Saturday, November 15, 2008

Two Weeks Notice

Hindi ko alam kung appropriate ba or kung tama ba ung title ng post ko ngayon.

Ang tagal ko na pa lang hindi nauupdate ung blog ko. Anyway, ito ung mga nangyari sa akin for the past two weeks.

Grabe lang yung enrollment period. Super hagard! Akyat-
baba ako ng EEE Building. Inaabangan pa namin si sir Roxas para makapag pre-rog sa kanya sa EEE 23. From EEE Building, pumunta ako ng FC, tapos sa CAL, para lang macancel yung isa kong GE. Pabalik-balik pa ako sa PNB at AS para makachempo ng maiksing pila para makapagbayad na ng tuition fee.

Noong November 9, 2008 naman, birthday ni Kat at EK Day namin! Grabe! Super saya talaga nito. Isa ito sa mga hindi ko makakalimutang bonding moments with G11. Maraming salamat din kay Ma'am Kristyl, dahil kung wala siya, hindi ito matutuloy. Mga kasama pala nun ay ako, Kat, Alai, Jelo, JE, Greggue, Jorge, Michaelle, Frank, Rosa, Troy, Karlo, Marvin at Ma'am Kristyl.Natapos na rin ang first week of classes namin. Okay naman. Expected ko na na ganun yung mga mangyayari. Bahala na lang talaga. Saka goodluck na lang sakin sa schedule ko with Art Stud 1 at Math 55. Goodluck sa aking studies. Magsisipag na talaga ako ngayong sem. Promise ko yun sa sarili ko.

Tas kahapon, pumunta kami nina Rhayne, Karlo, at Greggue sa Recto para bumili ng mga libro. Hahaha! Ang hirap kasi hanapin nung mga libro namin e. Kaya dun pa kami dumayo. Ayun. Enjoy naman. Hahaha! Sobrang nakakapagod nga lang. Lakad galore kasi. Hahaha.

Tas kanina CWTS namin. Ayun. Hiwahiwalay kami ng mga grupo. Ok naman ako sa grupo ko, andun kasi siya. Hahaha. Sana lang talaga ay maenjoy ko ang CWTS na to. Sana makasundo ko lahat ng mga kagrupo ko. At sana lagi kaming (with blockmates) kakain sa labas after ng CWTS. Parang nung 1st sem lang.

0 comments: