Thursday, May 28, 2009

Insomnia

Wala lang ang post na ito.

Ilang araw na akong nahihirapang matulog sa gabi. Ang dami kasing bumabagabag sa isipan ko. Ito kasi yung time na pinagiisip-isipan ko ang mga bagay-bagay. Tas laging yun yung problemang naiisip ko. Hay. Nakakainis lang. Naiirita na talaga ako rito. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga ganung tao. Ikaw na nga itong nagpapakita ng concern sa problema niya, di ka pa rin niya pinapansin. Nakakainis lang. Bahala na nga siya sa buhay niya!

Isa ko pang iniisip ay yung mga kaibigan ko e. Ewan. Sa totoo lang, di ko na alam kung sino ba talaga ang mga tunay kong kaibigan. Para bang nawala na lang bigla yung mga pinagsamahan namin dati. Ewan ko lang, pero feeling ko may something sila sa akin kaya nagkaganito. Ewan ko ba. Kaya pag may problema ako, di ko alam kung sino ang lalapitan ko. Kaya siguro dito ko na lang binubuhos lahat sa blog ko. Parang ito na yung ginagawa kong outlet. Hay.

Pero thankful pa rin ako dahil kahit papaano, may mga tao pa ring anjan sa tabi ko, nagpapakita ng concern pag may problema ako. Salamat talaga. Naaappreciate ko talaga yun (cozy) Kilala niyo na kung sino-sino kayo. ^_^

Ayun. Hay. Buhay nga naman o. Hindi mo talaga alam kung anong ieexpect mo.

4 comments:

alai.^^ said...

aaaaw.:D

kerii lang yan.:)

aja lang.:D makikita't makikita mo rin naman kung sino talaga sa kanila yung tunay at hindi eh.

kung hindi sila totoo, kerii lang.:D

[tinamad akong magbukas ng acct ko.:D]

Patrick said...

Yeah. Minsan kasi hindi ko na alam kung totoo pa ba sila or nakikipagplastican na lang. Hay. Ayun. Anyway, salamat sa pagdaan (cozy) Kita kits na lang sa enrollment. Hehe.

Mike said...

ganun tlga. darating at darating yung time na mawawalan ka ng tiwala sa mga inaakala mong kaibigan. minsan dahil bitch sila, o kaya dahil ikaw ang bitch, or both. nasayo na yun kung papanuorin mo lang ba habang gumuguho lahat ng pinagsamahan nyo o may gagawin ka at di ka matatakot na i-confront sila and all.

wow, look who's talking daw.

pero minsan naman kasi, namimili ang isang problemadong tao kung sino yung gusto nyang lapitan. kaya hindi ka dapat magtampo sa kanya. i know thankful naman yan kung sino man yan dahil concerned ka e. :)

Patrick said...

Oo. Alam ko namang naging bitch kami sa isa't isa. At tintry ko naman ayusin ang relasyon namin. Kaso habang tumatagal, ang dami kong nalalaman e. Yung tipong akala mo ok na ang lahat. Tas mamaya malalaman mo na lang na may something pa pala.

Anong "look who's talking daw?"

Ahh. Sa bagay, ganun din naman ako, minsan namimili. Pero sana nga totoo yang sinasabi mo, na thankful yung taong yun.