Thursday, April 30, 2009

Boring Weekend?

Ang tagal ko na ring hindi nakapagpost. Hahaha. Anyway, kwento ko na lang yung nangyari sa akin nitong weekend.

Overall, sobrang boring ng weekend ko. Wala kasing magawa sa bahay. Ang productive lang na nagawa ko ay ang magbake, linisin ang kwarto ko at magdrive. Hahaha.

Tapos ung sa pagbabake, sapilitan pa yun. Ayoko talaga magbake nun. Wala kasi ako sa mood. Kaso ung ate ko pinipilit ako. Kaya ayun. Ulam ung binake ko, hindi dessert. Tas yung ready-made na. Yung hahaluan mo na lang ng konting ingredients. Pagkatapos maluto, tinikman ko. Ang tabang! Kaya di na ako kumain. Pinabayaan ko na lang silang ubusin yun. Hahaha.

Ayun, nakapaglinis din ako ng kwarto ko kahit papaano. Huling beses ko kasing nalinis yun ay nung nagovernight ung G11 sa bahay namin. E two weeks ago na ata yun. Hahaha. Grabe! ang alikabok na pala nung kwarto ko. Kaya grabeng paglilinis ung ginawa ko.

Ang pinakamasayang nagawa ko lang nung weekend ay ang magaral magdrive. Si papa lang yung nagtuturo sa akin magdrive. Dun kami nagdrive sa isang lugar na malapit sa bayan. Sumama nga pala si Nicole, yung pamangkin ko. Hahaha. Ayun, naenjoy ko naman. Hahaha. Automatic na muna yung drinive ko para masanay na muna sa daanan, sa pagliko, sa pagmamanuever at dahil mas madali. Tas ngayong sabado naman ay yung manual na ung susubukin kong idrive. Goodluck na lang sa akin. Lagi kasi akong namamatayan nun. Pero kagaya nga ng sabi ni papa, sanayan lang ito. Matututo rin ako! Hahaha.

0 comments: