Monday, June 29, 2009

Birthday Bash

0 comments

Napakasaya ng mga nangyari nung kaarawan ko.

Nagkita-kita muna kami nung hapon sa FC waiting shed. Kasama sina Alai, Kat, Greggue, Treena, Tina, Loribelle, Frank, JE, Martin, at Dondon. At nang makumpleto na ay dumerecho na kami sa bahay namin. Pagdating sa bahay, andun na pala sina Troy at JM. Naunahan pa nila kami. Haha. Tapos kumain na kami. Habang kumakain, dumating na rin sina Karlo at Julian.

Pagkatapos kumain, nanood muna kami saglit, at nang hindi na masyadong busog, naglaro na kami ng Twister. Sobrang saya ng paglalaro namin. By batch yung ginawa namin, tapos alphabetical pa. Tapos ang pinakabenta talaga dun ay sina Martin at Alai. Yung laro talaga nila yung inabangan namin. Haha! At habang naglalaro, dumating na rin si Kylie.

Pagkatapos, nanuod na kami ng Banana Split. At ayun, tawa lang kami ng tawa. Tapos dumating na rin si Jansie. Pagkatapos manood, umalis na sina Troy at JM.

Tapos, pumunta na kami sa kwarto ko para mag-DVD marathon. American Pie yung pinanood namin. Haha! Pagkatapos manood, naginuman na kami. Galing pa kay Troy yung ininom namin. Sayang di na siya nakasama. Pagkatapos uminom, American Pie 2 naman ang pinanood namin. Tulog na pala yung iba habang nanood kami. Pagkatapos manood, mga 5:30 na ng umaga nun, ay natulog na rin kami.

Nagising ako ng mg
a 9 ng umaga. Pagtayo ko, natawa na lang ako sa mga naging pwesto ng pagtulog. Sa kama, sina Kat, Julian, at Karlo ay naghati sa 2/3 nung kama, samantalang si Alai ay sinolo yung 1/3. Hahaha! Tapos si Tina naman, sa may computer chair na natulog. Tapos kaming mga nasa sahig ay siksik na siksik. Si Jansie nasa may pintuan nakasandal. Si Martin sinolo yung mga pillows. Si Treena, Greggue, at Loribelle ay kumportable naman sa paghiga. Yung kalahati naman ng katawan nina JE at Dondon ay nasa ilalim na ng kama. At si Frank naman ay parang nakasiksik na lang sa isang maliit na space. At ako naman ay nasa gitna nina Martin, Treena, at Loribelle. Sobrang nakakatawa talaga yung mga posisyon namin. Hahaha!

Nang nakabangon na ang lahat, nagsimula nan
g maligo yung iba, habang yung iba naman ay kumakain na ng breakfast. Pagkatapos kumain, di pa rin tapos maligo ang lahat. Kaya nanood pa kami ng Ratatouille. Ay! Ito pa pala! Alam kasi naming matagal maligo si Martin. Kaya nung maliligo na siya, naisipan naming manood na nga nung movie. Tapos nung nangalahati na yung movie, saka lang natapos si Martin. Hahaha! Wala lang. Sobrang tagal lang niya talaga. Haha! Pagkatapos nung movie, natapos na rin lahat maligo. Nagayos na lang sila ng saglit at umalis na rin. Mga 3 na pala yun ng hapon.

Ayun, sobrang saya talaga nung 2 araw na iyon. Maraming maraming salamat talaga sa lahat ng bumati at pumunta. You really made my day. ^___^ Hindi ko talaga ito makakalimutan. Salamat ulit! ^___^

P.S.
Salamat nga pala Alai, Loribelle, at Troy sa mga regalo niyo! ^_^

Sunday, June 21, 2009

First Week of Classes

0 comments

Unang linggo pa lang ng pasukan, at sobrang haggard na agad.

Tuesday:
Ito yung pinakawalang kwentang araw! Dalawa na nga lang yung pasok ko sa araw na ito, pareho pang di pumasok yung prof. Nakakainis talaga. Una kong klase yung ES 12. Kaklase ko rito sina Alai, Kat, at Lorr. 8:30 ng umaga ang klase namin. Naghintay kami hanggang 10. Kaya umalis na kami at nagpaphotocopy ng mga form 5 namin para sa renewal. Tapos pumunta muna kami sa tambayan, tapos kumain sa LKB. Kasama na namin nun sina Gens at Chet. Pagdating ng hapon, EEE 25 na. At hindi kami sinipot nung prof namin. Kaya umalis na kami. Kasama ko na nun sina Greggue at Martin. Hinatid namin si Greggue sa kanyang klase. Tapos mineet naman namin si Mykel sa Eng'g. Nilibre ko sila sa Eng'g Cafe. Mejo nagtagal din kami dun. At pagkatapos ay umuwi na ako.

