Tuesday, March 31, 2009

How to Court a Girl by Juan Ekis

8 comments

Grabbed from Atan.

Grabe! Benta talaga to! Bwahaha! (lmao)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress na nakilala ko recently sa isang party. Nasisraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?

In lab na po ako. Ano po ba ang gagawin ko? Is she the one?

Lubos na gumagalang,
- Bartolome -

- ANG REPLY -

Dear Bartolome,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at kalachuchi. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano'ng era ka ba pinanganak?

Pero don't worry. It's not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa'yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na tin, iyon na lang talaga ang pag-asa mo. /Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo 'to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa'yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isula mo: “I miss hanging out with you.”

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

12. Pagatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”



Handang tumulong lagi,

-Bob Ong-

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sunday, March 29, 2009

Phone

0 comments

Nung high school pa kami, halos lagi kaming nag-uusap nung isa sa mga bestfriends ko sa Marist sa telepono tuwing gabi. Minsan inaabutan na kami ng madaling araw. Tapos kung ano-ano lang yung mga pinaguusapan naman. Kaso pagdating ng kolehiyo, mejo natigil na ito. Busy na rin kasi kami sa pag-aaral. Tapos kagabi, bigla na lang siyang nagtext. Tawag daw ako. Ayun, pagkatapos ng ilang buwan, nakapagusap na ulit kami ng bonggang bongga.

Grabe! Ang dami naming napagusapan kagabi. Nag-update muna kami sa isa't isa. Nagkamustahan sa buhay. Ayun, ang dami kong nalaman na bago mula sa kanya. At natawa talaga ako nung nakuwento niya sa akin na may binigyan siya ng bulaklak nung Valentine's day. Hahaha. Wala lang. Parehas kasi kaming may ginawa nung Valentine's day. Ang binigay ko naman nun ay chocolates. Hahaha. La lang.

Tapos bigla na lang kaming nagchismisan tungkol dun sa dalawa naming kaklase nung high school. Grabe lang ung mga nalaman ko dun sa isa. Karamihan nung chismis e nanggaling sa akin. Tapos tawa ako ng tawa. Ang tagal niya kasing maka-get over dun sa sinabi ko. Para ba kasing "avalanche of information" ung mga nasabi ko. Hahaha! Grabe lang. Tas nagulat din ako sa sinabi niya tungkol dun sa isa. Hahaha. Grabe talaga yung mga nalaman namin kagabi. Hahaha.

Ayun, natapos kaming magusap ng mga 12:30 AM na ata kanina. Na-low batt na kasi ung cordless phone na gamit ko. Kaya ayun.

Grabe. Namiss ko talaga yung mga times na yun. Sana dumalas na ulit ung paguusap namin. Kaso busy din kami ngayong summer e. May summer classes ako. Siya naman ay may intern sa St. Luke's. Bahala na lang. Hahaha.

Saturday, March 28, 2009

Timezone

6 comments

Sa mga nakalipas na araw, halos lagi na akong nasa Techno Hub tuwing pagkatapos ng klase o exam para kumain sa KFC at maglaro sa Timezone.

Nung tuesday, may klase dapat kami sa EEE 23 Lec. Kaso nilipat sa wednesday. Kaya kumain kami nina Jelo, Greggue, Loribelle, Dondon, Michaelle at Jorge sa Tree House. Pagkatapos kumain ay dapat uuwi na kami. Kaso biglang nagkayayaan. Kaya nagpunta kami sa Timezone. Si Greggue ay di na nakasama dahil may klase pa siya. Pagdating namin doon, naglaro kami agad. Sina Michaelle at Jorge ay nag-karaoke. Samantala kami nina Jelo at Dondon ay naglaro ng basketball at DDR. Si Lori naman ay naglaro rin. Kaso di ko na alam kung ano yung mga nalaro niya. Ang galing naming CR buddies. Habang tumatagal e nag-iimprove na kami sa DDR. Kahit saglit lang kami dun e sobrang saya. Pagod na pagod kami saka tumutulo na yung mga pawis namin.

Nung wednesday naman, may exam kami sa EEE 23 mula 1 PM hanggang 4 PM. Pagkatapos ng exam, bigla na lang ulit nagkayayaan. Sa Techno Hub na naman. Mga kasama ko nun ay sina Jelo, Greggue, Lori, Michaelle, Jorge, Dondon, at Gens. Kumain muna kami sa KFC. Tapos nagbaraha saglit. Pagkatapos ay dumerecho na kami sa Timezone. At kagaya ng dati, naglaro ulit kami ng bonggang bongga. Nagbasketball, DDR, Dance Maniax, Air Hockey, at marami pang iba. Si Greggue e sobrang galing sa basketball. Ang tataas ng scores. Tapos kami namang CR buddies ay todo ang improvement sa DDR. From light, triny na namin ung standard. Tapos imbes na 4 steps e 5 steps na. Ang galing talaga. At as usual, pagod na pagod kami at basang basa sa pawis. Pero sobrang saya talaga nun.

At kanina ang pinaka-latest kong punta run. Kasama ko sina Jelo, Greggue, Dondon at Karlo. Pagkatapos ng finals namin sa Math 55 ay pumunta muna kami sa Eng'g Lib II para samahan sina Wes at Troy. Titignan kasi nila kung exempted ba sila sa EEE 35 finals. Pagkatapos ay nagpunta naman kami sa Eng'g para asikasuhin naman ang ES 11. At pagkatapos ng lahat ng ito ay dumerecho na kami sa Techno Hub. Kumain muna kami sa KFC, naglaro ng baraha at nagpalipas muna ng oras. 12 NN kasi nagbubukas yung Timezone. Pagdating ng 12 ay dumerecho na kami run. Naglaro kami ng basketball, DDR, Dance Maniax, Tekken 6, Drum Mania at kumanta. Hindi masyadong pinalad kaming CR buddies sa DDR. Hindi ko alam kung bakit, pero halos lagi na kaming namamatay. Di na kami masyadong makakumpleto ng kanta. Nakakalungkot lang. Hay. Pero anyway, ayun, super saya pa rin. At as usual ay pagod na pagod kami at basang basa ng pawis. Hahaha.

Ayun. Grabe. Sobrang saya talaga. Sana madalas pa rin itong mangyayari. Ang saya kasi e. At nakakabond ko pa sila ng bonggang bongga. Kaya sana talaga e maulit ito. Salamat talaga sa inyo guys! ^_^

Monday, March 16, 2009

Memories

6 comments

So far, ito na ang pinakamasaya kong sem dito sa UP. Naenjoy ko talaga ito ng sobra. Kaso patapos na ang sem. Dalawang linggo na lang. :(

Hay. Mamimiss ko talaga ito.

Mamimiss ang pagkain namin sa Eng'g Cafe nina Greggue, Alai, Rhayne at Eman tuwing monday, pagkatapos ng ES 11 Lab. Tas minsan nakakasama rin namin sina Jelo, Karlo, at Wes.

Tuwing tuesday naman, mamimiss ko ang pagkain at pagbabaraha naming G11 sa CS Canteen pagkatapos ng mga klase namin sa Math Bldg. Mamimiss ko rin ang pagsama ko kay Michaelle tuwing hapon, pagkatapos ng EEE 23 Lec.

Mamimiss ko rin ang pagkain namin sa Eng'g Cafe nina Greggue, Rhayne, at Eman tuwing wednesday, pagkatapos ng ES 11 Lec. At ang pagtambay naman sa quiet zone ng EEE Bldg. kasama sina Jelo, Loribelle, Greggue, Michaelle, at Jorge pagkatapos ng Math 114 class ko at bago ang EEE 23 DC namin.

Mamimiss ko tuwing thursday ang pagkain at pagbabaraha ulit ng G11 sa CS Canteen.

At tuwing friday naman ay ang pagkain ulit namin sa Eng'g Cafe.

Pero ang pinakamamimiss ko talagang araw ay ang saturday. CWTS kasi namin ito. At sobrang naenjoy ko ito. Ito talaga ang araw na mamimiss ko ng bonggang bongga. Mamimiss ko ang pagkain namin sa KFC sa Techno Hub. Tas pagkatapos nun ay derecho naman ng Time Zone. Hahaha.

Hay. Mamimiss ko talaga ang bawat araw ng sem na ito. Ang bawat araw na nakakasama ko sila at nakakabonding. Mamimiss ko ang mga tawanan, jokes, dramahan, pagbabaraha, mga asaran, pagpapakavain, at marami pang iba.

Maraming maraming salamat guys for a wonderful sem! ^_^

Flame of Recca

2 comments

Hahaha! Naalala ko lang naman yung nangyari sa akin nung 3rd year high school. Naging Flame of Recca ako nun. Hahaha. As in lumihab talaga ung kamay ko.

Lab namin nun sa Chem. Tapos may ginagawa kaming experiment. Tapos pumunta ako sa kabilang grupo para makisindi ng alcohol lamp. Tas may biglang pinakitang drawing sa akin ung isa kong kaklase. Edi tinignan ko. Tas may bigla na lang akong naramdaman na mainit sa aking kaliwang kamay. Tas pagtingin ko, nakatagilid na pala ang hawak ko sa alcohol lamp at lumilihab na ung kamay ko. Ayun, nagpanic ako, nilapag ko agad sa lamesa ung alcohol lamp tas ni-shake ko ung kamay ko. Para lang akong tanga nun, may tubig naman. Di ko naisip agad. Hahaha! Ayun, derecho agad ako dun sa lababo at binasa ng tubig.

Ayun. Haha. La lang. Naalala ko lang kasi bigla.

Sunday, March 8, 2009

Top Three

0 comments

Grabbed from Jelo, who grabbed it from Karlo, who grabbed it from Chuck. Hahaha!

THREE NAMES THAT FAMILY - FRIENDS CALL YOU:
1. Patrick
2. Pat
3. Bamba

THREE MOST IMPORTANT DATES IN YOUR LIFE:
1. June 27
2. June 14
3. May 23

THREE THINGS YOU'VE DONE IN THE LAST 30 MINUTES:
1. Studied ES11
2. Watched TV
3. Surfed the internet

THREE WAYS TO BE HAPPY EVEN IF YOU'RE JUST AT HOME:
1. Cooking and baking ^^,
2. Watching DVD's (DVD Marathon)
3. Reading novels

THREE GIFTS YOU WOULD LIKE TO RECEIVE:
1. Laptop :D
2. Personal Letters
3. Time

THREE OF YOUR FAVORITE HOBBIES:
1. Playing volleyball and badminton
2. Reading novels
3. Hanging out with my friends ^_^

THREE PLACES YOU WANT TO GO FOR VACATION:
1. USA
2. Europe
3. Palawan

THREE FAVORITE DRINKS:
1. Rootbeer
2. Mango shake
3. Lemon Iced Tea

THREE THINGS FOUND IN YOUR POCKET/BAG:
1. Cellphone
2. Umbrella
3. Wallet

THREE FAVORITE COLORS:
1. Blue
2. Violet
3. Red

TOP THREE HANGOUTS:
1. UP - Ayala Techno Hub
2. CS Canteen
3. Anywhere around UP, as long as I'm with my friends

TOP THREE SONGS U LOVE SO MUCH:
1. Mad by Ne-Yo
2. Breakaway by Kelly Clarkson
3. Thunder by Boys Like Girls

TOP THREE "THINGS" SPECIAL TO YOU:
1. G11's 17th birthday gift to me
2. Palanca letters given to me by my friends before our Retreat (4th year HS)
3. Cellphone

TOP THREE THAT MAKES YOU HAPPY LATELY:
1. Friends (especially G11 ^^,)
2. Seeing and having a conversation with a certain someone ^_^
3. No exams!

Saturday, March 7, 2009

Friends Over Org

2 comments

Ayon sa pamagat, ganyan ang nangyari kanina.

Nagsimula ang araw ko sa CWTS. Grabe! Sobrang nakakapagod ung CWTS. Una naming ginawa ay yung practicals ng rappelling. Nag-walk down at fade away kami. Tas tinuro naman yung ascending. Tas pinagawa rin samin yun. Grabe! Mejo nahirapan ako dun sa ascending. Nakakangawit kasi. Pero masaya naman. Hahaha.

Pagkatapos ng CWTS ay dapat pupunta na ako ng SquEEEze. Isa ito national EEE quiz show na inorganize ng aking org na UP Circuit. Ayun, tinamad ako. Hahaha! Kaya sumama na lang ako kina Treena, Jelo, at Dondon, at nanood na lang kami ng game ni Greggue. Sayang, di namin siya naabutan. Pagdating kasi namin ay 4th quarter na. Tas ayun, nanalo sila! Hehehe.

Pagkatapos nun ay kumain kami sa KFC sa Techno Hub. Pinagusapan na rin namin yung reunion ng VANIteam, at pati na rin ung block shirt namin. Ayun, napakasaya! Hahaha.

