Last monday, maagang natapos ang Philo 1 namin. May dalawang oras pa bago ang klase ko sa ES 11. Kaya ang ginawa ko na muna ay maglakad sa acad oval. Nakalimang ikot din ako. Hahaha. At habang naglalakad ay marami rin akong napagisip-isip.
Isa na rito ay yung tungkol sa isa kong kaibigan. Nagtampo kasi siya sa akin. Di ko kasi siya nasamahan sa despedida ng dati naming kaklase. E gustong-gusto pa naman niya pumunta. Naguguilty tuloy ako. Ang sama-sama kong kasi kaibigan sa kanya, or rather, bestfriend. Ganyan ang turing niya sakin. Isa sa kanyang mga bestfriends. Ganyan din naman ang turing ko sa kanya. Kaso, hindi na ata tamang tawagin na magbestfriends kami. Siguro close friends lang, pero hindi bestfriend. Ang pagkakaalam ko kasi sa magbestfriends ay alam niyo ang lahat tungkol sa isa't isa. Lagi kayong nagoopen up sa isa't isa. E kaso hindi na kami ganun e. Oo, simula pa lang nung prep ay magkakilala na kami. Hanggang elementary at high school ay magkasama na kami. Siguro dun ay bestfriend pa ang matatawag ko. Kaso, simula nang magcollege na kami, hindi na kami masyadong nakakapagusap. Parang naputol na lang bigla ang koneksiyon namin sa isa't isa. Halos wala na nga akong alam tungkol sa kanya ngayon e. Konti na lang ang alam ko sa kanya. Saka ako mismo ay hindi na rin nagoopen up sa kanya. Kaya minsan gusto ko sabihin sa kanya na wag mo na akong tawaging best. Ni hindi na nga natin kilala ang isa't isa e.
Hay. Ano sa tingin niyo?
Yung isa pa sa mga napagisip-isip ko ay yung tungkol sa kanya. Wag niyo na tanungin kung sino siya. Basta siya. Haha. Ayun. Napagisip-isip ko kung bakit ako ganito sa kanya. At ang naconclude ko lang ay baka dahil ini-idolize ko siya, at gusto ko maging parte ng buhay niya. Ayun lang yung naiisip kong dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Kaso nakakainis na. Sinabi niya kasi dati na hindi raw kami nagtutugma. Kaya ako na mismo yung gumagawa ng paraan para magkakilala kami. Kaso, ako lang yung gumagawa ng paraan e. One-way lang yung nangyayari e. Hindi man lang siya magpakita ng effort (or not). Ayaw naman ata niya e. Kaya ako naiinis dahil ang dami ko na ngang effort na ginagawa, kaso di naman ata niya yun nakikita. Wala lang ako sa kanya. I'm just an insignificant being sa buhay niya na kahit mawala ako ay ok lang sa kanya. Hay. Grabe lang. Kaya ngayon, mejo lumalayo na rin ako sa kanya. Ayaw ko nang makialam sa buhay niya.
Ayan. Anong masasabi niyo?
Ayan! Nailabas ko na rin ang mga saloobin ko. Sorry sa kadramahan at ka-emohan. Ang tagal ko ring pinagisipan kung ipopost ko ba ito o hindi e. Bahala na. Sana magbigay kayo ng mga comments/suggestions kung anong dapat kong gawin, kung naiinis/naiirita ba kayo sa akin, etc. Kung mabasa man nila ito, which I highly doubt, sorry. Gusto ko lang talaga ilabas itong mga nararamdaman ko. Sana hindi magbago yung tingin niyo sa akin. Pero ASA naman. Syempre magbabago rin ang tingin niyo sa akin.
Saturday, May 2, 2009
Enlightenment?
written by Patrick at 8:25 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
ayos lang yan, patrick. =]
di ka nag-iisa! haha.
kung kailangan mo ng kausap, andito lang ako. =]
bakit naman nagdadalawang isip ka e blog mo naman ito. kung nag-aalala ka, itago mo na lang name, tulad ng ginawa mo.
kaya mo yan. sabi na di pa rin tapos yang issue na yan. pffft.
tincy: Salamat! ^___^
michaelle: Anong issue? Hahaha. Iba naman itong sinasabi ko rito e. Haha.
na di ka nya pinapansin and all. na feeling mo significant being ka sa life nya? something. un ang sinasabi ko. hindi rin ba yun? e ano?
michaelle: Huh? Ayan din ba yung dati? Haha! Ang alam ko iba yung issue ko dati. Kaso nakalimutan ko na kung ano. Haha.
oo. isa rin yan sa mga issue. isa. meron pang isa. haha.
:)
michaelle: Talaga? E ano yung isa?
na na-o***** ka.
or not.
siguro yung kumuha ng class card. hahaha tas nagalit sya or whatever.
ang dami pala.
ay heLL0h pFuoh, hekhekhekzzz!,,
nPadaAN LanG pFu0h me xa bL0g niy0h poh. hih!hihi ,,,,! iN L0ved po bA kayoW d0on xa mY issxu..?? hekhekzz hihi,, aY0wn lang pfu0h..! hi! pfu0h! ulHet! hihihi....,,,
michaelle: Ok. Edi ako na yung maraming issues sa kanya. Anyway, tapos na rin yung iba dun. Saka ayaw ko na rin isipin yung mga yun. Tama na. Haha.
_+LhadHee_TeeNaPah..20vhentE20..+_: Hindi po ako inlove sa kanya. Bwahaha! Sino ka po pala?
ok. haha
gusto kong magreact dun sa sumunod sken. nkka-putang ina lng ung name mo ska way of writing. pasensya na. ayoko tlga s mga ganyan e.
feeling ko si Anonymous yan.
bwahaha.
natawa ako sa last comment ni michaelle. nakakasakit ng ulo ung spelling. XD
michaelle: Hahaha! Kalma ka lang Mykel. Hehe.
tincy: Hahaha! Onga e. Pero wala na tayong magagawa. Ganun talaga siya magtype e. Kung sino man yun.
Post a Comment