Saturday, March 28, 2009

Timezone

Sa mga nakalipas na araw, halos lagi na akong nasa Techno Hub tuwing pagkatapos ng klase o exam para kumain sa KFC at maglaro sa Timezone.

Nung tuesday, may klase dapat kami sa EEE 23 Lec. Kaso nilipat sa wednesday. Kaya kumain kami nina Jelo, Greggue, Loribelle, Dondon, Michaelle at Jorge sa Tree House. Pagkatapos kumain ay dapat uuwi na kami. Kaso biglang nagkayayaan. Kaya nagpunta kami sa Timezone. Si Greggue ay di na nakasama dahil may klase pa siya. Pagdating namin doon, naglaro kami agad. Sina Michaelle at Jorge ay nag-karaoke. Samantala kami nina Jelo at Dondon ay naglaro ng basketball at DDR. Si Lori naman ay naglaro rin. Kaso di ko na alam kung ano yung mga nalaro niya. Ang galing naming CR buddies. Habang tumatagal e nag-iimprove na kami sa DDR. Kahit saglit lang kami dun e sobrang saya. Pagod na pagod kami saka tumutulo na yung mga pawis namin.

Nung wednesday naman, may exam kami sa EEE 23 mula 1 PM hanggang 4 PM. Pagkatapos ng exam, bigla na lang ulit nagkayayaan. Sa Techno Hub na naman. Mga kasama ko nun ay sina Jelo, Greggue, Lori, Michaelle, Jorge, Dondon, at Gens. Kumain muna kami sa KFC. Tapos nagbaraha saglit. Pagkatapos ay dumerecho na kami sa Timezone. At kagaya ng dati, naglaro ulit kami ng bonggang bongga. Nagbasketball, DDR, Dance Maniax, Air Hockey, at marami pang iba. Si Greggue e sobrang galing sa basketball. Ang tataas ng scores. Tapos kami namang CR buddies ay todo ang improvement sa DDR. From light, triny na namin ung standard. Tapos imbes na 4 steps e 5 steps na. Ang galing talaga. At as usual, pagod na pagod kami at basang basa sa pawis. Pero sobrang saya talaga nun.

At kanina ang pinaka-latest kong punta run. Kasama ko sina Jelo, Greggue, Dondon at Karlo. Pagkatapos ng finals namin sa Math 55 ay pumunta muna kami sa Eng'g Lib II para samahan sina Wes at Troy. Titignan kasi nila kung exempted ba sila sa EEE 35 finals. Pagkatapos ay nagpunta naman kami sa Eng'g para asikasuhin naman ang ES 11. At pagkatapos ng lahat ng ito ay dumerecho na kami sa Techno Hub. Kumain muna kami sa KFC, naglaro ng baraha at nagpalipas muna ng oras. 12 NN kasi nagbubukas yung Timezone. Pagdating ng 12 ay dumerecho na kami run. Naglaro kami ng basketball, DDR, Dance Maniax, Tekken 6, Drum Mania at kumanta. Hindi masyadong pinalad kaming CR buddies sa DDR. Hindi ko alam kung bakit, pero halos lagi na kaming namamatay. Di na kami masyadong makakumpleto ng kanta. Nakakalungkot lang. Hay. Pero anyway, ayun, super saya pa rin. At as usual ay pagod na pagod kami at basang basa ng pawis. Hahaha.

Ayun. Grabe. Sobrang saya talaga. Sana madalas pa rin itong mangyayari. Ang saya kasi e. At nakakabond ko pa sila ng bonggang bongga. Kaya sana talaga e maulit ito. Salamat talaga sa inyo guys! ^_^

6 comments:

Jelo said...

Woot woot. haha. ang saya saya talaga. (party) nakakaadik magDDR XD. may alam ka bang malapit na quantum? haha. gusto ko kasi talaga ung dance maniax na five songs eh. saya nun. la lang.

Patrick said...

Hahaha! Oo grabe! Super nakakaadik! Huli akong nakalaro nun ng bonggang bongga e nung elementary pa. May dance pad kasi kami nun sa Play Station. Kaya ayun. Hahaha.

Hmm. Sa SM Marikina ata meron. Hindi ko lang alam kung Quantum o Power Station. But I think e Quantum.

Jelo said...

Power Station din, 5 songs per laro.

Patrick said...

Ahh. Edi yun. Sa SM Marikina. Hahaha. Kaso mahal sa Power Station diba? XD

Jelo said...

Hindi ko lang sure. XD may card ako nun eh. ung sa MoA, dun ako nagregister/nagpamember. hehe. la lang.

Patrick said...

Ahh. Hahaha! May card din ako dati sa Quantum at Power Station. Di ko lang alam kung asan na yung mga yun ngayon. Hahaha.

Sabi sa akin nung kaklase ko na Power Station daw ung pinakamahal. Sunod yung Timezone, tas pinakamura yung Quantum. La lang. Hehe.