Thursday, June 11, 2009

Summer Vacation: Extended

Pasukan na dapat namin nung tuesday. Kaso inurong sa susunod na linggo dahil sa banta ng A(H1N1).

Nung monday, pumunta ako ng UP kasi wala naman akong gagawin nun sa bahay. Tapos na ako magenroll nun, pero sinubukin ko pa ring kumuha ng PE. At sa kabutihang palad, nakakuha ako ng Taekwondo. Wala masyadong tao nun sa gym, kaya derecho agad ako sa loob para magprerog. At buti na lang marami pang slots sa Taekwondo. Pagkatapos ay naglunch kami nina Greggue, Michaelle at Jorge sa Mcdo Philcoa. Pagkatapos ay bumalik na kami sa UP. Si Greggue ay dumerecho na sa EEE, si Jorge naman ay umuwi na ata sa boarding house niya, at sinamahan naman ako ni Michaelle sa OUR para bayaran ang aking add mat na PE. At ayun ang mga nangyari nung araw na iyun.

Nung tuesday naman, nanood kami nina mama at papa ng Drag Me to Hell. Grabe! Ang corny talaga nun. Ok naman yung story. Nagustuhan ko naman. Tapos pagdating sa ending, wala na. Nakakainis na. Ang pangit na. Sobrang corny nung ending. Haha.

At kahapon, nung umaga, nag-bake kami ni mama. Tinulungan niya ako gumawa ng New York Cheesecake. Tapos siya naman ay gumawa ng refrigerator cake. Ayun, naenjoy ko naman yung paggawa ng cheesecake. Matrabaho nga lang saka time consuming. Kaso nung naluto na at tinikman na namin, nadisappoint kami. Ang pangit nung lasa, di lasang cheesecake. Sabi ni mama parang chupipay na recipe lang daw yung andun sa recipe book. Hay. Sayang.

Tas nung hapon naman, ginanahan akong ayusing ang aking kwarto. Haha. Sa wakas at nalinis ko na rin yung kwarto ko. At narearrange ko na rin. Hehe. Ayun, mas maluwag na ngayon ang space sa gitna.

At kagabi pala, dahil kay Tincy, ay naadik na ako sa www.omgpop.com. Isa itong website na puro games ang laman. Tapos pwede mong makalaro yung mga kaibigan mo. Ayun lang yung ginawa ko buong gabi. Kalaro ko nun sina Tincy at Rhayne sa Gemmers. Grabe! Sobrang sakit nung kamay ko kagabi sa kakapindot. Haha.

Tinatapos ko na rin palang basahin yung Harry Potter and the Deathly Hallows. Grabe pala, after two years, ngayong ko na lang ulit yun babasahin. Haha. Sana matapos ko na to bago pa magpasukan.

Sige, ayun na lang muna, magbabasa na ulit ako.

0 comments: