Tuesday, September 29, 2009

I Got a Feeling

0 comments

Habang nagpplurk ako kanina, nakita ko yung isang plurk ni Cielo. At natuwa ako sa napanood ko. Video ng I Got a Feeling ng The Black Eyed Peas nung nag-guest sila sa Oprah. Ang cool lang talaga nung video. Panoorin niyo. I'm sure matutuwa rin kayo ^___^


Stranded III

0 comments

Narito nga pala yung mga pictures at video habang naglalakad ako sa Marcos Highway.





Narito
naman yung mga pictures habang nagbabaraha kami.

Stranded II

2 comments

Ayan! Sa wakas at nagkanet na rin sa bahay! Grabe talaga yung mga nangyari nung mga nakaraang araw.

Ang tagal ko ring nastranded sa katipunan. Simula 11 AM hanggang 11 PM ay nasa katipunan lang ako. At Y!M at Plurk lang ang only means ng communication ko. Wala kasin
g signal nun at low batt pa ako. Buti na lang dala ko yung laptop ko at may WiFi sa Mcdo. Habang nagnenet, nagPM sa akin si Janel. Pumayag na raw sina Carlo na dun muna ako sa bahay nila magstay. Natuwa talaga ako nun. Ang balak ko kasi nung una ay sa Mcdo na lang ako magpapalipas ng gabi. Pero dahil kay Janel at sa iba pang mga tumulong sa akin, may natuluyan ako nung gabing yun.

Nagayos agad ako at pumunta na kina Carlo. Pagdating ko dun, sinalubong ako ni Carlo at ng nanay niya. Nagusap kami saglit. Nagkwentuhan nung mga nangyari. Tapos nung mg
a 1 AM ay natulog na ako. Nagising ako ng mga 7 AM. Tulog pa si Carlo nun, kaya nagayos na muna ako ng gamit ko. Grabe! Basa na pala yung loob ng bag ko. Buti na lang yung laptop hindi nabasa. Pagdating nga mga 9 AM ay kumain ka kami ng breakfast. Kasabay naming kumain yung kuya niya. Ayun, nagkwentuhan lang kami ng mga nangyari. Pagdating ng mga 11 AM, nagpaalam na akong umalis. Nagtext kasi si papa na may mga bumabiyahe ng jeep.

Pagdating ko sa katipunan, mejo natagalan din ako bago makasakay. Puro puno kasi yung mga dumaraan na jeep. Buti na lang nakatiyempo ako sa isang FX. Pagdating sa may Barangka, ayun, sobrang traffic. Ang daming naglalakad na tao. Puro putikan din yung kalsada. Tapos marami ring mga tao ang naglalabas ng mga
kagamitan mula sa kani-kanilang mga tahanan para maglinis. Lagpas tao pala yung baha dun. Mga dalawang oras din kami sa lugar na iyon bago makarating sa bayan. Pagdating naman sa bayan, ayun, ang dami ring taong naglalakad at puro putikan din. Mga 1 PM na ako nakauwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay, walang
kuryente, tubig, at telephone line. Simula pa pala nung sabado yun. Ayun, nakakain na rin ako ng lunch at nakapagayos na rin ng gamit. Tapos nagsimba na kami at kumain na lang ng dinner sa labas.

Gabi na kami nakauwi. Wala kaming magawa nun, low batt na rin kaming lahat. Buti na lang may charger si kuya na sa kotse isasaksak. Kaya ayun, nakapila lahat ng phones namin. Haha! Habang naghihintay, niyaya ko sina Nicole a
t ate Jen na magbaraha. Tapos sumalina rin sina kuya at mama. Ungguy-ungguyan at pusoy dos ang mga nilaro namin. Matagal din kaming naglaro. Pagdating ng mga 10 ng gabi, woohoo! Nagkailaw! Narinig kong nagsigawan yung mga kapitbahay namin e. Hahaha! Ayun, niligpit na namin yung mga kandila at pagkatapos nun ay nanuod muna ako ng news saglit. Tapos natulog na.

Pagkagising ko, nagkaroon na rin kami ng tubig. At ngayon, nagk
anet na rin kami. Kaso wala pa ring dial tone. Kaya ang labo talaga. May net kaso walang dial tone. Pwede ba yun? Hahaha!

