Saturday, May 23, 2009

Last Week of Summer Classes: Tuesday

Tuesday, May 19:
Nakakainis si sir. Di niya kami tinanong about sa progress ng aming research. Nanakot lang. Nakakainis. Hay. Pero ok lang. At least may nahanap akong term. Tapos tinanong ko na rin kay sir kung ok na ba yun. Hindi pa pala. May kelangan pala akong mahanap na article tungkol sa naging dispute dun. Well at least, naging malinaw na rin ang lahat. Haha.

Pagkatapos nun ay nagkita kami ni Lorr sa Eng'g Bldg. Tapos kumain na kami ng lunch sa Casaa. Grabe! Sobrang gutom na talaga ako nun. Mga 11 na kasi kami nakakain. E di ako nakakain ng agahan. Kaya lumamon tuloy ako. Hahaha!

Tapos dumerecho na kami sa Eng'g Lib II para magaral. At kamusta naman, nanood lang kami ni Lorr ng mga music videos sa PSP niya. Hahaha! Pero nakapagaral naman ako kahit papaano. Tapos nagnet muna ako saglit since libre naman. Pagbalik ko sa table, ayun, tulog si Lorr. Hahaha!

Tapos pumunta na kami ng Math para sa exam. Pagkatapos nung exam ay nagpunta kami sa Trinoma. Nagdinner na muna kami sa Tokyo Tokyo. Tapos nag-DQ naman after. Kasama ko nun sina Lorr, Chuck, Julian, Rhoda at Stephen. Grabe! Laugh trip talaga yung buong gabing yun. Hahaha!

Tapos nakita ko pa pala si ate Jen, yung girlfriend ng kuya ko. Pagkatapos namin magusap, nakita ko na lang yung mga kasama ko na nakatitig lang sa akin. Tas sabi na lang ni Lorr bigla na ang ganda ganda raw ni ate Jen. So therefore gwapo raw yung kuya ko. Hahaha! Natawa na lang talaga ako. Hahaha. Tas ang dami pang nangyari. Ayun. Sobrang saya talaga.

Tas umuwi na kami.

0 comments: