Saturday, September 26, 2009
Joe's Birthday
1 commentsTuesday, September 1, 2009
Random Thoughts
5 commentsGrabe! Ang tagal ko nang di nakakapagkwento rito. Sobrang busy kasi e >__<
Anyway, san nga ba ako magsisimula? Hahaha!
Hmm...
> Last thursday ay ang aming pangatlong swEEEts day. Una naming ginawa ay magpakalunod sa desserts sa Chateau Verde. Ang sasarap talaga! Nabusog kami dun e. Tapos naisipan naming magisaw sa tapa ng College of Law. Pagkatapos ng first round ng isaw, nakulangan pa kami, kaya nilibre ko na lang yung second round. Haha! Ayun, sobrang busog namin nung hapon na iyon.
> Pagkatapos ng exam namin sa EEE 13 nung sabado, nag-gate crash kami nina Alai, Joe, Joan, kuya Rolf at kuya Cocoy sa NostalgYIA. Parang farewell party ata yun sa Yia Hall. Gigibain na kasi ito para tayuan ng bagong gusali. Ayun, ang saya. May mga foods pang natira pagdating namin. At kamusta naman, puro profs ang nandun! Hahaha! Kakapiranggot lang yung mga estudyante. Tapos tinour din kami dun sa dapat na EEE 44 lab. Ayun, ang cool lang nung mga nangyari. Hehe.
> Ang saya rin ng UPCAT ng mga apps kahapon. Hahaha! Nakakatuwa talaga. Ang kulit pa nung pinagawa namin sa station namin. Dahil fin station yun, ang task nila ay magbenta ng isang paper clip kahit kanino. Piso lang naman. Ayun, yung iba magaling dumiskarte, yung iba hindi. Wala lang. Naenjoy namin ng bongga ni AJ yung mga oras na yun, lalo na siya. Hahaha!
> Kinakabahan talaga ako sa EEE 25. Di ko alam kung babagsak ba ako o hindi. Nahihirapan talaga ako e. Di ko masyadong gets yung mga lessons. Di ko tuloy alam kung tama ba yung mga pinaggagagawa ko kahapon sa exam >__<
> Nahihirapan na rin ako sa EEE 13. Pinagiisipan ko na tuloy kung iddrop ko ba o hindi. Sina Lorr, Anna at Lei kasi ay nagdrop na. Si Alai naman pinagiisipan din niya. Ako naman kasi, kaya ko naman kasi yung lec. Ang lab ang problema ko. Nahihirapan kasi talaga ako sa MP. Obviously di ko yun matatapos. Kaya kinakabahan ako kung papasa ba ako o hindi. Nanghihinayang din akong idrop kasi sayang naman yung lahat ng pinaghirapan ko. At saka, second take ko na kasi ito e. Tapos iddrop ko pa? Haaay >___<
> Haaay. Pasensya na kung may mga times na ang emo ko sa plurk. Bumabalik lang kasi ako sa pagkainis sa kanya. Feeling ko kasi balik ulit kami sa hindi pagpansinan. At naiinis na talaga ako. May pride pa kasing nalalaman e. Ang sabi sa akin kanina ni Alai, ako na lang yung unang lumapit. Ang sa akin naman kasi, napapagod na ako. Ako na lang lagi ang gumagawa ng paraan. Ako na lang lagi ang unang lumalapit. Di man lang siya mageffort. Kung ayaw niya, edi wag.
> Naguguluhan din ako sa mga nararamdaman ko para sa kanya. Saka di rin ako consistent sa kanya. May mga times na ang sarap ng paguusap namin, may mga times na hindi, at may mga times na di kami nakakapagusap. Ayun, may nagsasabi sa isipan ko na ligawan ko na siya. Kaso, wala akong alam. At natatakot ako. Feeling ko naman e wala ring mangyayari sa amin. Hanggang sa pagiging friends lang. Haaay. Di ko na talaga alam ang gagawin ko >____<
Monday, August 10, 2009
First Time
0 comments/*
Woot! Nakapagdonate ako ng dugo! Last friday nagdonate ako ng dugo sa Nat
ional Kidney and Transplant Institute. Nasa EEE kasi sila nun dahil sa project ng UP ERG. First time kong magdonate nun. Nagpaalam naman ako kay mama. At okay naman sa kanya. Ayun, nung una medyo natatakot pa ako. Pero sa una lang pala masakit, yung pagtusok lang. Tapos binigyan nila ako ng coke in can, chicken roll, baller, at ng pillow. Wala lang. Ang sarap lang ng feeling na nakapagdonate ako ng dugo at makakatulong pa ako sa kapwa ko. ^___^
*/
/*
Ayun, natapos na rin ang exam namin sa ES 12 nung sabado. At medyo kampante naman ako kasi may mga kaparehong akong sagot. Sana nga lang tama yung mga sagot namin. Hehe. Ayun, pagkatapos ng exam, kumain kami sa Mcdo Katips. Kasama ko nun sina Alai, Gens, AJ, Carlo, Melai, Lorr, Rhoda, Neil, Chet, at Joe. First time kong makasama sina AJ, Carlo, Melai, Lorr, Rhoda, Neil, Chet, at Joe na kumain dun. Kadalasan kasi sa Philcoa o sa Trinoma ko sila nakakasamang kumain. Ayun, laugh trip as usual. At wala talagang tatalo sa pagpapatawa ni Gens. Grabe lang! Haha! At pagkatapos ay pumunta naman kami sa Cello's para sa dessert. Ang sarap talaga ng donuts nila (mmm) At pagkatapos kumain ay umuwi na kami.
*/
Sunday, July 19, 2009
Harry Potter and the Half-Blood Prince
2 commentsKahapon nanood kami ng Harry Potter and the Half-Blood Prince sa Trinoma. Kasama ko sina Alai, Lorr, Chet, Melai, Joe, Carl, AJ, Neil, Rhoda at Lei. Alam naming maraming manonood, kaya nung friday pa lang ay nagpareserve na ako ng seats sa SureSeats.
Exam pala namin kahapon sa EEE 21. Pagkatapos ng exam, dumerecho na kami sa Trinoma. Kasama pa namin nun si Denise. Kinuha na muna namin yung mga tickets. At pagkatapos ay kumain na k
ami sa Tokyo Tokyo. Pagkatapos kumain, umuwi na si Denise. At kami nama'y bumili muna ng popcorn at inumin at saka na pumasok sa sinehan.
Maganda naman yung movie. Sulit yung Php 190 na binayad namin. Ang dami pang laugh trip na scenes. Medyo nakakadisappoint nga lang kasi nagfocus masyado sa mga love story nung characters. Pero ayos lang, maganda pa rin yung movie. Puro tawanan at 'awww' ang maririnig mula sa audience. Hahaha! Tapos si Carl naman, tuwing lalabas si Ginny, 'punyeta' na lang ang maririnig mong lumalabas sa bibig niya. Hahaha! Sobrang saya talaga sa loob ng sinehan.
Pagkatapos namin manood, bumili muna kami ng ice cream sa DQ. Tapos tu
mambay na kami dun sa Food Choices. Grabe! Laugh trip din yung pagtambay namin dun. Sina Melai at Joe kasi nagbibisaya. Tawa kami ng tawa. Tapos tawang-tawa kami kay Chet kasi grabe siya makatawa. Halos di na siya makahinga. Haha! Tapos nirecord pa pala ni AJ sa laptop niya yung mga ginawa nina Melai at Joe. Pagkatapos nun, nagpicture-picture muna kami. At pagkatapos ay umuwi na kami.
Sobrang saya talaga.
_____________________________________________________________________________________
Tapos naalala pala namin ni Alai yung EEE 34 days. Kasama nun sina Karlo at Jelo. Pagkatapos namin bumili ng mga gamit para sa EEE 34, tumambay kami sa may garden. At kung ano-ano lang ang mga pinagkkwentuhan namin. Umabot din kami dun nga mga 11:30 ng gabi sa sobrang sarap ng paguusap. Wala lang. Haha. Nakakamiss lang yung mga oras na yun. Sana nga may susunod pa kaming ganun.

