Saturday, June 6, 2009

Enrollment

Woot! Finally, enrolled na rin ako! And for the first time, natapos agad ako sa enrollment ko. Dati kasi, pasukan na ay di pa rin ako tapos. Pero grabe pa rin yung dinanas ko nitong nakaraang tatlong araw.

Day 1, wednesday:
Ito yung first day of enrollment. Dumerecho na muna ako sa Eng'g para tignan kung elige ako. Feeling ko kasi noon ay magiging inelige ako. At ayun nga ang nangyari, inelige ako. Kaya inayos ko na agad yun. Buti na lang maaga ako pumunta, at least nasa unahan ako ng pila. Pagkatapos ko maayos yun, pumunta na ako sa EEE kasama sina Alai, Karlo at Krisel para kunin ang mga form 5 at 5a namin.

Tapos kinelangan ko pang magprerog sa EEE 13. Kaso puno na lahat ng slots. Kaya sinubukin kong hanapin si sir Guinto. Kaso tuwing sabado lang pala siya nasa EEE. Kaya pinuntahan ko si ate Mimi ng admin para humingi ng tulong. Inemail niya si sir Guinto at balikan ko na lang raw bukas. Kaya wala na akong ibang nagawa nung araw na ito. Sinamahan ko na lang sina Greggue, Karlo, Eman, Troy at Bossing sa Eng'g habang hinihintay nila yung results ng ES 12.

Day 2, thursday:
Ito na yung pinakawalang kwentang araw ng enrollment. Dumerecho agad ako sa EEE para malaman kung nagreply na si sir Guinto. Kaso di pa rin nagrereply. Kaya nagantay muna ako saglit sa EEE. Tapos nakita ko si Lori, kulang pa pala siya ng ES 12. Kaya sinamahan ko na muna siya sa Eng'g. Pagdating doon, nakita namin sina Greggue, Karlo, at Gens. Nagusap-usap muna kami saglit. Tapos balak pa sana namin ni Lori na magprerog sa GE 1. Kaso di na pala pwede. Tapos bigla na lang nagbrownout.

Bumalik na muna kami ni Lori sa EEE. Habang papunta kami dun, nagulat na lang kami sa nakita namin sa may MSI. Halos lahat nung mga malalaking puno ay natumba. Tas may isang puno na sumabit sa mga cable ng kuryente. Kaya siguro nagbrownout. Parang may dumaan na ipo-ipo e. At tama pala kami, may ipo-ipo ngang dumaan. Kaya pala sobrang laki ng nagawang damage. Pagdating namin sa EEE, lahat ng tao nasa labas. Wala kasing kuryente sa loob. Kaya nagstay na muna kami ni Lori doon.

Tas maya-maya, nakita ko si kuya Randy, yung isa pang prof ng EEE 13. Kaya nilapitan ko siya agad para matanong kung pwede ako magprerog. Sabi niya titignan pa niya at balikan ko na lang daw siya bukas. At ayun, mejo nabuhayan na ako nun. Kasi nga may dalawa na akong options. Kaya ayun lang yung nagawa kong may sense nung araw na iyon.

Tas naglunch kami ni Lori sa Casaa. Tas dumerecho na siya sa dorm. At ako nama'y pinuntahan sina Rhayne sa Eng'g. Mag GE hunt na sana kami, kaso pagdating namin sa AS, sinabihan kami ng guard na suspended na nga raw yung enrollment. Kaya ayun, wala na naman kaming napala sa araw na ito.

Day 3, Friday:
Ito yung pinakasuccessful kong araw. Pagdating ko sa EEE, hindi pa nagsisimula yung enrollment. Kaya naghintay muna ako. Tas maya-maya ay dumating sina Rhayne at Jelo. Nagusap lang saglit, tas nung pwede na magenroll, naghiwa-hiwalay na kami. Pinuntahan ko agad si sir Randy. At ayun, pinayagan niya akong magprerog! Yehey!

Tas sumama muna ako kina Rhayne, Karlo, Lori, Wes at Bosing na mag GE hunt. Kaso wala rin kaming nakita. Kaya bumalik na muna kami sa EEE. Nagpavalidate na muna ako. Tas nung nakita ko sina Rhayne at Wes, nakapagprerog na rin sila sa EEE 21. Kaya ok na rin sila.

Naglunch na muna kami. At pagkatapos nun, nagpa-assess na ako at pumunta na ng OUR para magbayad. Mahaba yung pila, pero mabilis naman gumalaw. Kaya ayun, nakapagbayad na ako at natapos na rin ako sa enrollment!

Grabe. Tuwang-tuwa ako dahil natapos na rin ako sa paghihirap ng enrollment ^_^

0 comments: