Sunday, March 29, 2009

Phone

Nung high school pa kami, halos lagi kaming nag-uusap nung isa sa mga bestfriends ko sa Marist sa telepono tuwing gabi. Minsan inaabutan na kami ng madaling araw. Tapos kung ano-ano lang yung mga pinaguusapan naman. Kaso pagdating ng kolehiyo, mejo natigil na ito. Busy na rin kasi kami sa pag-aaral. Tapos kagabi, bigla na lang siyang nagtext. Tawag daw ako. Ayun, pagkatapos ng ilang buwan, nakapagusap na ulit kami ng bonggang bongga.

Grabe! Ang dami naming napagusapan kagabi. Nag-update muna kami sa isa't isa. Nagkamustahan sa buhay. Ayun, ang dami kong nalaman na bago mula sa kanya. At natawa talaga ako nung nakuwento niya sa akin na may binigyan siya ng bulaklak nung Valentine's day. Hahaha. Wala lang. Parehas kasi kaming may ginawa nung Valentine's day. Ang binigay ko naman nun ay chocolates. Hahaha. La lang.

Tapos bigla na lang kaming nagchismisan tungkol dun sa dalawa naming kaklase nung high school. Grabe lang ung mga nalaman ko dun sa isa. Karamihan nung chismis e nanggaling sa akin. Tapos tawa ako ng tawa. Ang tagal niya kasing maka-get over dun sa sinabi ko. Para ba kasing "avalanche of information" ung mga nasabi ko. Hahaha! Grabe lang. Tas nagulat din ako sa sinabi niya tungkol dun sa isa. Hahaha. Grabe talaga yung mga nalaman namin kagabi. Hahaha.

Ayun, natapos kaming magusap ng mga 12:30 AM na ata kanina. Na-low batt na kasi ung cordless phone na gamit ko. Kaya ayun.

Grabe. Namiss ko talaga yung mga times na yun. Sana dumalas na ulit ung paguusap namin. Kaso busy din kami ngayong summer e. May summer classes ako. Siya naman ay may intern sa St. Luke's. Bahala na lang. Hahaha.

0 comments: