Tuesday, September 1, 2009

Random Thoughts

Grabe! Ang tagal ko nang di nakakapagkwento rito. Sobrang busy kasi e >__<

Anyway, san nga ba ako magsisimula? Hahaha!

Hmm...

> Last thursday ay ang aming pangatlong swEEEts day. Una naming ginawa ay magpakalunod sa desserts sa Chateau Verde. Ang sasarap talaga! Nabusog kami dun e. Tapos naisipan naming magisaw sa tapa ng College of Law. Pagkatapos ng first round ng isaw, nakulangan pa kami, kaya nilibre ko na lang yung second round. Haha! Ayun, sobrang busog namin nung hapon na iyon.

> Pagkatapos ng exam namin sa EEE 13 nung sabado, nag-gate crash kami nina Alai, Joe, Joan, kuya Rolf at kuya Cocoy sa NostalgYIA. Parang farewell party ata yun sa Yia Hall. Gigibain na kasi ito para tayuan ng bagong gusali. Ayun, ang saya. May mga foods pang natira pagdating namin. At kamusta naman, puro profs ang nandun! Hahaha! Kakapiranggot lang yung mga estudyante. Tapos tinour din kami dun sa dapat na EEE 44 lab. Ayun, ang cool lang nung mga nangyari. Hehe.

> Ang saya rin ng UPCAT ng mga apps kahapon. Hahaha! Nakakatuwa talaga. Ang kulit pa nung pinagawa namin sa station namin. Dahil fin station yun, ang task nila ay magbenta ng isang paper clip kahit kanino. Piso lang naman. Ayun, yung iba magaling dumiskarte, yung iba hindi. Wala lang. Naenjoy namin ng bongga ni AJ yung mga oras na yun, lalo na siya. Hahaha!

> Kinakabahan talaga ako sa EEE 25. Di ko alam kung babagsak ba ako o hindi. Nahihirapan talaga ako e. Di ko masyadong gets yung mga lessons. Di ko tuloy alam kung tama ba yung mga pinaggagagawa ko kahapon sa exam >__<

> Nahihirapan na rin ako sa EEE 13. Pinagiisipan ko na tuloy kung iddrop ko ba o hindi. Sina Lorr, Anna at Lei kasi ay nagdrop na. Si Alai naman pinagiisipan din niya. Ako naman kasi, kaya ko naman kasi yung lec. Ang lab ang problema ko. Nahihirapan kasi talaga ako sa MP. Obviously di ko yun matatapos. Kaya kinakabahan ako kung papasa ba ako o hindi. Nanghihinayang din akong idrop kasi sayang naman yung lahat ng pinaghirapan ko. At saka, second take ko na kasi ito e. Tapos iddrop ko pa? Haaay >___<

> Haaay. Pasensya na kung may mga times na ang emo ko sa plurk. Bumabalik lang kasi ako sa pagkainis sa kanya. Feeling ko kasi balik ulit kami sa hindi pagpansinan. At naiinis na talaga ako. May pride pa kasing nalalaman e. Ang sabi sa akin kanina ni Alai, ako na lang yung unang lumapit. Ang sa akin naman kasi, napapagod na ako. Ako na lang lagi ang gumagawa ng paraan. Ako na lang lagi ang unang lumalapit. Di man lang siya mageffort. Kung ayaw niya, edi wag.

> Naguguluhan din ako sa mga nararamdaman ko para sa kanya. Saka di rin ako consistent sa kanya. May mga times na ang sarap ng paguusap namin, may mga times na hindi, at may mga times na di kami nakakapagusap. Ayun, may nagsasabi sa isipan ko na ligawan ko na siya. Kaso, wala akong alam. At natatakot ako. Feeling ko naman e wala ring mangyayari sa amin. Hanggang sa pagiging friends lang. Haaay. Di ko na talaga alam ang gagawin ko >____<

5 comments:

Lea said...

*huggles*.. bitch nga ang 13 lab..

nahirapan din ako sa EEE 25.. nablangko ang utak ko sa full wave rectifier prob.. leche much

Let's go to Chateau Verde next.. dapat marami tayo.. haha.. stress relief ang pagkain

alai said...

gusto kong matry yung blueberry cheese cake sa Chateau.:D

Patrick said...

@Lei: haha. sana lang talaga maipasa ko na to.

awww. kung ano-ano na nga lang mga pinagsusulat ko dun e >_<

yeah! para matry ko rin yung iba :p

@alai.^^: ako rin. gusto ko rin matikman para malaman kung masarap din dun. haha!

ajbugek said...

haha. ang ganda ng view sa carillon. (mmm)

Patrick said...

@ajbugek: adik ka (lmao)