Saturday, March 7, 2009

Friends Over Org

Ayon sa pamagat, ganyan ang nangyari kanina.

Nagsimula ang araw ko sa CWTS. Grabe! Sobrang nakakapagod ung CWTS. Una naming ginawa ay yung practicals ng rappelling. Nag-walk down at fade away kami. Tas tinuro naman yung ascending. Tas pinagawa rin samin yun. Grabe! Mejo nahirapan ako dun sa ascending. Nakakangawit kasi. Pero masaya naman. Hahaha.

Pagkatapos ng CWTS ay dapat pupunta na ako ng SquEEEze. Isa ito national EEE quiz show na inorganize ng aking org na UP Circuit. Ayun, tinamad ako. Hahaha! Kaya sumama na lang ako kina Treena, Jelo, at Dondon, at nanood na lang kami ng game ni Greggue. Sayang, di namin siya naabutan. Pagdating kasi namin ay 4th quarter na. Tas ayun, nanalo sila! Hehehe.

Pagkatapos nun ay kumain kami sa KFC sa Techno Hub. Pinagusapan na rin namin yung reunion ng VANIteam, at pati na rin ung block shirt namin. Ayun, napakasaya! Hahaha.

Pagkatapos ay nag-Timezone kami. Wala na si Treena rito. Nauna na siya. Sobrang naenjoy ko ung paglalaro namin dito. Nagbasketball muna kami, tas nag Dance Dance Revolution, tas kumanta, at bago umuwi ay nag Dance Maniax. Grabe talaga kanina! Ang dami naming nalarong libre! Hahaha! Nagsimula yun sa Dance Maniax. Bagong lagay lang kasi iyun. Tas nakita namin na may credits pa. Edi nilaro namin! Hahaha! Tas nung nagbabasketball na kami, akala namin ay sira yung isa doon. Edi sinabi namin kay kuya, sabi niya ayus pa yun. Tas ni-swipe niya yung card niya. Tas sabi niya laruin na raw namin. Ayun, nakalibre kami ng isang laro! Hahaha! tas nung binalikan namin ulit ung sa basketball, may nakita na naman kaming may credit pa dun sa isa. Nilaro na rin namin yun. Tas pati na rin sa Dance Dance Revolution, may credits din. At as usual, nilaro rin namin. Grabe lang talaga! Sobrang saya namin nun! Ang daming libre! Hahaha! tas nung nagkantahan na kami, grabe lang si Greggue. Parang may tama siya nung mga oras na yun, bawat kanta na makita niya sa song list e bigla na lang niya kinakanta. Tas nakakatawa pa ung pagkakakanta niya. Tas kami naman nina Jelo at Dondon e pumipiyok-piyok habang kumakanta. Ang tataas kasi nung ibang mga kanta! Hahaha.

Natapos na kami ng mga 7 PM. Hahaha.

Sobrang saya talaga ng araw na ito. Worth it yung hindi ko pagpunta sa SquEEEze. Feeling ko rin naman kasi ay wala naman akong gagawin dun at di naman ako kailangan. Kaya ayun. Pero patawad na rin dahil di ako nakapunta. Anyway, maraming maraming salamat kina Greggue, Jelo, Dondon, at Treena. Napakasaya ng araw ko kanina. ^_^

2 comments:

Jelo said...

Yes.

saya-saya.

naulit pa.

sana may mga susunod pang ganito.

Yes.

Patrick said...

Hahaha. Kaso patapos na ang sem e. Last 2 weeks na lang. Ang sad :(