Napakasaya ng mga nangyari nung kaarawan ko.
Nagkita-kita muna kami nung hapon sa FC waiting shed. Kasama sina Alai, Kat, Greggue, Treena, Tina, Loribelle, Frank, JE, Martin, at Dondon. At nang makumpleto na ay dumerecho na kami sa bahay namin. Pagdating sa bahay, andun na pala sina Troy at JM. Naunahan pa nila kami. Haha. Tapos kumain na kami. Habang kumakain, dumating na rin sina Karlo at Julian.
Pagkatapos kumain, nanood muna kami saglit, at nang hindi na masyadong busog, naglaro na kami ng Twister. Sobrang saya ng paglalaro namin. By batch yung ginawa namin, tapos alphabetical pa. Tapos ang pinakabenta talaga dun ay sina Martin at Alai. Yung laro talaga nila yung inabangan namin. Haha! At habang naglalaro, dumating na rin si Kylie.
Pagkatapos, nanuod na kami ng Banana Split. At ayun, tawa lang kami ng tawa. Tapos dumating na rin si Jansie. Pagkatapos manood, umalis na sina Troy at JM.
Tapos, pumunta na kami sa kwarto ko para mag-DVD marathon. American Pie yung pinanood namin. Haha! Pagkatapos manood, naginuman na kami. Galing pa kay Troy yung ininom namin. Sayang di na siya nakasama. Pagkatapos uminom, American Pie 2 naman ang pinanood namin. Tulog na pala yung iba habang nanood kami. Pagkatapos manood, mga 5:30 na ng umaga nun, ay natulog na rin kami.
Nagising ako ng mga 9 ng umaga. Pagtayo ko, natawa na lang ako sa mga naging pwesto ng pagtulog. Sa kama, sina Kat, Julian, at Karlo ay naghati sa 2/3 nung kama, samantalang si Alai ay sinolo yung 1/3. Hahaha! Tapos si Tina naman, sa may computer chair na natulog. Tapos kaming mga nasa sahig ay siksik na siksik. Si Jansie nasa may pintuan nakasandal. Si Martin sinolo yung mga pillows. Si Treena, Greggue, at Loribelle ay kumportable naman sa paghiga. Yung kalahati naman ng katawan nina JE at
Dondon ay nasa ilalim na ng kama. At si Frank naman ay parang nakasiksik na lang sa isang maliit na space. At ako naman ay nasa gitna nina Martin, Treena, at Loribelle. Sobrang nakakatawa talaga yung mga posisyon namin. Hahaha!
Nang nakabangon na ang lahat, nagsimula nang maligo yung iba, habang yung iba naman ay kumakain na ng breakfast. Pagkatapos kumain, di pa rin tapos maligo ang lahat. Kaya nanood pa kami ng Ratatouille. Ay! Ito pa pala! Alam kasi naming matagal maligo si Martin. Kaya nung maliligo na siya, naisipan naming manood na nga nung movie. Tapos nung nangalahati na yung movie, saka lang natapos si Martin. Hahaha! Wala lang. Sobrang tagal lang niya talaga. Haha! Pagkatapos nung movie, natapos na ri
n lahat maligo. Nagayos na lang sila ng saglit at umalis na rin. Mga 3 na pala yun ng hapon.
Ayun, sobrang saya talaga nung 2 araw na iyon. Maraming maraming salamat talaga sa lahat ng bumati at pumunta. You really made my day. ^___^ Hindi ko talaga ito makakalimutan. Salamat ulit! ^___^
P.S.
Salamat nga pala Alai, Loribelle, at Troy sa mga regalo niyo! ^_^
Monday, June 29, 2009
Birthday Bash
0 commentsSaturday, November 15, 2008
Two Weeks Notice
0 commentsHindi ko alam kung appropriate ba or kung tama ba ung title ng post ko ngayon.
Ang tagal ko na pa lang hindi nauupdate ung blog ko. Anyway, ito ung mga nangyari sa akin for the past two weeks.
Grabe lang yung enrollment period. Super hagard! Akyat-baba ako ng EEE Building. Inaabangan pa namin si sir Roxas para makapag pre-rog sa kanya sa EEE 23. From EEE Building, pumunta ako ng FC, tapos sa CAL, para lang macancel yung isa kong GE. Pabalik-balik pa ako sa PNB at AS para makachempo ng maiksing pila para makapagbayad na ng tuition fee.
Noong November 9, 2008 naman, birthday ni Kat at EK Day namin! Grabe! Super saya talaga nito. Isa ito sa mga hindi ko makakalimutang bonding moments with G11. Maraming salamat din kay Ma'am Kristyl, dahil kung wala siya, hindi ito matutuloy. Mga kasama pala nun ay ako, Kat, Alai, Jelo, JE, Greggue, Jorge, Michaelle, Frank, Rosa, Troy, Karlo, Marvin at Ma'am Kristyl.


Natapos na rin ang first week of classes namin. Okay naman. Expected ko na na ganun yung mga mangyayari. Bahala na lang talaga. Saka goodluck na lang sakin sa schedule ko with Art Stud 1 at Math 55. Goodluck sa aking studies. Magsisipag na talaga ako ngayong sem. Promise ko yun sa sarili ko.
Tas kahapon, pumunta kami nina Rhayne, Karlo, at Greggue sa Recto para bumili ng mga libro. Hahaha! Ang hirap kasi hanapin nung mga libro namin e. Kaya dun pa kami dumayo. Ayun. Enjoy naman. Hahaha! Sobrang nakakapagod nga lang. Lakad galore kasi. Hahaha.
Tas kanina CWTS namin. Ayun. Hiwahiwalay kami ng mga grupo. Ok naman ako sa grupo ko, andun kasi siya. Hahaha. Sana lang talaga ay maenjoy ko ang CWTS na to. Sana makasundo ko lahat ng mga kagrupo ko. At sana lagi kaming (with blockmates) kakain sa labas after ng CWTS. Parang nung 1st sem lang.

