Showing posts with label AJ. Show all posts
Showing posts with label AJ. Show all posts

Saturday, September 26, 2009

Joe's Birthday

1 comments

Last tuesday ay ang kaarawan ni Joe. At sobrang saya nung mga nangyari. Nagulat na lang ako nang bigla akong niyaya ni Joe na sumama sa kanila. Di ko naman kasi iniisip na isasama niya ako.

Ayun, nagpunta kami sa TechnoHub. Andun sina Joe, Melai, Lorr, Alai, Carl, at Neil. Nanlibre muna siya ng ice cream sa Ministop. Tapos dumerecho na kami sa Timezone. Sagot niya yung bayad dun, kaya sobrang enjoy talaga. Iba-iba yung mga ginawa namin dun. Nagsimula kaming lahat sa karaoke. Tapos labas-pasok na yung mga tao sa music room. Nakapaglaro ako ng Dance Maniax kasama si Melai. Hindi kami nadeads! Woot woot! Haha! Nakapagbasketball rin kami. Tapos nakapag Dance Dance Revolution din. Ang saya talaga. Hindi na nga rin sila pumasok ng EEE 13 Lec e.

Tapos nung aalis na kami dapat ay biglang dumating sina AJ, Gens, Carlo, at Sahara. Kaya ayun, naglaro ulit kami. Pagkalipas ng ilang sandali ay umalis na yung iba. Ang natira na lang ay ako, Joe, Alai, AJ, Gens, at Carlo. Nilibre ulit kami ni Joe sa Ministop.

Tapos bago umuwi ay napagtripan ni Joe yung fountain. Tumayo siya sa tapat mismo ng butas ng fountain, tapos aalis siya pag palabas na yung tubig. Kaso ang nangyari e nadistract namin siya. Sumayaw sayaw pa siya. Kaya ayun, nabasa siya! Bwahaha! Nakakatuwa talaga yun! Vinideohan pa nga namin ni Carlo e. Hahaha. Pagkatapos nun ay umuwi na kami.

Sobrang enjoy talaga nung araw na yun.Maraming salamat Joe sa panlilibre! Happy birthday ulit! ^_^

Tuesday, September 1, 2009

Random Thoughts

5 comments

Grabe! Ang tagal ko nang di nakakapagkwento rito. Sobrang busy kasi e >__<

Anyway, san nga ba ako magsisimula? Hahaha!

Hmm...

> Last thursday ay ang aming pangatlong swEEEts day. Una naming ginawa ay magpakalunod sa desserts sa Chateau Verde. Ang sasarap talaga! Nabusog kami dun e. Tapos naisipan naming magisaw sa tapa ng College of Law. Pagkatapos ng first round ng isaw, nakulangan pa kami, kaya nilibre ko na lang yung second round. Haha! Ayun, sobrang busog namin nung hapon na iyon.

> Pagkatapos ng exam namin sa EEE 13 nung sabado, nag-gate crash kami nina Alai, Joe, Joan, kuya Rolf at kuya Cocoy sa NostalgYIA. Parang farewell party ata yun sa Yia Hall. Gigibain na kasi ito para tayuan ng bagong gusali. Ayun, ang saya. May mga foods pang natira pagdating namin. At kamusta naman, puro profs ang nandun! Hahaha! Kakapiranggot lang yung mga estudyante. Tapos tinour din kami dun sa dapat na EEE 44 lab. Ayun, ang cool lang nung mga nangyari. Hehe.

> Ang saya rin ng UPCAT ng mga apps kahapon. Hahaha! Nakakatuwa talaga. Ang kulit pa nung pinagawa namin sa station namin. Dahil fin station yun, ang task nila ay magbenta ng isang paper clip kahit kanino. Piso lang naman. Ayun, yung iba magaling dumiskarte, yung iba hindi. Wala lang. Naenjoy namin ng bongga ni AJ yung mga oras na yun, lalo na siya. Hahaha!

