Nahihirapan na ako. Hindi ko na alam kung ano bang dapat gawin. Hindi ko alam na darating pala sa ganitong sitwasyon. Sa loob lamang ng isang araw, ang dami kong nalaman. Dati ko pa naiisip ang mga bagay na ito. Kaso ayoko mag-assume. Dati kasi may mga nagalit dahil sa pagaassume ko. Pero tama pala lahat ng inassume ko. Grabe. Hindi ko na talaga alam ang dapat gawin. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong lapitan. Hindi ko alam kung kanino ako magoopen up sa mga bagay na ito. Nahihirapan na talaga ako. Kung pwede lang talaga ibalik ang oras at baguhin ang mga nagawa ko, ay gagawin ko yun. Kaso hindi naman iyun maaari. Nangyari na ang mga nangyari. Kasalanan ko ito, kaya dapat ayusin ko to. Kaso ang hirap e. Mahirap ipaliwanag sa kanila kung bakit ko yun nagawa. Hindi ko alam kung maiintindihan ba nila o hindi. Hay.
At nalalapit na ang espesyal kong araw. Dati ko pang binabalak na mag-celebrate kasama sila. Kaso pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba. Baka wala rin namang pumunta. (sorry sa ka-emo-han) Pero sa totoo lang, gusto ko pa rin ituloy dahil gusto kong makasama sa araw na iyun ang mga espesyal na taong naging parte ng buhay ko. Gusto kong i-celebrate ang 18 taong pamamalagi ko rito sa mundo kasama sila. Hay. Bahala na. Bahala na kung anong mga mangyayari.
Sunday, June 7, 2009
Helpless
written by Patrick at 12:28 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
*huuuuuuug*:)
Salamat Alai! (cozy)
Post a Comment