Saturday, September 26, 2009

Stranded

0 comments

Grabe! First time kong mastranded. At hanggang ngayon ay stranded pa rin ako. Kanina pa akong tanghali andito sa Katipunan. Ginawa ko na lahat ng makakaya kong paraan. Kaso di talaga ako makaalis.

Dumating ako sa katips ng mga 11:30 AM. Kakagaling ko lang nun sa Rizal Memorial Stadium sa may La Salle. Nanuod kasi ako ng laban ng Taekwondo. Required kasi para sa PE. Pagdating ko sa katips, hindi na gumagalaw yung isang lane dahil sa baha. Tapos yung katipunan jeep ay hindi na rin nagsasakay. Kaya no choice ako kundi maghintay. Kaso wala ring nangyari sa paghihintay ko. Gutom na gutom na rin ako nun. Kaya binalak kong kumain sa Mcdo. Kaso habang papunta pa lang dun ay di ko kinaya. Baha e. Kaya sa ministop na lang ako kumain. Tapos nagnet muna ako sa katabing net shop para magpalipas ng oras. Katext ko nung mga oras na ito sina Alai at Melai. May kachat din ako sa plurk. Tapos lahat sila ay di na makakapunta sa debut ni Kaye. Kaya nagdecide na rin akong di pumunta. Akala ko naman makakauwi ako agad. Hindi pala. Pagdating ko sa hintayan ng mga jeep, walang jeep! Tapos nakita ko ang daming naglalakad. Kaya naisipan kong maglakad na rin. Pagdating ko sa may riverbanks, nagbabalikan na yung mga kotse at mga tao. Umaapaw na pala yung Marikina River. Di na makakatawid sa tulay. Edi naghintay muna ako dun saglit. Tapos maya-maya nakikita ko na baha na sa may Riverbanks Mall. Tapos unti-unti na ring tumataas yung tubig. Kaya inisip kong bumalik na lang sa katips.

Habang naglalakad, nakita kong maraming naglalakad papuntang Marcos Highway. Kaya naisip kong dumaan dun. Ok naman yung papunta dun. Nakakagulat nga lang pagdating sa tulay kasi kitang kita mo na sobrang taas na nung Marikina River. Ang daming bahay ang lubog. Pati yung parking lot ng SM Marikina ay lubog na rin. Pati na rin yung ibang flyover. Tapos pagdating sa may Santolan Station ng LRT, ayun, napatigil na ako. Baha na yung parte pagkatapos nun. Kaya nagdecide akong bumalik na lang sa katipunan. Sumakay ako ng LRT, pagdating sa katipunan, nagnet na lang muna ako. Tapos nung wala na akong magawa, lumipat ako ng Mcdo. Buti na lang at konti na lang ang tao dun. Kaso nung magoorder na ako ng pagkain, wala na. Naubos na pala. Grabe lang talaga! Naubos ang pagkain ng Mcdo?! Hahaha! Ang dami kasing tao kanina e.

Tapos nung wala na rin akong magawa, umalis na ako at nagbakasakaling pwede na makauwi. Kaso pagdating ko sa may intersection ng katipunan, wala pa rin. Nakatigil pa rin ang lahat ng kotse >_<>_< Haaay. Anong oras na kaya ako makakauwi?

Haha! Wala lang. Ang adik ko lang. Nakuha ko pang kumuha ng litrato at video habang naglalakad kanina sa Marcos Highway. Pero sa susunod ko na lang ipopost yun. Di ko dala yung USB cable ng phone ko e.

Joe's Birthday

1 comments

Last tuesday ay ang kaarawan ni Joe. At sobrang saya nung mga nangyari. Nagulat na lang ako nang bigla akong niyaya ni Joe na sumama sa kanila. Di ko naman kasi iniisip na isasama niya ako.

Ayun, nagpunta kami sa TechnoHub. Andun sina Joe, Melai, Lorr, Alai, Carl, at Neil. Nanlibre muna siya ng ice cream sa Ministop. Tapos dumerecho na kami sa Timezone. Sagot niya yung bayad dun, kaya sobrang enjoy talaga. Iba-iba yung mga ginawa namin dun. Nagsimula kaming lahat sa karaoke. Tapos labas-pasok na yung mga tao sa music room. Nakapaglaro ako ng Dance Maniax kasama si Melai. Hindi kami nadeads! Woot woot! Haha! Nakapagbasketball rin kami. Tapos nakapag Dance Dance Revolution din. Ang saya talaga. Hindi na nga rin sila pumasok ng EEE 13 Lec e.