> Kinakabahan talaga ako sa EEE 25. Di ko alam kung babagsak ba ako o hindi. Nahihirapan talaga ako e. Di ko masyadong gets yung mga lessons. Di ko tuloy alam kung tama ba yung mga pinaggagagawa ko kahapon sa exam >__<

> Nahihirapan na rin ako sa EEE 13. Pinagiisipan ko na tuloy kung iddrop ko ba o hindi. Sina Lorr, Anna at Lei kasi ay nagdrop na. Si Alai naman pinagiisipan din niya. Ako naman kasi, kaya ko naman kasi yung lec. Ang lab ang problema ko. Nahihirapan kasi talaga ako sa MP. Obviously di ko yun matatapos. Kaya kinakabahan ako kung papasa ba ako o hindi. Nanghihinayang din akong idrop kasi sayang naman yung lahat ng pinaghirapan ko. At saka, second take ko na kasi ito e. Tapos iddrop ko pa? Haaay >___<

> Haaay. Pasensya na kung may mga times na ang emo ko sa plurk. Bumabalik lang kasi ako sa pagkainis sa kanya. Feeling ko kasi balik ulit kami sa hindi pagpansinan. At naiinis na talaga ako. May pride pa kasing nalalaman e. Ang sabi sa akin kanina ni Alai, ako na lang yung unang lumapit. Ang sa akin naman kasi, napapagod na ako. Ako na lang lagi ang gumagawa ng paraan. Ako na lang lagi ang unang lumalapit. Di man lang siya mageffort. Kung ayaw niya, edi wag.

> Naguguluhan din ako sa mga nararamdaman ko para sa kanya. Saka di rin ako consistent sa kanya. May mga times na ang sarap ng paguusap namin, may mga times na hindi, at may mga times na di kami nakakapagusap. Ayun, may nagsasabi sa isipan ko na ligawan ko na siya. Kaso, wala akong alam. At natatakot ako. Feeling ko naman e wala ring mangyayari sa amin. Hanggang sa pagiging friends lang. Haaay. Di ko na talaga alam ang gagawin ko >____<

Saturday, August 15, 2009

swEEEts II

5 comments

Last thursday yung sumunod naming sweets day. Ice cream naman ang pinagpiyestahan namin ngayon. Bumili kami sa COOP ng ice cream. At sa COOP canteen namin yun kinain. Nagdala rin pala ako ng Wicked Oreos.

Una naming binili ay yung strawberry ice cream ng Favorito. Tapos pinartner namin yun sa Wicked Oreos na dala ko. Ang sarap! Grabe! Haha! Walang pang 5 minuto ay naubos na namin agad yung ice cream. Nasa baba yung litrato ng before and after. Haha!
Tapos hindi pa kami nakuntento. Kaya bumili pa kami ng isang ice cream. Yung 2-in-1 naman ng Selecta. Super chocolate at Double Dutch naman yung flavors na binili namin. Ayun, sobrang sarap din nun. Kaso mejo nagtagal kami sa pagkain nun kasi mejo nauumay na kami. Puro chocolate kasi! Hahaha! Ayun, nasa ibaba rin yung before and after. Hehe.
Hay. Sobrang sarap talaga ng ice cream! Busog na busog kami nung hapon na yun. Nabusog sa ice cream e noh? Hahaha! Ayun, next week di muna kami magkakaroon ng sweets day kasi di pwede si AJ. Kaya next next week na lang. Cake naman ang kakainin namin mula sa Chateau Verde. Haha! Yum yum!

Monday, August 10, 2009

First Time

0 comments

/*
Woot! Nakapagdonate ako ng dugo! Last friday nagdonate ako ng dugo sa Nat
ional Kidney and Transplant Institute. Nasa EEE kasi sila nun dahil sa project ng UP ERG. First time kong magdonate nun. Nagpaalam naman ako kay mama. At okay naman sa kanya. Ayun, nung una medyo natatakot pa ako. Pero sa una lang pala masakit, yung pagtusok lang. Tapos binigyan nila ako ng coke in can, chicken roll, baller, at ng pillow. Wala lang. Ang sarap lang ng feeling na nakapagdonate ako ng dugo at makakatulong pa ako sa kapwa ko. ^___^
*/

/*
Ayun, natapos na rin ang exam namin sa ES 12 nung sabado. At medyo kampante naman ako kasi may mga kaparehong akong sagot. Sana nga lang tama yung mga sagot namin. Hehe. Ayun, pagkatapos ng exam, kumain kami sa Mcdo Katips. Kasama ko nun sina Alai, Gens, AJ, Carlo, Melai, Lorr, Rhoda, Neil, Chet, at Joe. First time kong makasama sina AJ, Carlo, Melai, Lorr, Rhoda, Neil, Chet, at Joe na kumain dun. Kadalasan kasi sa Philcoa o sa Trinoma ko sila nakakasamang kumain. Ayun, laugh trip as usual. At wala talagang tatalo sa pagpapatawa ni Gens. Grabe lang! Haha! At pagkatapos ay pumunta naman kami sa Cello's para sa dessert. Ang sarap talaga ng donuts nila (mmm) At pagkatapos kumain ay umuwi na kami.
*/

Thursday, August 6, 2009

swEEEts

2 comments

Ang saya ng nangyari kanina. Pumunta kami nina Alai, Karlo, at AJ sa COOP para bumili ng mga chocolates. Hahaha! Nagyaya kasi si Karlo. Gusto raw niya ng chocolates. Tapos di ko pa nabibilhan si Alai ng Skittles. Sumama na rin si AJ sa amin.

