Friday, June 12, 2009

Independence Day

Ngayon ang ika-111 na taon ng araw ng kalayaan ng bansang Pilipinas. Ngunit para bang hindi na ito mahalaga sa mga Pilipino. Naaalala ko pa nung bata ako na bongga yung mga pagdiriwang sa araw na ito. Lagi may parada at programa sa Luneta Park, may mga paputok sa gabi. Tapos naaalala ko rin na nagsasabit kami ng bandila noon sa labas ng bahay namin. Kaso ngayon, parang wala na lang ang araw na ito. Di ko man lang naramdaman na araw ng kalayaan pala ngayon. Buti pa sa ibang bansa, tulad ng Estados Unidos. Taon-taon ipinagdiriwang nila ang kanilang araw ng kalayaan nang bonggang bongga. Laging inaabangan bawat taon. Kaso sa atin, isa lamang itong araw na walang pasok. Hay. Bakit kaya ganun ang mga Pilipino?

Pero hindi ko naman nilalahat. Napansin ko rin naman kasi na may mga tao pa rin na binibigyan ng halaga ang araw na ito. Kagaya ng lang ng DDB Cares na nag-organisa pa ng programa na Ako Mismo. At nakuha pa nilang gawing Ako Mismo: Dog Tag day ang araw na ito at may concert pa mamayang gabi. Nakakatuwa lang isipin na kahit papaano, may mga Pilipino pa rin na binibigyan talaga ng halaga ang araw na ito.
_____________________________________________________________________________________

Naisip ko lang rin. Dati pa kasi sinasabi ni papa sa amin na dapat ay Hulyo 4 ang araw ng kalayaan ng Pilipinas. At may punto naman siya dun. Paano ba naman kasi, nung idineklara ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12 ang kalayaan natin, di pa naman tayo talaga malaya. Malaya na nga tayo mula sa pamumuno ng Espanya, kaso nasa ilalim naman tayo ng pamumuno ng Estados Unidos. Kaya parang walang kabuluhan ang pagdedeklara ng kalayaan nung panahon na yun. Di kagaya kung Hulyo 4 ang kalayaan, mas makabuluhan ito dahil tuluyan nang ibinigay ng Estados Unidos ang ating kalayaan. Wala nang sumakop sa atin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pagkatapos ilipat ang araw ng kalayaan sa Hulyo 4, ay may naglipat na naman nito sa Hunyo 12. Hay. Ang labo talaga.

7 comments:

Melai said...

papalakpakan na lang kita bamberz :D

wala akong nagets. HAHA.


DE, seryoso.

hindi ata affiliated ang Ako Mismo sa ABS-CBN. Boto Mo, I-Patrol Mo yung election primer nila. XD

yun lang. thank you, judges. *bow*

Patrick said...

@Melai:

Grabe naman. Hahaha.

Edi ako na yung nagaassume na ABS-CBN ang nagorganisa nun. Haha.

Ayan, nakita ko na kung sino talaga yung nagorganisa, DDB Cares. Hehe.

Anyway, salamat ^^,

Anonymous said...

i agree. dapat july 4. XD pero. malaya na nga ba talga tayo sa foreign rule? *winks*

Patrick said...

@Anna:

Haha. Well at least wala nang sumasakop sa atin by that time. Although ayun nga, like what you said, parang umaasa pa rin tayo sa ibang bansa like USA. But still, may sarili na rin tayong pamahalaan. :D

Mike said...

well, ikaw na nagsabi na kalayaan mula sa mga Espanyol yung June 12 celeb. kaya siguro mas nicecelebrate. kasi (mas) madugo yung experience with them kaysa sa mga Amerikano.

and come on, look at the irony. hindi tayo tunay na malaya mula sa ibang bansa (which is not evident dahil colonial mentality lang naman ito, at pinangungunahan ng USA syempre) at nilipat mula July 4 ang independence day. kasi nga di naman tayo tunay na malaya.

at siguro kasi mas maaksyon ang nangyari noong June 12. xD

Patrick said...

@Michaelle:

Kaya nga ginawang July 4 yung independence day natin ng America ay dahil tuluyan na nilang binigay ang ating kalayaan nun. Di kagaya nung June 12 na di pa naman tayo tuluyang malaya.

Saka diba ang ibig sabihin ng independence day ay araw kung saan naging malaya ang isang bansa. Ito dapat yung araw na nagkaroon na tayo ng sariling pamahalaan. Ito yung araw na malaya na ang isang bansa mula sa mga sumasakop nito. E kung June 12, di pa naman tayo malaya nun diba? Di kagaya ng July 4, wala nang sumasakop sa atin. Pinakawalan na tayo.

Kaya parang walang sense kung June 12 ang independence day natin.

Patrick said...

Dagdag ko lang pala. Mali pala yung nalagay ko na si Diosdado Macapagal yung nagtatag na July 4 ang independence day ng Pilipinas. Mga Amerikano pala ang nagtatag nun. At si Diosdado ang naglipat ulit sa June 12. At mula sa mga narisearch ko, ang dahilan daw kung bakit niya yun nilipat ay dahil lang sa galit siya sa mga Amerikano.