerog! Yehey!
Tas sumama muna ako kina Rhayne, Karlo, Lori, Wes at Bosing na mag GE hunt. Kaso wala rin kaming nakita. Kaya bumalik na muna kami sa EEE. Nagpavalidate na muna ako. Tas nung nakita ko sina Rhayne at Wes, nakapagprerog na rin sila sa EEE 21. Kaya ok na rin sila.
Naglunch na muna kami. At pagkatapos nun, nagpa-assess na ako at pumunta na ng OUR para magbayad. Mahaba yung pila, pero mabilis naman gumalaw. Kaya ayun, nakapagbayad na ako at natapos na rin ako sa enrollment!
Grabe. Tuwang-tuwa ako dahil natapos na rin ako sa paghihirap ng enrollment ^_^
Saturday, March 28, 2009
Timezone
6 commentsSa mga nakalipas na araw, halos lagi na akong nasa Techno Hub tuwing pagkatapos ng klase o exam para kumain sa KFC at maglaro sa Timezone.
Nung tuesday, may klase dapat kami sa EEE 23 Lec. Kaso nilipat sa wednesday. Kaya kumain kami nina Jelo, Greggue, Loribelle, Dondon, Michaelle at Jorge sa Tree House. Pagkatapos kumain ay dapat uuwi na kami. Kaso biglang nagkayayaan. Kaya nagpunta kami sa Timezone. Si Greggue ay di na nakasama dahil may klase pa siya. Pagdating namin doon, naglaro kami agad. Sina Michaelle at Jorge ay nag-karaoke. Samantala kami nina Jelo at Dondon ay naglaro ng basketball at DDR. Si Lori naman ay naglaro rin. Kaso di ko na alam kung ano yung mga nalaro niya. Ang galing naming CR buddies. Habang tumatagal e nag-iimprove na kami sa DDR. Kahit saglit lang kami dun e sobrang saya. Pagod na pagod kami saka tumutulo na yung mga pawis namin.
Nung wednesday naman, may exam kami sa EEE 23 mula 1 PM hanggang 4 PM. Pagkatapos ng exam, bigla na lang ulit nagkayayaan. Sa Techno Hub na naman. Mga kasama ko nun ay sina Jelo, Greggue, Lori, Michaelle, Jorge, Dondon, at Gens. Kumain muna kami sa KFC. Tapos nagbaraha saglit. Pagkatapos ay dumerecho na kami sa Timezone. At kagaya ng dati, naglaro ulit kami ng bonggang bongga. Nagbasketball, DDR, Dance Maniax, Air Hockey, at marami pang iba. Si Greggue e sobrang galing sa basketball. Ang tataas ng scores. Tapos kami namang CR buddies ay todo ang improvement sa DDR. From light, triny na namin ung standard. Tapos imbes na 4 steps e 5 steps na. Ang galing talaga. At as usual, pagod na pagod kami at basang basa sa pawis. Pero sobrang saya talaga nun.
At kanina ang pinaka-latest kong punta run. Kasama ko sina Jelo, Greggue, Dondon at Karlo. Pagkatapos ng finals namin sa Math 55 ay pumunta muna kami sa Eng'g Lib II para samahan sina Wes at Troy. Titignan kasi nila kung exempted ba sila sa EEE 35 finals. Pagkatapos ay nagpunta naman kami sa Eng'g para asikasuhin naman ang ES 11. At pagkatapos ng lahat ng ito ay dumerecho na kami sa Techno Hub. Kumain muna kami sa KFC, naglaro ng baraha at nagpalipas muna ng oras. 12 NN kasi nagbubukas yung Timezone. Pagdating ng 12 ay dumerecho na kami run. Naglaro kami ng basketball, DDR, Dance Maniax, Tekken 6, Drum Mania at kumanta. Hindi masyadong pinalad kaming CR buddies sa DDR. Hindi ko alam kung bakit, pero halos lagi na kaming namamatay. Di na kami masyadong makakumpleto ng kanta. Nakakalungkot lang. Hay. Pero anyway, ayun, super saya pa rin. At as usual ay pagod na pagod kami at basang basa ng pawis. Hahaha.
Ayun. Grabe. Sobrang saya talaga. Sana madalas pa rin itong mangyayari. Ang saya kasi e. At nakakabond ko pa sila ng bonggang bongga. Kaya sana talaga e maulit ito. Salamat talaga sa inyo guys! ^_^
Sunday, February 15, 2009
Valentine's Day
2 commentsNagsimula ang lahat sa date namin kay Math 55. Hahaha. Date talaga e no? Hahaha. Ayun. Nakabawi naman ako sa exam na ito. Halos lahat e nasagot ko at kampante ako sa mga sagot ko.
Pagkatapos nun ay nagkita-kita kaming G11, ako, Jelo, Alai, Rhayne, Karlo, Kat, at pati na rin si Lori ay kasama. Nagplano kasi kami ng isang group date. Nung una e hindi pa namin alam kung saan kami kakain. Tapos nag-suggest si Kat na sa Flaming Wings na lang sa Katips. Lahat kami pumayag kaya dun na lang kami kumain. Grabe! Ang sarap dun! Tenders yung inorder naming lahat. At sobrang sarap nun. Sina Kat at Rhayne e ung pinakamaanghang ang inorder. Samantala kami e ung original lang. Tas pinatikim sa akin ni Kat ung Tenders niya. Grabe! Ang anghang! Kaya pala ganun na lang ang reaksyon nila. Hahaha! Pagkatapos ay nagorder naman kami ng dessert. Wicked Oreo ang inorder namin. At sobrang sarap din nun! May vanilla ice cream sa gitna tas may tatlong oreo cookies na may coating na pancake mix ata. Basta ang sarap nun! Nirerecommend ko talaga ang Flaming Wings. Tapos ayun, kwentuhan at picture-picture. Ang saya talaga.
Pagkatapos nun ay nagsiuwian na kami. Sina Kat, Lori at Alai ay bumalik ng UP. Sina Jelo at Rhayne ay sa LRT na dumerecho. Tapos sumabay na ako kay Karlo dahil pupunta pa ako ng SM Marikina dahil andun sina Mama. Tapos ayun, binilhan ako ni Mama ng bagong sapatos at cellphone. Kaya tuwang-tuwa ako. Hehehe. Salamat Mama! ^^,
Ito na so far ang best Valentine's Day ko. Maraming maraming salamat talaga sa lahat for making my day a very memorable one. ^^,
Saturday, November 22, 2008
Second Sem
4 commentsTwo weeks have already past since the first day of classes. And now I'm getting used to with my schedule. And here's what I think would be my routine for the rest of the sem.
On mondays, I would meet with Greggue at around 7:30 in the morning to compare answers with the exercises given on ES 11. After the ES11 Lab, I would go to Rodic's to have lunch with Greggue, Alai, Rhayne, and Eman. After lunch, it's either I would stay in UP for a while, or go home already.
On tuesdays, I would leave my Art Stud 1 class 15 minutes before time, and run to the Math Building. After our Math 55 class, I would eat lunch at CS or wherever with Greggue, Jelo, Rhayne, Alai, Kyle, Loribelle, Wes, Michaelle, and Jorge. Then after our EEE 23 Lec, Michaelle and I would meet and hang around in UP while waiting for Jorge to finish his class.
On wednesdays, I would usually arrive an hour early for our ES 11 Lec. I would then reserve seats for Greggue, Martin, Eman, Rhayne, Dondon, and Gens. I would also bring my jacket just in case I can't take the cold temperature at our Math 114 classroom. After our Math 114 class, I would eat at the CS Canteen. After that, it's either I'll be with Jelo, Greggue and Loribelle, or I would just go the the library and read a book or study while waiting for our EEE 23 DC. After our class, I would either wait in the tambayan for our Awitan rehearsal, or I would go directly to the College of Music.
On thursdays, it would be the same as my tuesday schedule. The difference is that after our EEE 23 Lec, it's either I would go home already, or go to UST with Jelo or by myself to meet someone.
On fridays, it would also be the same as my wednesday schedule. But the difference is that I don't have a EEE 23 class in the afternoon. So I would either go to the tambayan and wait for the rehearsals, or sit-in in Greggue's class, or go to the library to read a book or study, or go directly to the College of Music and wait there.
And on saturdays, after our CWTS Mil Sci 2 class, it's either we would eat at Mcdo Philcoa and hang around til the afternoon, or eat somewhere else in UP, like in Molave, and also hang around til the afternoon.
So that's pretty much what my routine would be for the rest of the sem.