Pagdating dun, ang dami naming nakita na chocolates. Haha! Bumili kami ng Skittles ni Alai, Cadbury, Twix, Chupa Chups, Kit Kat, Curly Tops, at Kisses. Bumili naman ako ng Mentos, si Alai ng Fruitella, at si Karlo ng sarili niyang Kisses. Si Karlo pala muna yung nagbayad nung Cadbury, Twix, Chupa Chups, Kit Kat, Curly Tops, at Kisses. Tapos bumalik na kami sa EEE.

Dun kami kumain sa labas ng LC2 para walang makakakita sa amin. Hahaha! Ayaw mag-share e no? Tapos nung babayaran na namin si Karlo, sabi niya wag na, libre na lang daw niya kami. Akala namin joke lang. Yun pala totoo. Hahaha! Pang blowout na raw niya yun samin kasi di naman siya nanlibre nung birthday niya. Kaya ayun, bawas gastos sa part namin. Haha. Salamat Karlo! Tapos ayun, habang kumakain, kwentuhan. Ang saya talaga.Pagkatapos kumain, lumabas na muna kami sa may parking lot. Tapos napagtripan naming magpicture-picture dahil natuwa kami sa kulay nung mga payong namin. Red yung kay Alai, maroon yung kay AJ, green yung kay Karlo, at blue naman sa akin. Nakumpleto na namin ang kulay ng EEE! Hahaha! Kaya ayun, nagpakavain kami. Hahaha!
Ayun, sobrang saya talaga. Balak namin gawing sweets day every thursday. Hahaha! Next thursday ay ice cream naman! Haha!

Sunday, July 19, 2009

Harry Potter and the Half-Blood Prince

2 comments

Kahapon nanood kami ng Harry Potter and the Half-Blood Prince sa Trinoma. Kasama ko sina Alai, Lorr, Chet, Melai, Joe, Carl, AJ, Neil, Rhoda at Lei. Alam naming maraming manonood, kaya nung friday pa lang ay nagpareserve na ako ng seats sa SureSeats.

Exam pala namin kahapon sa EEE 21. Pagkatapos ng exam, dumerecho na kami sa Trinoma. Kasama pa namin nun si Denise. Kinuha na muna namin yung mga tickets. At pagkatapos ay kumain na kami sa Tokyo Tokyo. Pagkatapos kumain, umuwi na si Denise. At kami nama'y bumili muna ng popcorn at inumin at saka na pumasok sa sinehan.

Maganda naman yung movie. Sulit yung Php 190 na binayad namin. Ang dami pang laugh trip na scenes. Medyo nakakadisappoint nga lang kasi nagfocus masyado sa mga love story nung characters. Pero ayos lang, maganda pa rin yung movie. Puro tawanan at 'awww' ang maririnig mula sa audience. Hahaha! Tapos si Carl naman, tuwing lalabas si Ginny, 'punyeta' na lang ang maririnig mong lumalabas sa bibig niya. Hahaha! Sobrang saya talaga sa loob ng sinehan.

Pagkatapos namin manood, bumili muna kami ng ice cream sa DQ. Tapos tumambay na kami dun sa Food Choices. Grabe! Laugh trip din yung pagtambay namin dun. Sina Melai at Joe kasi nagbibisaya. Tawa kami ng tawa. Tapos tawang-tawa kami kay Chet kasi grabe siya makatawa. Halos di na siya makahinga. Haha! Tapos nirecord pa pala ni AJ sa laptop niya yung mga ginawa nina Melai at Joe. Pagkatapos nun, nagpicture-picture muna kami. At pagkatapos ay umuwi na kami.

Sobrang saya talaga.
_____________________________________________________________________________________

Tapos naalala pala namin ni Alai yung EEE 34 days. Kasama nun sina Karlo at Jelo. Pagkatapos namin bumili ng mga gamit para sa EEE 34, tumambay kami sa may garden. At kung ano-ano lang ang mga pinagkkwentuhan namin. Umabot din kami dun nga mga 11:30 ng gabi sa sobrang sarap ng paguusap. Wala lang. Haha. Nakakamiss lang yung mga oras na yun. Sana nga may susunod pa kaming ganun.