Monday, March 16, 2009

Memories

So far, ito na ang pinakamasaya kong sem dito sa UP. Naenjoy ko talaga ito ng sobra. Kaso patapos na ang sem. Dalawang linggo na lang. :(

Hay. Mamimiss ko talaga ito.

Mamimiss ang pagkain namin sa Eng'g Cafe nina Greggue, Alai, Rhayne at Eman tuwing monday, pagkatapos ng ES 11 Lab. Tas minsan nakakasama rin namin sina Jelo, Karlo, at Wes.

Tuwing tuesday naman, mamimiss ko ang pagkain at pagbabaraha naming G11 sa CS Canteen pagkatapos ng mga klase namin sa Math Bldg. Mamimiss ko rin ang pagsama ko kay Michaelle tuwing hapon, pagkatapos ng EEE 23 Lec.

Mamimiss ko rin ang pagkain namin sa Eng'g Cafe nina Greggue, Rhayne, at Eman tuwing wednesday, pagkatapos ng ES 11 Lec. At ang pagtambay naman sa quiet zone ng EEE Bldg. kasama sina Jelo, Loribelle, Greggue, Michaelle, at Jorge pagkatapos ng Math 114 class ko at bago ang EEE 23 DC namin.

Mamimiss ko tuwing thursday ang pagkain at pagbabaraha ulit ng G11 sa CS Canteen.

At tuwing friday naman ay ang pagkain ulit namin sa Eng'g Cafe.

Pero ang pinakamamimiss ko talagang araw ay ang saturday. CWTS kasi namin ito. At sobrang naenjoy ko ito. Ito talaga ang araw na mamimiss ko ng bonggang bongga. Mamimiss ko ang pagkain namin sa KFC sa Techno Hub. Tas pagkatapos nun ay derecho naman ng Time Zone. Hahaha.

Hay. Mamimiss ko talaga ang bawat araw ng sem na ito. Ang bawat araw na nakakasama ko sila at nakakabonding. Mamimiss ko ang mga tawanan, jokes, dramahan, pagbabaraha, mga asaran, pagpapakavain, at marami pang iba.

Maraming maraming salamat guys for a wonderful sem! ^_^

6 comments:

Anonymous said...

yesss naman! love na love mo talaga ang g11.. hehehe ^__^

Patrick said...

Xempre! Mahal na mahal ko talaga sila! Kung wala sila, malungkot na siguro ang pamamalagi ko sa UP.

_anna said...

i'll miss cwts toooooooooo. :D

lulu said...

aww.. love na love block nya.. pati ako, g13! miss ko na first year.. mas lagi ko sila kasama dun. :'-(

*nadelete ung una. LOL!

Patrick said...

Anna: Hahaha. Ang enjoy no? Kahit na nakakainis yung mga nangyayari, masaya pa rin. Hahaha!

Lulu: Xempre! I really really love G11! ^_^ Hehehe.

red_balladeer said...

ako rin...mamimiss ko 'tong sem na 'toh... >_<

I made lots...and i mean LOTS of friends this sem. It's kinda sad that it's ending...T_T