Friday, April 10, 2009

Summer Vacation

Simula nung Wednesday hanggang ngayon ay nagmomovie marathon lang ako sa bahay. Walang magawa e. At ang pinakamagandang napanood ko pa lang ay yung 21. Wala lang. Ang cool nung movie. Tungkol siya sa Black Jack. Tapos umiikot ung storya sa isang estudyante na naglalaro ng Black Jack para makaipon ng pera for college. Basta, panuorin niyo. Ang ganda nung story.

Tapos nalinis ko na rin pala ung kwarto ko. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nung huling nilinis ko ang kwarto ko. Magoovernight kasi rito ung mga blockmates ko. Kaya ayun, nilinis ko. Hahaha.

Natapos na rin pala ako sa pagaaral ng Math 114. Sa monday kasi ung removal exam namin. Sana sapat na ung pagaaral na ginawa ko para makapasa. Pero bukas magrereview pa rin ako.

At ang pinakamasaya kong nagawa so far ay ang magbike. Ang tagal ko na ring hindi nagbibike. Kahapon e hinalungkat ko ung bike ko sa bodega. Tas tinulungan ako ni Papa na linisin yun. Buti ayus pa yun. Ang tagal ko na rin kasing hindi nagamit yun. Ayun, nagbike ako sa neighborhood namin. Ang sarap talaga ng feeling habang nagbibike. Tapos kanina ay magbibike din sana ako. Kaso nakatulog ako. Oh well, bukas na lang. Hehe.

Ayun. Ito pa lang ung mga pinagkakaabalahan ko rito sa bahay. Ang boring talaga. Wala kasi si Mama. Nagbabakasyon sa States. Di tuloy kami lumalabas. Ang lungkot lang. Hay. Buti na lang magssummer classes ako. At least makakalabas ako ng bahay. ^___^

2 comments:

Yas Jayson said...

matagal k na ding pinaplanong mag-aral mag-bike./ badtrip. di ko talaga kaya. ehe.

Patrick said...

eIYAS: madali lang mag-bike. tiyaga lang at practice magbalance :D