Wednesday:
Una kong klase ay EEE 25 DC. Kaklase ko rito sina Lorr, John, Ade, Marvin, Wilson, at Liya. Ayun, ang saya nung klase na ito. At ang pangunahing dahilan ay ang prof namin na si sir Snap. Ang bibo kasi. Ang kulit. Hahaha! Sobrang enjoy talaga. Pagkatapos nito ay EEE 33 naman. Ayun, mejo nakakahiya kasi puro 08 na ang mga kasama namin. Pero marami rin namang 07, pero nakakahiya pa rin. Hehe. Tapos kumain kami sa CS. Tapos nagklase na sa EEE 21. Maaga kaming dinismiss. Kasama kong umalis sina Greggue at Martin. Dapat tatambay kami sa Sampa, kaso di na natuloy. Kaya dumerecho na ako sa gym kasi may PE pa ako na Taekwondo. Ako yung unang dumating dun. Tapos may dumating na babae. Ayun, naging instant friends kami. Grabe! Ang daldal niya! Hahaha. Tapos may dumating pang isang lalaki na tumabi sa amin. Naging instant friend ko rin siya. Ayun, matagal-tagal din kaming nagdaldalan. Tapos dumating na yung prof namin, si sir Mats. Tapos brinief niya kami sa mga gagawin namin. Tapos tinawag niya yung lahat ng may experience ng Taekwondo. May isang babae sa kanila na kamukha ni Anna kapag naka side view. Hahaha. Wala lang. Tapos black belter pa pala siya. Kaya nagulat kaming lahat. Pagkatapos nun, pinatayo kaming lahat sa gitna at nagturo na siya. Ang saya. Haha. Tapos umuwi na ako.

Thursday:
Grabe itong araw na ito. Maaga akong dumating sa Katips, mga 7:30. Pagdating ko, traffic! Walang jeep! Tapos may pila! Kaya pumila agad ako. Di pa masyadong mahaba yung pila pagdating ko. Pagkatapos ng ilang sandali, tumingin ako sa likod. Grabe! Sobrang haba na pala ng pila! Ang tagal naming naghintay ng jeep. Mga 8 na ata ako nakasakay nun. Tapos dahil sa sobrang traffic, 8:30 na ako nakarating sa class ko. Buti na lang wala pa yung prof. Tapos maya-maya, may pumasok na prof. Ang sabi sa amin, di raw namin yun room. Edi pumunta kami sa ES Dept para magtanong. Hindi raw nila alam. Pumunta naman kami sa ME Dept. Andun pala yung prof namin. Naghanap siya ng bakanteng room. At napunta kami sa 5th floor. Edi nagturo na siya. Tapos pagdating ng 10, ang dami nang tao sa labas. Kaya nagtanong siya sa mga nasa labas, may klase pala sila dun ng 10. Kaya tinapos na agad ni sir yung discussion. Tapos next week raw, papalayasin daw niya yung klase sa orihinal naming room. Hahaha! Tapos EEE 33 DC naman. Ayun, ang saya! Nakakatuwa yung prof namin. Feeling ko talaga maeenjoy ko yung class na yun. Hehe. Tapos kumain na kami. Tapos nagklase na sa EEE 25. At pagkatapos, tinulungan ako ni Rhayne na maginstall ng Ubuntu sa laptop ko. Mejo nagtagal din kami. At nung natapos na, umalis na siya, at ako nama'y tumambay pa dahil may GA pa kami. At pagkatapos nung GA ay umuwi na ako.

Friday:
Una kong klase ay EEE 25 DC. Kaklase ko naman rito sina Lorr, Jorge, Marvin, at Liya. Pagkatapos nito ay EEE 33 naman. Tapos kumain kami sa CS. Maaga kami natapos kumain, kaya pumunta muna kami sa tambayan. Naglaro kami ng Pictionary. Hahaha! Sobrang saya namin nun. Tapos nag EEE 25 na. Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa tambayan at nakiepal sa mga freshies. Hahaha. Pinaglaro rin namin sila ng Pictionary. Sobrang saya. Haha! Tapos nakakatawa pa yung mga freshies. Yung isa pa sa kanila, Jan Di yung nickname. Kamusta naman yun diba? Hahaha! Tapos nag EEE 13 na kami. Kaklase ko rito sina Lorr, Greggue, Joan, Anna, at Wilson. Nagdiscuss na rin agad yung prof. Tapos bueno mano pa ako sa recitation. Di tuloy ako nakasagot. Bigla na lang kasi akong tinawag. Pagkatapos ng klase, sinamahan ko muna si Greggue sa Sampa. Tinulungan ko siyang maginstall ng Ubuntu. At pagkatapos nun ay umuwi na ako.

Friday, June 12, 2009

Independence Day

7 comments

Ngayon ang ika-111 na taon ng araw ng kalayaan ng bansang Pilipinas. Ngunit para bang hindi na ito mahalaga sa mga Pilipino. Naaalala ko pa nung bata ako na bongga yung mga pagdiriwang sa araw na ito. Lagi may parada at programa sa Luneta Park, may mga paputok sa gabi. Tapos naaalala ko rin na nagsasabit kami ng bandila noon sa labas ng bahay namin. Kaso ngayon, parang wala na lang ang araw na ito. Di ko man lang naramdaman na araw ng kalayaan pala ngayon. Buti pa sa ibang bansa, tulad ng Estados Unidos. Taon-taon ipinagdiriwang nila ang kanilang araw ng kalayaan nang bonggang bongga. Laging inaabangan bawat taon. Kaso sa atin, isa lamang itong araw na walang pasok. Hay. Bakit kaya ganun ang mga Pilipino?

Pero hindi ko naman nilalahat. Napansin ko rin naman kasi na may mga tao pa rin na binibigyan ng halaga ang araw na ito. Kagaya ng lang ng DDB Cares na nag-organisa pa ng programa na Ako Mismo. At nakuha pa nilang gawing Ako Mismo: Dog Tag day ang araw na ito at may concert pa mamayang gabi. Nakakatuwa lang isipin na kahit papaano, may mga Pilipino pa rin na binibigyan talaga ng halaga ang araw na ito.
_____________________________________________________________________________________

Naisip ko lang rin. Dati pa kasi sinasabi ni papa sa amin na dapat ay Hulyo 4 ang araw ng kalayaan ng Pilipinas. At may punto naman siya dun. Paano ba naman kasi, nung idineklara ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12 ang kalayaan natin, di pa naman tayo talaga malaya. Malaya na nga tayo mula sa pamumuno ng Espanya, kaso nasa ilalim naman tayo ng pamumuno ng Estados Unidos. Kaya parang walang kabuluhan ang pagdedeklara ng kalayaan nung panahon na yun. Di kagaya kung Hulyo 4 ang kalayaan, mas makabuluhan ito dahil tuluyan nang ibinigay ng Estados Unidos ang ating kalayaan. Wala nang sumakop sa atin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pagkatapos ilipat ang araw ng kalayaan sa Hulyo 4, ay may naglipat na naman nito sa Hunyo 12. Hay. Ang labo talaga.

Thursday, June 11, 2009

Summer Vacation: Extended

0 comments

Pasukan na dapat namin nung tuesday. Kaso inurong sa susunod na linggo dahil sa banta ng A(H1N1).

Nung monday, pumunta ako ng UP kasi wala naman akong gagawin nun sa bahay. Tapos na ako magenroll nun, pero sinubukin ko pa ring kumuha ng PE. At sa kabutihang palad, nakakuha ako ng Taekwondo. Wala masyadong tao nun sa gym, kaya derecho agad ako sa loob para magprerog. At buti na lang marami pang slots sa Taekwondo. Pagkatapos ay naglunch kami nina Greggue, Michaelle at Jorge sa Mcdo Philcoa. Pagkatapos ay bumalik na kami sa UP. Si Greggue ay dumerecho na sa EEE, si Jorge naman ay umuwi na ata sa boarding house niya, at sinamahan naman ako ni Michaelle sa OUR para bayaran ang aking add mat na PE. At ayun ang mga nangyari nung araw na iyun.

Nung tuesday naman, nanood kami nina mama at papa ng Drag Me to Hell. Grabe! Ang corny talaga nun. Ok naman yung story. Nagustuhan ko naman. Tapos pagdating sa ending, wala na. Nakakainis na. Ang pangit na. Sobrang corny nung ending. Haha.

At kahapon, nung umaga, nag-bake kami ni mama. Tinulungan niya ako gumawa ng New York Cheesecake. Tapos siya naman ay gumawa ng refrigerator cake. Ayun, naenjoy ko naman yung paggawa ng cheesecake. Matrabaho nga lang saka time consuming. Kaso nung naluto na at tinikman na namin, nadisappoint kami. Ang pangit nung lasa, di lasang cheesecake. Sabi ni mama parang chupipay na recipe lang daw yung andun sa recipe book. Hay. Sayang.

Tas nung hapon naman, ginanahan akong ayusing ang aking kwarto. Haha. Sa wakas at nalinis ko na rin yung kwarto ko. At narearrange ko na rin. Hehe. Ayun, mas maluwag na ngayon ang space sa gitna.

At kagabi pala, dahil kay Tincy, ay naadik na ako sa www.omgpop.com. Isa itong website na puro games ang laman. Tapos pwede mong makalaro yung mga kaibigan mo. Ayun lang yung ginawa ko buong gabi. Kalaro ko nun sina Tincy at Rhayne sa Gemmers. Grabe! Sobrang sakit nung kamay ko kagabi sa kakapindot. Haha.

Tinatapos ko na rin palang basahin yung Harry Potter and the Deathly Hallows. Grabe pala, after two years, ngayong ko na lang ulit yun babasahin. Haha. Sana matapos ko na to bago pa magpasukan.

Sige, ayun na lang muna, magbabasa na ulit ako.

Sunday, June 7, 2009

Helpless

2 comments

Nahihirapan na ako. Hindi ko na alam kung ano bang dapat gawin. Hindi ko alam na darating pala sa ganitong sitwasyon. Sa loob lamang ng isang araw, ang dami kong nalaman. Dati ko pa naiisip ang mga bagay na ito. Kaso ayoko mag-assume. Dati kasi may mga nagalit dahil sa pagaassume ko. Pero tama pala lahat ng inassume ko. Grabe. Hindi ko na talaga alam ang dapat gawin. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong lapitan. Hindi ko alam kung kanino ako magoopen up sa mga bagay na ito. Nahihirapan na talaga ako. Kung pwede lang talaga ibalik ang oras at baguhin ang mga nagawa ko, ay gagawin ko yun. Kaso hindi naman iyun maaari. Nangyari na ang mga nangyari. Kasalanan ko ito, kaya dapat ayusin ko to. Kaso ang hirap e. Mahirap ipaliwanag sa kanila kung bakit ko yun nagawa. Hindi ko alam kung maiintindihan ba nila o hindi. Hay.

At nalalapit na ang espesyal kong araw. Dati ko pang binabalak na mag-celebrate kasama sila. Kaso pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba. Baka wala rin namang pumunta. (sorry sa ka-emo-han) Pero sa totoo lang, gusto ko pa rin ituloy dahil gusto kong makasama sa araw na iyun ang mga espesyal na taong naging parte ng buhay ko. Gusto kong i-celebrate ang 18 taong pamamalagi ko rito sa mundo kasama sila. Hay. Bahala na. Bahala na kung anong mga mangyayari.

Saturday, June 6, 2009

Enrollment

0 comments

Woot! Finally, enrolled na rin ako! And for the first time, natapos agad ako sa enrollment ko. Dati kasi, pasukan na ay di pa rin ako tapos. Pero grabe pa rin yung dinanas ko nitong nakaraang tatlong araw.

Day 1, wednesday:
Ito yung first day of enrollment. Dumerecho na muna ako sa Eng'g para tignan kung elige ako. Feeling ko kasi noon ay magiging inelige ako. At ayun nga ang nangyari, inelige ako. Kaya inayos ko na agad yun. Buti na lang maaga ako pumunta, at least nasa unahan ako ng pila. Pagkatapos ko maayos yun, pumunta na ako sa EEE kasama sina Alai, Karlo at Krisel para kunin ang mga form 5 at 5a namin.

Tapos kinelangan ko pang magprerog sa EEE 13. Kaso puno na lahat ng slots. Kaya sinubukin kong hanapin si sir Guinto. Kaso tuwing sabado lang pala siya nasa EEE. Kaya pinuntahan ko si ate Mimi ng admin para humingi ng tulong. Inemail niya si sir Guinto at balikan ko na lang raw bukas. Kaya wala na akong ibang nagawa nung araw na ito. Sinamahan ko na lang sina Greggue, Karlo, Eman, Troy at Bossing sa Eng'g habang hinihintay nila yung results ng ES 12.

Day 2, thursday:
Ito na yung pinakawalang kwentang araw ng enrollment. Dumerecho agad ako sa EEE para malaman kung nagreply na si sir Guinto. Kaso di pa rin nagrereply. Kaya nagantay muna ako saglit sa EEE. Tapos nakita ko si Lori, kulang pa pala siya ng ES 12. Kaya sinamahan ko na muna siya sa Eng'g. Pagdating doon, nakita namin sina Greggue, Karlo, at Gens. Nagusap-usap muna kami saglit. Tapos balak pa sana namin ni Lori na magprerog sa GE 1. Kaso di na pala pwede. Tapos bigla na lang nagbrownout.

Bumalik na muna kami ni Lori sa EEE. Habang papunta kami dun, nagulat na lang kami sa nakita namin sa may MSI. Halos lahat nung mga malalaking puno ay natumba. Tas may isang puno na sumabit sa mga cable ng kuryente. Kaya siguro nagbrownout. Parang may dumaan na ipo-ipo e. At tama pala kami, may ipo-ipo ngang dumaan. Kaya pala sobrang laki ng nagawang damage. Pagdating namin sa EEE, lahat ng tao nasa labas. Wala kasing kuryente sa loob. Kaya nagstay na muna kami ni Lori doon.

Tas maya-maya, nakita ko si kuya Randy, yung isa pang prof ng EEE 13. Kaya nilapitan ko siya agad para matanong kung pwede ako magprerog. Sabi niya titignan pa niya at balikan ko na lang daw siya bukas. At ayun, mejo nabuhayan na ako nun. Kasi nga may dalawa na akong options. Kaya ayun lang yung nagawa kong may sense nung araw na iyon.

Tas naglunch kami ni Lori sa Casaa. Tas dumerecho na siya sa dorm. At ako nama'y pinuntahan sina Rhayne sa Eng'g. Mag GE hunt na sana kami, kaso pagdating namin sa AS, sinabihan kami ng guard na suspended na nga raw yung enrollment. Kaya ayun, wala na naman kaming napala sa araw na ito.

Day 3, Friday:
Ito yung pinakasuccessful kong araw. Pagdating ko sa EEE, hindi pa nagsisimula yung enrollment. Kaya naghintay muna ako. Tas maya-maya ay dumating sina Rhayne at Jelo. Nagusap lang saglit, tas nung pwede na magenroll, naghiwa-hiwalay na kami. Pinuntahan ko agad si sir Randy. At ayun, pinayagan niya akong magprerog! Yehey!

Tas sumama muna ako kina Rhayne, Karlo, Lori, Wes at Bosing na mag GE hunt. Kaso wala rin kaming nakita. Kaya bumalik na muna kami sa EEE. Nagpavalidate na muna ako. Tas nung nakita ko sina Rhayne at Wes, nakapagprerog na rin sila sa EEE 21. Kaya ok na rin sila.

Naglunch na muna kami. At pagkatapos nun, nagpa-assess na ako at pumunta na ng OUR para magbayad. Mahaba yung pila, pero mabilis naman gumalaw. Kaya ayun, nakapagbayad na ako at natapos na rin ako sa enrollment!

Grabe. Tuwang-tuwa ako dahil natapos na rin ako sa paghihirap ng enrollment ^_^

Monday, June 1, 2009

White Horse

0 comments

The first time I heard this song was while watching Grey's Anatomy. I instantly knew from the voice that it was Taylor Swift. So I immediately googled the lyrics and found out that it was entitled as White Horse. So I downloaded the song and I instantly fell in love with it. And recently, while watching MTV, I saw the music video for the first time. So I tried to watch it again at www.youtube.com. But unfortunately, I couldn't find a decent video. So I just downloaded the music video from Limewire. And here it is! Haha. I hope you enjoy it. Btw, it's a sad song. :(



P.S. Tincy! Ito na yung video! Hahaha!