Kahapon, habang nagaayos ng mga gamit ko rito sa kwarto, nakita ko yung isang shoe box. Ang laman nun ay yung mga memories ko sa Marist nung high school. Andun ung Loyalty Pin ko, mga luma kong ID's, mga tickets sa fair, high school dance, variety show, etc., mga class pictures, at marami pang iba.
Pero ang pinansin ko talaga dun ay yung mga Palanca letters na bigay sa akin ng mga kaibigan ko bago ang retreat namin nung 4th year sa Antipolo. Ayun, binasa ko ulit yung mga sulat nila sa akin. Natuwa talaga ako sa mga sinabi nila. Hindi ko ineexpect na ganun pala nila ako naa-appreciate. Naalala ko tuloy yung mga nangyari sa amin nung high school. Hay. Nakakamiss lang talaga ang buhay high school, lalo na ung mga kaibigan ko, at mas lalo na yung mga naging bestfriends ko nun. Hay. Miss ko na talaga sila. Nagkahiwa-hiwalay na kasi kami. Minsan na lang kami naguusap at nagkikita. Hay.
Tapos may isang Palanca letter pala akong natanggap habang nasa Antipolo kami. Dinala yun nung adviser namin nung bumisita siya sa amin. Akala ko galing mismo sa kanya. Ayun pala galing dun sa dalawa kong bestfriends na hindi ko kaklase nung time na yun. Nag-update lang sila sa nangyari sa Marist nung araw na iyon. Grabe! Nagulat ako sa nabasa ko! Nagkaroon pala ng away. At sa pagitan pa nung mga bakla. Hahaha! sobrang natawa talaga ako nun. May mga nagkampihan daw. Tas may sabunutan atang naganap. Hahaha! Ayun. Wala lang. Naalala ko lang bigla.
Anyway, ayun. Hahaha. Wala lang. Nag-reminisce lang ako sa ilang pangyayari nung 4th year high school. ^__^
Sunday, April 5, 2009
Palanca Letters
written by Patrick at 3:11 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment