Ilang linggo na rin ang nakalipas nang huli akong makapagkwento. Sobrang busy kasi. Bawat linggo na lang may exam. Di na naawa sa amin. Hay. Tapos dagdag problema pa yung ilang mga tao.
Tao 1:
Nakakainis ka alam mo yun? Di na ako natatawa sa mga pinaggagagawa mo. Nung una ok pa e. Di ko na lang pinapansin. Kaso habang tumatagal, nakakainis na e. Lalo na yung sinabi mo sa akin nung nasa VLC: "O bakit ka andito? Dun ka nga sa Circuit!" Alam kong joke lang yun. Pero hindi ako natatawa. Naki-ride na lang ako sa iyo nun e. Kunwari aalis na, pero bumalik ulit. Pero sa totoo lang, gusto ko talaga lumipat sa Circuit nun. Nakakainis kasi yung sinabi mo e. Alam mo naman kung bakit hindi na ako tumatabi sa inyo diba? At isa pa, ang arte mo naman! Sasali na nga lang ng org, gusto mo kasama pa siya. Tapos ako pa ang uutusan mong kumbinsihin siyang sumali? Ok ka lang? Di na nga kami naguusap nung taong yun e. Nananadya ka ba? Batukan kita jan e!
Tao 2:
Isa ka pang nakakairita! Kaya pala parang may something nung enrollment. Tapos bago magpasukan, nalaman ko na kung bakit. Sabi ko na lang sa sarili ko, "pag di niya ako pinansin, di ko na rin lang siya papansinin." At ganun nga ang nangyari. Unang araw pa lang, di ka na namansin. Grabe ka! Alam ko naman na mali yung ginawa ko. Mahirap ipaliwanag kung bakit ko yun nagawa. Pero grabe ka naman! Dahil lang dun puputulin mo na pagkakaibigan natin?! Kahit nga nung birthday ko di mo man lang ako binati. Ikaw lang yung G11 na di bumati sa akin. Salamat ha! What a friend! Tapos ako pa talaga yung unang kumausap sa iyo. Di ka man lang gumawa ng paraan. Lagi na lang ako yung unang lumalapit. Nakakainis ka! At pagkatapos nung dalawang araw na iyon, balik na ulit sa dating di naguusap/nagpapansinan. So ganun na lang tayo? Ok lang naman sakin e. At mukhang ok na ok para sa iyo.
Tapos nakakainis pa yung nangyari kanina. Grabe! Ano bang nangyayari ha? Plastikan na lang na may halong pangaasar? P*t*ng *na!
Friday, July 31, 2009
Rants V
2 commentswritten by Patrick at 8:23 PM
Sunday, July 26, 2009
Quotes
0 comments"It's not wrong to be nice to everybody. But learn to be true to only a few so you won't end up being betrayed by someone whom you've trusted."
_____________________________________________________________________________________
Tamaan na ang dapat matamaan. Basta tinamaan ako nung mabasa ko yung mga yan.
written by Patrick at 9:24 AM
Sunday, July 19, 2009
Harry Potter and the Half-Blood Prince
2 commentsKahapon nanood kami ng Harry Potter and the Half-Blood Prince sa Trinoma. Kasama ko sina Alai, Lorr, Chet, Melai, Joe, Carl, AJ, Neil, Rhoda at Lei. Alam naming maraming manonood, kaya nung friday pa lang ay nagpareserve na ako ng seats sa SureSeats.
Exam pala namin kahapon sa EEE 21. Pagkatapos ng exam, dumerecho na kami sa Trinoma. Kasama pa namin nun si Denise. Kinuha na muna namin yung mga tickets. At pagkatapos ay kumain na kami sa Tokyo Tokyo. Pagkatapos kumain, umuwi na si Denise. At kami nama'y bumili muna ng popcorn at inumin at saka na pumasok sa sinehan.
Maganda naman yung movie. Sulit yung Php 190 na binayad namin. Ang dami pang laugh trip na scenes. Medyo nakakadisappoint nga lang kasi nagfocus masyado sa mga love story nung characters. Pero ayos lang, maganda pa rin yung movie. Puro tawanan at 'awww' ang maririnig mula sa audience. Hahaha! Tapos si Carl naman, tuwing lalabas si Ginny, 'punyeta' na lang ang maririnig mong lumalabas sa bibig niya. Hahaha! Sobrang saya talaga sa loob ng sinehan.
Pagkatapos namin manood, bumili muna kami ng ice cream sa DQ. Tapos tumambay na kami dun sa Food Choices. Grabe! Laugh trip din yung pagtambay namin dun. Sina Melai at Joe kasi nagbibisaya. Tawa kami ng tawa. Tapos tawang-tawa kami kay Chet kasi grabe siya makatawa. Halos di na siya makahinga. Haha! Tapos nirecord pa pala ni AJ sa laptop niya yung mga ginawa nina Melai at Joe. Pagkatapos nun, nagpicture-picture muna kami. At pagkatapos ay umuwi na kami.
Sobrang saya talaga.
_____________________________________________________________________________________
Tapos naalala pala namin ni Alai yung EEE 34 days. Kasama nun sina Karlo at Jelo. Pagkatapos namin bumili ng mga gamit para sa EEE 34, tumambay kami sa may garden. At kung ano-ano lang ang mga pinagkkwentuhan namin. Umabot din kami dun nga mga 11:30 ng gabi sa sobrang sarap ng paguusap. Wala lang. Haha. Nakakamiss lang yung mga oras na yun. Sana nga may susunod pa kaming ganun.
Sunday, July 12, 2009
Thrifty'
6 commentsGaling na naman akong Techno Hub kanina. Hahaha! Grabe! Ang gastos ko ngayong linggo. Dalawang beses na kasi akong nakakatapak sa Techno Hub ngayong linggo.
Nung thursday yung una. Kasama ko nun sina Lorr, Alai, at Carlo. Bigla kasing nagyaya si Alai na mag Starbucks. At ayun, napadpad kami sa Techno Hub. Kumain kami ng walang kamatayang Cinnamon Swirl at Frapuccino. Tapos nakuha pa naming dumaan sa Mini Stop. May bibilhin lang dapat si Carlo, kaso nauwi sa pagbili namin ng pagkain. O diba! Ang gastos! Medyo nagtagal din kami dun. Nagkwentuhan pa kasi. Tapos naloka pa kami sa libro ni Carlo para sa Philo 11 niya. Tagalog kasi yung libro. Tawa na lang kami ng tawa nung binabasa namin yung libro niya. Ang lalalim nung mga salita. Tapos may mga salita na hindi tagalog. Kaya napagtripan naming itranslate sa tagalog. At panalo yung mga translations ni Lorr:
Workshop - Trabahong Tindahan
Tapos kanina, pagkatapos ng exam sa ES 12, pumunta na naman kami sa Techno Hub para kumain. Grabe! Sobrang lakas nung ulan! Di pa kami nakakapasok sa Techno Hub mismo ay basang basa na kami ng ulan. Sa KFC kami kumain nina Greggue, Alai, at Lorr. Tapos dumaan kami sa National Bookstore. Nagtagal din kami dun. Kung ano-ano kasi yung mga pinaggagagawa namin. Hahaha! Tapos dumerecho na naman kami sa Starbucks. Napagastos na naman ako. Hahaha! At habang andun, tinuloy na namin yung prob set sa EEE 21. Tapos nabigyan pa kami ng free taste ng Dark Java Jelly. Ang sarap! Ang cute din pala nung lalagyanan. Kaya inuwi namin yun ni Alai. Pagdating ng mga 9:30 ay nagsiuwian na kami.
Sobrang saya talaga! Kahit napapagastos ako ng bonggang bongga, sulit na sulit naman dahil kasama ko yung mga kaibigan ko. *emo* Hahaha!
P.S.
Kaya pala ganyan ang title ko ay dahil sa impluwensiya ng EEE 21. Hahaha! Yung ' kasi ay nagsisimbolo ng kabaligtaran. Kaya kung thrifty lang, ibig sabihin ay matipid. Pero kung thrifty', hindi matipid ang ibig sabihin. Kaya ayun. Hehe.
Saturday, July 11, 2009
Birthday Bash II
2 commentsNoong nakaraang July 2, nilibre ko yung ilan sa mga hindi nakapunta nung kaarawan ko. Ang mga nakasama ay sina Lorr, Chet, Rosa, at Gens. Sumama rin pala sina Alai at Greggue. Pero hindi sila kasama sa libre ko.
Dapat ay mga 2:00 pa kami aalis dahil may klase pa kami sa EEE 25. Kaso hindi pumasok si Sir Atienza, kaya mga 1:00 pa lang ay umalis na kami. Dumaan muna kami sa SM North dahil bibili si Greggue ng contact lens niya. Pagkatapos makabili, hindi kami makapagdesisyon kung saan kami kakain. Mga 30 minuto rin kami naging idle sa iisang lugar. Hahaha! Ang dami kasing pinagpipilian. At nauwi kami sa Taco Bell. Kaya lumipat pa kami ng Trinoma.
Ayun, sobrang saya nung kainan. Puro kwentuhan at tawanan. Sobrang saya talaga! Tapos nakita pa namin si Ma'am Chei. Prof namin siya sa Soc Sci 1 nung freshies pa kami. At di na kami nagulat sa suot niya na kita ang pusod niya. Hahaha! Belly Dancer kasi siya. Kaya ayos lang.
Pagkatapos kumain, pumunta naman kami sa Dairy Queen para mag desert. Umalis na pala sina Chet at Rosa nung mga oras na ito. At ayun, kwentuhan lang ulit kami at tawanan. At pagkatapos ay umuwi na kami.
Sobrang saya talaga nung araw na ito. ^___^