Tapos nung aalis na kami dapat ay biglang dumating sina AJ, Gens, Carlo, at Sahara. Kaya ayun, naglaro ulit kami. Pagkalipas ng ilang sandali ay umalis na yung iba. Ang natira na lang ay ako, Joe, Alai, AJ, Gens, at Carlo. Nilibre ulit kami ni Joe sa Ministop.

Tapos bago umuwi ay napagtripan ni Joe yung fountain. Tumayo siya sa tapat mismo ng butas ng fountain, tapos aalis siya pag palabas na yung tubig. Kaso ang nangyari e nadistract namin siya. Sumayaw sayaw pa siya. Kaya ayun, nabasa siya! Bwahaha! Nakakatuwa talaga yun! Vinideohan pa nga namin ni Carlo e. Hahaha. Pagkatapos nun ay umuwi na kami.

Sobrang enjoy talaga nung araw na yun.Maraming salamat Joe sa panlilibre! Happy birthday ulit! ^_^

Thursday, September 24, 2009

baCKTbakan

0 comments

Monday, September 21, 2009:

Ito ang araw kung kailan naganap ang baCKTbakan. Nagsimula kami ng mga 9 AM sa Sky Lab. Yung iba naglalaro ng basketball, samantalang yung iba, kagaya ko, ay naglalaro naman ng volleyball. Nakakatawang tignan kaming mga naglalaro ng volleyball. Hindi kasi covered yung volleyball court. Tapos kalahati lang nung court ang nasisilungan ng katabing covered court mula sa araw. Kaya nagmumukhang lengthwise lang ang covered. Kaya kaming mga naglalaro ay andun lang sa parte na may silong mula sa araw. Haha! Ok pa naman nun kasi anim pa lang kaming naglalaro. Tig-tatlo bawat side. Ayun, ang saya maglaro. Matagal na rin kasi akong di nakakapaglaro. Habang tumatagal, dumarami na kaming naglalaro. Hanggang sa umabot kami sa sampu, tig-lima bawat side. Dun na nagsimula yung totoong laban. Ang saya saya talaga nung paglalaro namin. At ito pa, bawat team, isa lang yung babae. Hahaha! Ang tagal din nung laban namin. At sa huli, kami yung nanalo! Woot woot!

Pagkatapos nung laban, nagpahinga muna kami saglit. Tapos naglaro naman kami ng ultimate frisbee. First time kong maglaro nun. Nung una ay palpak pa yung paghagis ko nung frisbee. At habang tumatagal, nakuha ko na rin ang tamang timpla ng paghagis. Ang saya pala maglaro nun.

Pagkatapos maglaro, tumambay muna kami saglit sa may playground at nagpicture-picture. Pagakatapos nun ay nagayos na kami ng mga gamit at pumunta na sa Jollibee Philcoa para kumain ng lunch. Pagkatapos kumain, pumunta na kami sa sunken garden para parlor games. Kaso hindi na ito natuloy dahil nagsimula nang umulan. Kaya ang nangyari ay nagDota na lang yung iba sa Katips. Yung iba naman, kagaya ko, ay umuwi na. Pagod na pagod na rin kasi ako. Pagkauwi ko sa bahay, nakatulog agad ako. Haha!

Ayun, sobrang saya talaga. Sayang nga lang kasi marami ding di nakapunta. At kamusta naman, apat lang ata yung babae na pumunta. Hahaha!

Tuesday, September 15, 2009

Lollipop

0 comments

> Kagabi, bago matulog, nagdecide na ako na di na ako magddrop ng ES 12. Ipaglalaban ko hanggang dulo! Haha! Mas gugustuhin ko nang magkasingko kesa naman sa mag-give up ako. Pero sana lang talaga ay tama ang desisyon ko. At sana talaga ay pumasa ako. Kailangan ko nang magaral ng mabuti sa dose! >_<

> Birthday nga pala ngayon ng kuya ko at ni Martin. Happy birthday ulit sa inyo! ^___^ Bongga si Martin! Nanlibre kanina! Yung iba nilibre niya ng pancit canton. Yung iba naman ay fried siomai. Ang sarap talaga pag libre! Salamat ulit Martin! Sayang nga lang at di kami nakapagpicture. Dala ko pa naman yung camera :( Huli na nung naisipan kong magpicture. Nakaalis na kasi yung iba.

> Natapos na rin ang day 1 ng "Hell Week" ng mga apps. At natuwa naman ako sa reaction ng mga mems sa costume ni buddy. Nagustuhan naman nila kahit papaano. Lollipop yung costume niya, kaso mejo nagmukhang polvoron. Haha! At syempre may kasama rin yung lollipop na pinamigay sa mga mems. At natuwa rin ako dahil 100% ang nakuhang grade ni buddy! (dance) Sana yung magustuhan din nila yung mga susunod na costumes ni buddy.

> Uhh. Just a random thought. Feeling ko ok na kami. Pero may limitations. Siguro hanggang dun na lang kami sa hi-hello relationship at maguusap lang kung kinakailangan. Well, that's fine with me. Kaso parang naiilang naman ako ngayon. Parang di ako makapagsalita o makapagreact ng maayos kapaga anjan siya. Ewan ko ba. Ang gulo ko talaga >___<

Monday, September 14, 2009

Random Thoughts II

4 comments

Wow! Two week na pala ang nakakalipas simula nung huli akong nakapagblog. Sobrang busy kasi e. Ang daming ginagawa. Lalo na last week >_< Anyway, kwento ko na lang yung mga nangyari. Yung mga naaalala ko lang. Haha!

> Yung mga sumunod na swEEEts day pala namin ay sa Cafe Iana sa College of Music at saka sa Chocolate Kiss. Ang sarap nung mga nasa Cafe Iana. Worth it yung paggastos mo dun ^___^ Madalas na nga kami kumain dun e. Masarap din kasi yung mga food nila dun. At reasonable pa yung prices. Kaya worth it talaga. Kagaya nga ng sinabi nina AJ, "ito ang tunay na pagkain" Hahaha! Tapos yung sa ChocoKiss naman ay triny lang namin one time. Ang mamahala nga, though masasarap naman. Pero mas gusto ko pa rin sa Cafe Iana. Haha.

> Last week pala ay naganap na yung Y4iT. Sobrang saya talaga! Naenjoy ko yung bawat araw na andun ako. At kamusta naman, mula tuesday hanggang friday ay maagang-maaga ako. Mga 6:30 pa lang ay andun na ako. Hahaha! Adik lang. Nakakatuwa kasi pag maaga e. Nakikita mong dinudumog ka nung mga delegates. Kami kasi yung nakaassign sa pagbibigay ng congress kits at pagtatatak. Nakita ko nga rin yung iba kong mga kklase nung high school e. Required daw sila pumunta. Tapos puro free food pa. Haha! Ang yaman talaga ng UP ITTC. Ang galing galing. Pero pinakanatuwa talaga akong araw ay nung tuesday. Di ko na lang sasabihin kung anong nangyari nun. Basta ayun. Haha! Alam na nung iba kung ano yun :p

> Hmm. Ano pa ba? Exams! Grabe yung EEE 25 2nd LE. Ang sabog nung mga sagot ko. Di ko alam kung mapapasa ko ba yun. Kahit nasa 50% lang grade ko dun masaya na ako. Tapos grabe din yung EEE 21 3rd LE. Babagsak talaga ako dun. 55 na lang kasi yung HPS ko. Ang hirap kasi. At ang konti pa ng time >_< Tapos yung sa EEE 33 na exam, may sure 140 points pa lang ako. Kelangan ko pa ng 40 para makapasa. Kaya aasa talaga ako sa partial points. Tapos grabe rin pala yung 2nd LE ng ES 12. Lahat kami sa klase bagsak! As in! Grabe lang! Highest sa klase namin ay 41%. Kamusta naman yun diba? Kaya iddrop ko na talaga yun. Di na rin kasi ako aabot e :(( Nakakainis talaga :((

> Ayun, nagulat ako nung bigla niya akong pinansin nung friday. Nag-hi lang naman. Pinagiisipan ko nga kung kakausapin ko ba siya about the issue o hindi. Para lang maging malinaw na ang lahat. Pero ewan ko lang talaga. Bahala na. Haha! Baka hindi na lang siguro. Waaa! Basta! Bahala na! Haha!

