Friday, May 1, 2009

Bridge Climb

Kakanood ko lang ng Finding Nemo sa Disney Channel. Tas habang pinapanuod ko e naalala ko bigla ung bakasyon namin nina mama at Sheryl sa Australia. Sa Sydney, Australia kasi ung setting ng Finding Nemo.

Ayun, sobrang namiss ko yun. Isa talaga yun sa mga unforgettable vacations ko. Tapos ilang beses ding napakita ung Sydney Harbour Bridge dun sa movie. Kaya naalala ko tuloy ung ginawa naming bridge climb sa Sydney Harbour Bridge. Hahaha. Isa yun sa mga unforgettable experiences ko sa Sydney.

Una naming ginawa ay umakyat sa dun sa isang base nung bridge. Bale naglakad muna kami sa isang mahabang catwalk na kung saan kita mo na ung tubig sa baba. At ang taas-taas pa namin. Pagkatapos ay umakyat naman kami ng isang napakahabang ladder. Nakakapagod ung pagakyat dun kasi vertical ung ladder. Hindi yung
nakaslant. Hanggang dun lang ung scary part nung bridge climb. Pagdating mo kasi dun sa isang base, derecho na kami sa paglalakad dun sa arc nung bridge. At ang sarap ng feeling pag nasa taas ka na. Ang sarap nung hangin dun. Tas ang ganda-ganda pa ng view. Sunset kasi kami umakyat. Kaya sobrang ganda talagang pagmasdan ng Sydney. Hindi mo na rin maiisip na ang taas-taas niyo na. Iba talaga yung feeling pag nasa taas na.
Hay. Namimiss ko na ang Sydney. Sana makabalik ulit ako dun. ^_^

4 comments:

tincy said...

gusto ko din pumunta sa australia! haha

Patrick said...

tincy: tara! punta tayo pagka-graduate natin! :D

tincy said...

libre mo? haha.

Patrick said...

tincy: Di a! Haha! Kaya nga pagka-graduate e. Para may pera na tayo by that time. Haha.