Friday, May 29, 2009

Bum Mode

Buong araw lang akong nasa kama ko at kaharap ang laptop. Hahaha! Dapat kasi manunuod kami nung mga kaibigan ko nung high school ng sine. Kaso di na ako nakasama dahil nga masama ang pakiramdam ko at sinisipon pa ako ng bongga.

Dalawang araw na rin kasi akong pagod. Nung wednesday, sinamahan ko si Reyson sa Divisoria. Bumili siya ng tela para sa uniform niya. Pagkauwi ko, ayun. Sumakit ang ulo ko dahil sa pagod at sobrang kainitan. Tas kahapon naman, pumunta kami ni Rhayne ng UST para bisitahin sina Tincy, Mary at Jeanne. Tas dinalhan ko na rin sila ng cake na binake namin ni Mama. Tas pagkauwi ko, sumasakit na naman yung ulo ko tas sinisipon na rin ako. Kaya sabi ni Mama wag na raw ako umalis ngayon at magpahinga na lang.

Ayun, kaya buong araw, andito lang ako sa kama ko at nanuod na lang ako ng Gossip Girl. Hahaha! Tinapos ko na yung season 2. At sobrang natuwa ako, lalo na sa finale. The best talaga yung finale nun. Hehehe.

Tas grabe din yung sipon ko. Tulo ng tulo. Nakalahati ko na ata yung tissue box dito sa kwarto ko. Hahaha!

Tas panira pa ng araw yung CRS. Nawala kasi yung dalawang subjects na enlisted na sa akin. At di lang pala ako yung nagkaganun. Marami rin pala. Grabe! Napamura ako ng sobra-sobra dun. Nakakainis naman kasi e. Buti na lang naglabas ulit yung CRS ng panibagong announcement. Binalik na nila yung results nung first batch run. Ayun. Mas ok na ako dun.

Hay. Ayan. Ayan lang ang ginawa ko buong araw. Hahaha.

2 comments:

_anna said...

PANALO TALAGA ANG FINALE NG GOSSIP GIRL <3 <3 <3

Patrick said...

Hahaha! The best talaga! (dance)