Sunday, June 21, 2009

First Week of Classes

Unang linggo pa lang ng pasukan, at sobrang haggard na agad.

Tuesday:
Ito yung pinakawalang kwentang araw! Dalawa na nga lang yung pasok ko sa araw na ito, pareho pang di pumasok yung prof. Nakakainis talaga. Una kong klase yung ES 12. Kaklase ko rito sina Alai, Kat, at Lorr. 8:30 ng umaga ang klase namin. Naghintay kami hanggang 10. Kaya umalis na kami at nagpaphotocopy ng mga form 5 namin para sa renewal. Tapos pumunta muna kami sa tambayan, tapos kumain sa LKB. Kasama na namin nun sina Gens at Chet. Pagdating ng hapon, EEE 25 na. At hindi kami sinipot nung prof namin. Kaya umalis na kami. Kasama ko na nun sina Greggue at Martin. Hinatid namin si Greggue sa kanyang klase. Tapos mineet naman namin si Mykel sa Eng'g. Nilibre ko sila sa Eng'g Cafe. Mejo nagtagal din kami dun. At pagkatapos ay umuwi na ako.

Wednesday:
Una kong klase ay EEE 25 DC. Kaklase ko rito sina Lorr, John, Ade, Marvin, Wilson, at Liya. Ayun, ang saya nung klase na ito. At ang pangunahing dahilan ay ang prof namin na si sir Snap. Ang bibo kasi. Ang kulit. Hahaha! Sobrang enjoy talaga. Pagkatapos nito ay EEE 33 naman. Ayun, mejo nakakahiya kasi puro 08 na ang mga kasama namin. Pero marami rin namang 07, pero nakakahiya pa rin. Hehe. Tapos kumain kami sa CS. Tapos nagklase na sa EEE 21. Maaga kaming dinismiss. Kasama kong umalis sina Greggue at Martin. Dapat tatambay kami sa Sampa, kaso di na natuloy. Kaya dumerecho na ako sa gym kasi may PE pa ako na Taekwondo. Ako yung unang dumating dun. Tapos may dumating na babae. Ayun, naging instant friends kami. Grabe! Ang daldal niya! Hahaha. Tapos may dumating pang isang lalaki na tumabi sa amin. Naging instant friend ko rin siya. Ayun, matagal-tagal din kaming nagdaldalan. Tapos dumating na yung prof namin, si sir Mats. Tapos brinief niya kami sa mga gagawin namin. Tapos tinawag niya yung lahat ng may experience ng Taekwondo. May isang babae sa kanila na kamukha ni Anna kapag naka side view. Hahaha. Wala lang. Tapos black belter pa pala siya. Kaya nagulat kaming lahat. Pagkatapos nun, pinatayo kaming lahat sa gitna at nagturo na siya. Ang saya. Haha. Tapos umuwi na ako.

Thursday:
Grabe itong araw na ito. Maaga akong dumating sa Katips, mga 7:30. Pagdating ko, traffic! Walang jeep! Tapos may pila! Kaya pumila agad ako. Di pa masyadong mahaba yung pila pagdating ko. Pagkatapos ng ilang sandali, tumingin ako sa likod. Grabe! Sobrang haba na pala ng pila! Ang tagal naming naghintay ng jeep. Mga 8 na ata ako nakasakay nun. Tapos dahil sa sobrang traffic, 8:30 na ako nakarating sa class ko. Buti na lang wala pa yung prof. Tapos maya-maya, may pumasok na prof. Ang sabi sa amin, di raw namin yun room. Edi pumunta kami sa ES Dept para magtanong. Hindi raw nila alam. Pumunta naman kami sa ME Dept. Andun pala yung prof namin. Naghanap siya ng bakanteng room. At napunta kami sa 5th floor. Edi nagturo na siya. Tapos pagdating ng 10, ang dami nang tao sa labas. Kaya nagtanong siya sa mga nasa labas, may klase pala sila dun ng 10. Kaya tinapos na agad ni sir yung discussion. Tapos next week raw, papalayasin daw niya yung klase sa orihinal naming room. Hahaha! Tapos EEE 33 DC naman. Ayun, ang saya! Nakakatuwa yung prof namin. Feeling ko talaga maeenjoy ko yung class na yun. Hehe. Tapos kumain na kami. Tapos nagklase na sa EEE 25. At pagkatapos, tinulungan ako ni Rhayne na maginstall ng Ubuntu sa laptop ko. Mejo nagtagal din kami. At nung natapos na, umalis na siya, at ako nama'y tumambay pa dahil may GA pa kami. At pagkatapos nung GA ay umuwi na ako.

Friday:
Una kong klase ay EEE 25 DC. Kaklase ko naman rito sina Lorr, Jorge, Marvin, at Liya. Pagkatapos nito ay EEE 33 naman. Tapos kumain kami sa CS. Maaga kami natapos kumain, kaya pumunta muna kami sa tambayan. Naglaro kami ng Pictionary. Hahaha! Sobrang saya namin nun. Tapos nag EEE 25 na. Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa tambayan at nakiepal sa mga freshies. Hahaha. Pinaglaro rin namin sila ng Pictionary. Sobrang saya. Haha! Tapos nakakatawa pa yung mga freshies. Yung isa pa sa kanila, Jan Di yung nickname. Kamusta naman yun diba? Hahaha! Tapos nag EEE 13 na kami. Kaklase ko rito sina Lorr, Greggue, Joan, Anna, at Wilson. Nagdiscuss na rin agad yung prof. Tapos bueno mano pa ako sa recitation. Di tuloy ako nakasagot. Bigla na lang kasi akong tinawag. Pagkatapos ng klase, sinamahan ko muna si Greggue sa Sampa. Tinulungan ko siyang maginstall ng Ubuntu. At pagkatapos nun ay umuwi na ako.

0 comments: