Kahapon nanood kami ng Harry Potter and the Half-Blood Prince sa Trinoma. Kasama ko sina Alai, Lorr, Chet, Melai, Joe, Carl, AJ, Neil, Rhoda at Lei. Alam naming maraming manonood, kaya nung friday pa lang ay nagpareserve na ako ng seats sa SureSeats.
Exam pala namin kahapon sa EEE 21. Pagkatapos ng exam, dumerecho na kami sa Trinoma. Kasama pa namin nun si Denise. Kinuha na muna namin yung mga tickets. At pagkatapos ay kumain na kami sa Tokyo Tokyo. Pagkatapos kumain, umuwi na si Denise. At kami nama'y bumili muna ng popcorn at inumin at saka na pumasok sa sinehan.
Maganda naman yung movie. Sulit yung Php 190 na binayad namin. Ang dami pang laugh trip na scenes. Medyo nakakadisappoint nga lang kasi nagfocus masyado sa mga love story nung characters. Pero ayos lang, maganda pa rin yung movie. Puro tawanan at 'awww' ang maririnig mula sa audience. Hahaha! Tapos si Carl naman, tuwing lalabas si Ginny, 'punyeta' na lang ang maririnig mong lumalabas sa bibig niya. Hahaha! Sobrang saya talaga sa loob ng sinehan.
Pagkatapos namin manood, bumili muna kami ng ice cream sa DQ. Tapos tumambay na kami dun sa Food Choices. Grabe! Laugh trip din yung pagtambay namin dun. Sina Melai at Joe kasi nagbibisaya. Tawa kami ng tawa. Tapos tawang-tawa kami kay Chet kasi grabe siya makatawa. Halos di na siya makahinga. Haha! Tapos nirecord pa pala ni AJ sa laptop niya yung mga ginawa nina Melai at Joe. Pagkatapos nun, nagpicture-picture muna kami. At pagkatapos ay umuwi na kami.
Sobrang saya talaga.
_____________________________________________________________________________________
Tapos naalala pala namin ni Alai yung EEE 34 days. Kasama nun sina Karlo at Jelo. Pagkatapos namin bumili ng mga gamit para sa EEE 34, tumambay kami sa may garden. At kung ano-ano lang ang mga pinagkkwentuhan namin. Umabot din kami dun nga mga 11:30 ng gabi sa sobrang sarap ng paguusap. Wala lang. Haha. Nakakamiss lang yung mga oras na yun. Sana nga may susunod pa kaming ganun.
Sunday, July 19, 2009
Harry Potter and the Half-Blood Prince
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
LOL.
'sana' is the word.:)
namimiss ko na kayo!:))
@alai.^^:
hahaha. 'sana' talaga e.
awww. namimiss ko na kayong lahat! namimiss ko na ang lahat ng G11! :((
Post a Comment