Grabe lang talaga yung mga nangyari nitong weekend.
Saturday:
> Buong araw akong nagaral para sa 5th long exam namin sa EEE 33. Pagdating ng gabi, biglang nag GM si sir Leyson. Ayun. Kamusta naman diba? Bigla kaming naging textmates. Hahaha!
Sunday:
> Exam namin sa EEE 33. No comment na lang ako sa exam. Haha! Tas balak ko palang itreat sina Alai, Michaelle, Gens, Jelo, Karlo at Greggue. Gusto ko kasi magpasalamat sa lahat ng naitulong nila sa akin nitong sem. Hindi kasi makukumpleto itong sem na to kung wala sila (Ang drama ko. Haha!). So dapat kami-kami lang. Tas biglang sumama sina Martin at Jorge. Pero hindi nila alam na manlilibre ako. Okay lang naman sakin yun. Pero mas gusto ko sana kung kami-kami lang. So napagdesisyunan na sa Greenwich na lang kakain. Ayun. Nung umpisa mejo okay pa. Pero habang tumatagal, medyo naiinis na ako. Para kasing ang cocold nila sa akin. Hindi nila ako masyadong pinapansin. Parang wala lang ako dun. Si Greggue lang yung halos pumapansin sakin. So medyo nabadtrip ako. Tas ang bilis pang natapos. 7PM pa lang e nagsialisan na kami. Tas pagdating ko sa bahay, tinext ko yung kaibigan ko (di ko pwede banggitin kung sino). Nagsumbong ako sa kanya. Grabe! Ang haba nung text ko, 7 parts. At kamusta naman, kay Jelo ko nasend! Ayun. Nabasa niya lahat. Sabi niya, baka raw dahil may mga sabit kaya naging ganun. Tas nagcomment na rin siya dun sa sinabi ko sa text tungkol sa kanya. Ayun. Naging malinaw na rin yung issue. Ayos lang pala at na wrong send ako sa kanya. At least nagkaalaman na rin. Tas nung paggabi na, nakatext ko na naman si sir. Hahaha! Grabe lang talaga! Haha!At dun na natapos ang aking weekend.
Tuesday, October 14, 2008
Weekend Happenings
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
aaaw. sori ah.
nalungkot lang ako dun sa exam.
nasabaw ako eh.
TT__________TT
sori tlga.
pero nagpapasalamat paren ako.:D
hehehe. salamat!!>:D<
lam mo namang 'di rin makukumpleto yung sem ko nang hindi dahil sa inyo eh.:D
kaya salamat tlga.:D
sori naren.^^
okei lang.. wala na rin naman sakin yun naun e.. nangyari na yun.. so it's better to move on na lang..
anyway.. salamat din ng marami! kahit na nagkaalitan tayo nun.. maraming maraming salamat tlga for everything! ^_^
nakakatuwa naman kayo..
^__^
wala lang..
napadaan lang..
hehe..
sorry..
kung ayaw mong mabasa ko 2..
wala.
nabasa ko eh..
may tanung ako...
...
hindi ka ba sanay na binabaliwala?
hi Loribelle! hehe..
ok lang na nabasa mo..
walang namang problema yun e.. hehe..
hmm..
sanay naman ako na binabalewala..
nasanay na rin ako na ganun..
but..
iba kasi nung time na yun e..
di ko maexplain..
sorry..
pero ganun..
ang cute ni martin dun s pic!
...
dun s pic..
xD
ok.. hahaha.. :))
Post a Comment