Sunday, February 1, 2009

Rants

Hay. Ang dami talagang bumabagabag sa isip ko ngayon. Hindi tuloy ako makapag-concentrate. Di pa ako tapos sumagot ng mga exercises sa ES 11 at di pa rin ako tapos magaral para sa exam ko sa Art Stud 1. Hay. Bakit kasi ganun? Para bang nagbago bigla ang ihip ng hangin at hindi na niya ako pinapansin. Samantalang todo usap naman siya dun sa iba. E ako? Ni "Hi!" lang e wala e. Di talaga niya ako pinansin buong gabi. Ayun, nainis ako. Edi di ko rin siya pinansin. Tapos kaninang umaga, di pa rin niya ako pinapansin. Di ko rin siya pinapansin. Tapos nagulat na lang ako na pinansin na rin niya ako. Ayun, pinansin ko na rin siya. Hahaha. Alam kong wala akong karapatang magalit sa kanya, pero naiinis lang talaga ako. Di niya kasi ako pinapansin ng bongga e! Nakakapikon lang. Oo! Nagseselos ako sa mga pinapansin niya. Edi sila na ung pinapansin niya! Epal lang naman ako e! Dakilang epal at papansin!

Hay. Ayan. Nailabas ko na rin kahit papaano ang sama ng loob ko. Patawad kung naguguluhan kayo sa mga sinabi ko. Pasensiya na talaga. Wag niyo na rin ako tanungin kung sino yan at kung ano ba talaga ang nangyari. Ayoko na pagusapan yan. Hay. Sige. Alis na ako. Magsasagot na ulit ako (bye)

4 comments:

alai said...

aaaw.
edi ikaw ng nagseselos sa mga kinakausap niya.
:|
keri lang.
*huuuuuug* bamba.:D

Patrick said...

salamat Alai! ^^,
teka, kilala mo ba?!

alai said...

ata?
ito ba yun dating tinanong ko sa'yo?
kung ayun, edi kilala ko.:))

Patrick said...

Ahhh. Hahaha! Oo na lang ako. Hahaha!