> Adik lang yung dalawang panaginip ko nung mga nakaraang araw. Napakameaningful! Haha! Wala lang. Nung ininterpret ni Chet, di na ako nagulat. Alam ko na rin naman yun e. Nagtataka lang ako ay kung bakit ganun yung mga panaginip. E alam ko na nga lahat yun diba? Ang labo lang talaga.

Hmm. Wala na akong ibang maisip na mga nangyari e. Sa susunod na lang ulit :p

Tuesday, September 1, 2009

Random Thoughts

5 comments

Grabe! Ang tagal ko nang di nakakapagkwento rito. Sobrang busy kasi e >__<

Anyway, san nga ba ako magsisimula? Hahaha!

Hmm...

> Last thursday ay ang aming pangatlong swEEEts day. Una naming ginawa ay magpakalunod sa desserts sa Chateau Verde. Ang sasarap talaga! Nabusog kami dun e. Tapos naisipan naming magisaw sa tapa ng College of Law. Pagkatapos ng first round ng isaw, nakulangan pa kami, kaya nilibre ko na lang yung second round. Haha! Ayun, sobrang busog namin nung hapon na iyon.

> Pagkatapos ng exam namin sa EEE 13 nung sabado, nag-gate crash kami nina Alai, Joe, Joan, kuya Rolf at kuya Cocoy sa NostalgYIA. Parang farewell party ata yun sa Yia Hall. Gigibain na kasi ito para tayuan ng bagong gusali. Ayun, ang saya. May mga foods pang natira pagdating namin. At kamusta naman, puro profs ang nandun! Hahaha! Kakapiranggot lang yung mga estudyante. Tapos tinour din kami dun sa dapat na EEE 44 lab. Ayun, ang cool lang nung mga nangyari. Hehe.

> Ang saya rin ng UPCAT ng mga apps kahapon. Hahaha! Nakakatuwa talaga. Ang kulit pa nung pinagawa namin sa station namin. Dahil fin station yun, ang task nila ay magbenta ng isang paper clip kahit kanino. Piso lang naman. Ayun, yung iba magaling dumiskarte, yung iba hindi. Wala lang. Naenjoy namin ng bongga ni AJ yung mga oras na yun, lalo na siya. Hahaha!

> Kinakabahan talaga ako sa EEE 25. Di ko alam kung babagsak ba ako o hindi. Nahihirapan talaga ako e. Di ko masyadong gets yung mga lessons. Di ko tuloy alam kung tama ba yung mga pinaggagagawa ko kahapon sa exam >__<

> Nahihirapan na rin ako sa EEE 13. Pinagiisipan ko na tuloy kung iddrop ko ba o hindi. Sina Lorr, Anna at Lei kasi ay nagdrop na. Si Alai naman pinagiisipan din niya. Ako naman kasi, kaya ko naman kasi yung lec. Ang lab ang problema ko. Nahihirapan kasi talaga ako sa MP. Obviously di ko yun matatapos. Kaya kinakabahan ako kung papasa ba ako o hindi. Nanghihinayang din akong idrop kasi sayang naman yung lahat ng pinaghirapan ko. At saka, second take ko na kasi ito e. Tapos iddrop ko pa? Haaay >___<

> Haaay. Pasensya na kung may mga times na ang emo ko sa plurk. Bumabalik lang kasi ako sa pagkainis sa kanya. Feeling ko kasi balik ulit kami sa hindi pagpansinan. At naiinis na talaga ako. May pride pa kasing nalalaman e. Ang sabi sa akin kanina ni Alai, ako na lang yung unang lumapit. Ang sa akin naman kasi, napapagod na ako. Ako na lang lagi ang gumagawa ng paraan. Ako na lang lagi ang unang lumalapit. Di man lang siya mageffort. Kung ayaw niya, edi wag.

> Naguguluhan din ako sa mga nararamdaman ko para sa kanya. Saka di rin ako consistent sa kanya. May mga times na ang sarap ng paguusap namin, may mga times na hindi, at may mga times na di kami nakakapagusap. Ayun, may nagsasabi sa isipan ko na ligawan ko na siya. Kaso, wala akong alam. At natatakot ako. Feeling ko naman e wala ring mangyayari sa amin. Hanggang sa pagiging friends lang. Haaay. Di ko na talaga alam ang gagawin ko >____<