Monday, December 29, 2008

A Day with Old Friends

Gusto ko lang ikuwento ung mga nangyari sa akin noong December 22-23, 2008.

Nagsimula ang lahat sa isang overnight sa bahay namin. Ang mga dapat pupunta ay sina Kylie, Jansie, Reyson, at Angel. Kaso hindi nakapunta sina Reyson at Angel, kaya tatlo lang kami. Nung una e akala ko ay hindi na tuloy. Hindi naman kasi sila nagrereply. Tapos nung pagabi na e bigla silang nagtext. Kaya natuloy rin. Hindi planado ang overnight na ito kaya hindi namin alam kung anong mga gagawin sa bahay. Kaya nag-DVD marathon na lang
kami at konting kwentuhan. Konti lang ang mga napanuod namin. Aalis kasi si Kylie ng madaling araw. May lakad pa raw kasi siya kinabukasan. Mga 2AM na siya umalis at hinatid namin ni Jansie sa sakayan. Buti may mga jeep pa ng ganung oras. Paguwi namin sa bahay ay nanuod na lang kami ng TV hanggang sa makatulog kami.

Kinabukasan, gumising kami ng 8:30AM. Kumain at naligo na kami kasi pupunta pa kami sa SM Megamall at St. Francis Square. Nakipagkita kami kay Reyson sa MRT sa Cubao. Sabay-sabay na kaming pumunta sa Megamall. Pagdating dun ay pumunta muna kami sa St. Francis Square para bumili ng mga DVD. Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa
Megamall para kumain. Pagkatapos kumain ay lumibot na lang kami. Kung saan-saan kami pumupunta. May bibilhin kasi sila. Tapos nag-Timezone na rin kami. Nag-Dance Maniax kami ni Jansie. Pagkatapos nun ay nagbasketball naman kami. Tapos ay nakita namin si Reyson dun sa isang laro na maghuhulog ka ng mga piso hanggang malaglag ang mga iba pang piso na naipon na. Nakakaaliw ung laro kaya sumali kami ni Jansie. Ang tagal din naming andun. Nung simula kasi e walang nangyayari. Habang tumatagal ay nahuhulog na rin ung mga piso. Naka-21 na tickets ata kami. Pinapalit namin yung tickets ng tatlong keychain at tatlong HSM3 pocket calendar. Haha. Pagkatapos nun ay nagpapicture kami sa Van Gogh. At pagkatapos nun ay umuwi na kami.

Sobrang naenjoy ko ang araw na ito. Kahit pagod e masaya pa rin. Minsan na lang kasi kami magkita-kita. Sa uulitin. ^_^


2 comments:

Anonymous said...

ei after timezone naglibot libot pa tau dun nakabili c reyson ng jacket hahaha kulang kulang hehehe

Patrick said...

sorry naman.. hindi ko na dinetalye lahat.. haha..