Pagkatapos ay nag-Timezone kami. Wala na si Treena rito. Nauna na siya. Sobrang naenjoy ko ung paglalaro namin dito. Nagbasketball muna kami, tas nag Dance Dance Revolution, tas kumanta, at bago umuwi ay nag Dance Maniax. Grabe talaga kanina! Ang dami naming nalarong libre! Hahaha! Nagsimula yun sa Dance Maniax. Bagong lagay lang kasi iyun. Tas nakita namin na may credits pa. Edi nilaro namin! Hahaha! Tas nung nagbabasketball na kami, akala namin ay sira yung isa doon. Edi sinabi namin kay kuya, sabi niya ayus pa yun. Tas ni-swipe niya yung card niya. Tas sabi niya laruin na raw namin. Ayun, nakalibre kami ng isang laro! Hahaha! tas nung binalikan namin ulit ung sa basketball, may nakita na naman kaming may credit pa dun sa isa. Nilaro na rin namin yun. Tas pati na rin sa Dance Dance Revolution, may credits din. At as usual, nilaro rin namin. Grabe lang talaga! Sobrang saya namin nun! Ang daming libre! Hahaha! tas nung nagkantahan na kami, grabe lang si Greggue. Parang may tama siya nung mga oras na yun, bawat kanta na makita niya sa song list e bigla na lang niya kinakanta. Tas nakakatawa pa ung pagkakakanta niya. Tas kami naman nina Jelo at Dondon e pumipiyok-piyok habang kumakanta. Ang tataas kasi nung ibang mga kanta! Hahaha.

Natapos na kami ng mga 7 PM. Hahaha.

Sobrang saya talaga ng araw na ito. Worth it yung hindi ko pagpunta sa SquEEEze. Feeling ko rin naman kasi ay wala naman akong gagawin dun at di naman ako kailangan. Kaya ayun. Pero patawad na rin dahil di ako nakapunta. Anyway, maraming maraming salamat kina Greggue, Jelo, Dondon, at Treena. Napakasaya ng araw ko kanina. ^_^

Rants III

0 comments

Nangyari ito nung wednesday lang. Nainis talaga ako sa kanya. Grabe lang.

Ganito kasi iyon. Tuwing wednesday kasi, routine ko na na palaging sumama sa kanila. Tapos habang nagkaklase kami sa Math 114, biglang nagtext yung isa. Sabi niya pupunta raw siya ng CAL at nagpapasama sa akin. Masama raw kasi yung loob niya dun sa iba. Edi inisip ko na sige, sasamahan ko siya para malaman ko kung ano ba ang nangyari. Tas pagpunta ko sa CAL ng mga 1 PM, wala pa siya. Edi tinext ko kung asan na siya. Ang sabi niya ay nasa Yakal pa raw at nagkakantahan sila. Tinanong ko kung sino mga kasama niya. Ang sagot niya ay SILA daw. ANO YUN?! Akala ko ba galit siya sa kanila? Ang labo niya talaga. Tas sabi niya mga 1:30 PM na lang siya pupunta. Edi pumunta na muna ako sa SC kasi may bibilhin ako. Pagdaan ko sa Yakal, nakita ko sila. Ang saya-saya nila. Tas pagbalik ko mula sa SC, nakita nila ako. Tinawag nila ako. Ayun, di ko sila pinansin. Sobrang badtrip kasi ako nun sa kanya. Alam kong mali yung ginawa kong di pagpansin sa kanila. Pero sobrang nainis talaga ako sa kanya. Tas pagdating ko sa AS, mga 1:30 na nun. Hinihintay ko yung text niya. Ayun, may natanggap naman ako. Ang sabi lang e "tinatawag kita kanina." Di ko na siya nireplayan. Tas ineexpect ko na magtetext pa siya na papunta na siya. Ayun, di na talaga nagtext. Lalo lang akong nainis sa kanya.

At hanggang sa ngayon ay di pa rin kami naguusap. Ewan ko ba sa kanya kung may balak pa siyang kausapin ako. Basta ako, ok na ako ngayon. Kung kakausapin na niya ako, sige lang. Papakinggan ko na ang side niya.

P.S.
Di ko na nasama ang iba pang detalye. Yung importante na lang ung nilagay ko.