Tuesday, December 30, 2008

And Her Name Was Arya Laurel

Sa wakas at nanganak na rin ang ate ko. Ilang araw na rin kaming naghihintay. Halos araw-araw e kinakausap namin siya sa YM. Kinukulit kung manganganak na ba siya. Haha. Nasa San Francisco, California kasi sila ng asawa niya.

At kaninang madaling araw, mga 1:30AM, ay biglang nagtext sa akin si Vince. Nasa ospital na raw sila. Natuwa naman ako kaya bumangon agad ako pa
ra sabihin sana kina Mama at Papa. Kaso tulog na sila, kaya ipinagpaliban ko na muna.

Nagising ako ng mga 7AM. Pagtingin ko sa cellphone ko
e nagtext na ulit si Vince. Nanganak na raw si Sheryl ng 11:12AM sa kanila at ang ipinangalan nila ay Arya Laurel. Ngayon lang namin nalaman yung pangalan nung baby. Nakuwento kasi ni Mama na tinanong daw niya dati si Sheryl kung anong ipapangalan niya sa anak niya. Ang sabi ni Sheryl ay may dalawang pangalan silang pinagpipilian. Ayaw niyang sabihin sa amin kung ano. Surprise daw. Papangalanan na lang daw nila pag labas na mismo nung baby. Kung ano daw sa feeling nila ang maganda.

At ayun, may nadagdag na ulit sa aming pamilya. Si Arya Laurel de Leon. At natuwa ako dahil ako pa ang unang nakaalam. ^_^

0 comments: