Sunday, October 19, 2008

Hello Sembreak

Woot!

Sembreak na rin sa wakas! Pagkatapos ng ilang linggong paghihirap at pagsusulit, natapos na rin!

Grabe! Ang dami kong gustong gawin ngayong bakasyon. Isa na dun ay mabasa na yung mga nobela na matagal ko nang gustong basahin. Sa ngayon, tinatapos ko na ung Angels and Demons na isinulat ni Dan Brown. Mga susunod ko namang babasahin ay Deception Point, Digital Fortress, Harry Potter and the Deathly Hallows, The Alchemist, at A Walk to Remember. Sana nga lang ay mabasa ko lahat ito.

Gusto ko rin pala matutong tumugtog ng gitara. Naiinggit kasi ako dun sa mga marunong. Haha. Sana nga lang pumayag si Mama na bumili.

Siyempre hindi mawawala ung DVD marathon. Ang balak kong panoorin ay Grey's Anatomy Season 4. Kaso bibili pa ako ng DVD.

Gusto ko rin palang ayusin ung Friendster, Multiply, at Blogger accounts ko. Gusto kong i-makeover ulit. Hahaha.

Hmm. Ano pa ba? Wala na ata e.

Ayun! May mga nakaplano na rin palang mga gagawin.

Una sa lahat ay yung FR namin. Gaganapin ito mula October 21-22. Ayun. Sana maenjoy ko ito. Sabi kasi nila masaya ito e.

Tapos kaarawan din pala ni Alyssa sa October 27. Dapat may party, kaso nagkaproblema. So magpapakain na lang siya. At nararamdaman kong magiging overnight to. Hahaha!

Tapos magoovernight din pala samin sina Jansie, Reyson, Kylie, at Angel. Reunion namin. Kaso mukhang malabo. Wala kasing sembreak si Jansie e. Tri-sem kasi sila. Anyway. Bahala na lang.

So ito sa ngayon ang mga gagawin ko ngayong sem break. Sana magawa ko lahat ng mga ito.

Enjoy your sembreak guys! ^_^

4 comments:

kona-chan rules the world ^_^ said...

Haha, ako rin! Marami rin akong gustong gawin ngayong sembreak!

At FYI, sa FR, mems lang ang mag-eenjoy >:) wee.

Patrick said...

ganun?? o cge na.. kayo na ung mageenjoy at kami na ung magdurusa..

alai said...

hahay. di ko alam kung matutuwa ba akong sembreak na o hindi eh. nabbother paren ako sa 33. TT___TT

woot~! gowness saten.:D

Patrick said...

tanggap ko na kasi kung ano man ang kahihinatnan ko dun e..

hay.. Godbless na lang satin.. :D